“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 19: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 19,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 19
Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage
Ang matutuhang ipamuhay ang mga salita ng Panginoon sa mga banal na kasulatan ay magpapala sa iyo sa maraming paraan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maipamuhay ang mga katotohanan sa mga doctrinal mastery passage mula sa pangalawang bahagi ng Aklat ni Mormon.
Momentum
Ipagpalagay na pinagulong o sinipa mo ang isang bola. Ano ang maaaring makaimpluwensya kung gaano kalayo o kabilis gugulong ang bola?
Ang momentum ay isang paraan para ilarawan ang lakas o puwersa ng isang gumagalaw na bagay. Halimbawa, gagalaw ang isang bisikleta kapag pinaandar ito ng nakasakay, at nagpapatuloy ang momentum nito habang pinapanatili ng nagbibisikleta ang balanse at patuloy siyang pumapadyak. Nagkakaroon ng momentum ang bisikleta kapag bumibilis ang pagpadyak ng nagbibisikleta o kung pababa ang daan
-
Ano ang ilan pang halimbawa ng positibong momentum?
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:
Higit kailanman, ngayon natin kailangan ang positibong espirituwal na momentum, para malabanan ang bilis ng pagtindi ng kasamaan at kadiliman ngayon. Ang positibong espirituwal na momentum ang tutulong atin na patuloy na sumulong sa kabila ng pangamba at kawalang-katiyakan na likha ng mga pandemya, tsunami, pagputok ng bulkan, at [digmaan]. Ang espirituwal na momentum ay makatutulong sa atin na mapaglabanan ang walang-tigil at masasamang pagsalakay ng kaaway at labanan ang kanyang mga pagsisikap na sirain ang ating espirituwal na pundasyon. (Russell M. Nelson, “Ang Kapangyarihan ng Espirituwal na Momentum,” Liahona, Mayo 2022, 98)
-
Paano mo ilalarawan kung ano ang espirituwal na momentum at kung bakit natin ito kailangan?
-
Sa iyong palagay, sa anong mga aspeto ng iyong buhay mo kinakailangan ang higit pang espirituwal na momentum? Anong mga kapakinabangan ang inaasahan mong matanggap?
Pagdaragdag ng espirituwal na momentum
Ang mga doctrinal mastery scripture passage ay nagtuturo ng totoong doktrina na tumutulong sa atin na matuto tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Kapag sinusunod natin Siya nang may pananampalataya, makagagawa at makapagdaragdag tayo ng espirituwal na momentum sa ating buhay.
Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni
Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
Scripture Reference |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
---|---|
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.” |
© 2023 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.