“I-assess ang Iyong Pagkatuto 7: Alma 53–3 Nephi 7,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“I-assess ang Iyong Pagkatuto 7,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
I-assess ang Iyong Pagkatuto 7
Ang pagninilay at pagsusuri ng iyong espirituwal na natutuhan ay makatutulong sa iyo na mas mapalapit sa Tagapagligtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maalala at masuri kung paano nakatulong sa iyo ang pag-aaral mo ng Alma 53–3 Nephi 7 na espirituwal na umunlad.
Ang kahalagahan ng pag-alala
Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball na maaaring ang pinakamalahagang salita sa diksyunaryo ay ang alalahanin. (Tingnan sa “Circles of Exaltation” [mensahe sa Church Educational System religious educators, Hunyo 28, 1968], 5.)
-
Sa iyong palagay, bakit ganoon ang sinabi ni Pangulong Kimball tungkol sa salitang alalahanin?
-
Ano ang ilang aral na natutuhan mo mula sa Alma 53–3 Nephi 7 na mahalagang matandaan mo? Bakit?
Maaalala mo na hinikayat ni Helaman ang kanyang mga anak na sina Nephi at Lehi na pakatandaan ang mahahalagang aral at tao (tingnan sa Helaman 5:4–14). Gayundin, ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang matandaan ang mga katotohanang natutuhan mo at ang mga ipinangako mo sa mga nakaraang linggo.
Ipaliwanag ang tungkulin ng mga propeta
Ipagpalagay na nabigyang-inspirasyon kang anyayahan ang isang kaibigan na samahan kang panoorin ang pangkalahatang kumperensya. Habang mapanalangin kang naghahandang kumilos ayon sa pahiwatig na ito, nagpasiya kang ipaliwanag sa iyong kaibigan kung ano ang propeta at kung bakit nasasabik kang makinig sa kanya. Naaalala mo na nalaman mo ang tungkol sa ilang dakilang propeta sa Aklat ni Mormon na makatutulong sa iyo na ipaliwanag ang tungkulin ng isang propeta sa iyong kaibigan.
Piliin ang salaysay ni Nephi (Helaman 7–11) o ni Samuel, ang Lamanita (Helaman 13–15). Rebyuhin ang kanilang mga kuwento sa mga nauugnay na kabanata sa pamamagitan ng mabilis na pagbabasa sa mga talata at pagtingin sa mga heading ng kabanata o sa mga tala na maaaring isinulat mo sa iyong study journal.
Suriin ang iyong pag-uugali at mga hangarin
Habang tinitingnan mo ang diagram na ito, maaaring naaalala mo ang katibayan ng cycle ng kapalaluan sa buong Helaman 1–16 at 3 Nephi 1–7. Maaari mo ring matukoy ang mga halimbawang nakita mo sa sarili mong buhay o sa mundong nakapaligid sa iyo.
Nang pag-aralan mo ang Helaman 11–12, maaaring nasuri mo na ang iyong mga pagsisikap na magpakumbaba. Maaaring nagsulat ka rin ng pangako sa iyong study journal na mas magpakumbaba at daigin ang kapalaluan. Rebyuhin ang isinulat mo at pag-isipan ang nagawa mo sa pagtupad mo sa pangakong iyon. Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong, at isulat ang mga sagot mo sa iyong study journal.
-
Ano ang nagawa mo nitong mga nakaraang linggo para alalahanin ang Panginoon at ang lahat ng ginawa Niya para sa iyo? Sa palagay mo, paano nakatulong sa iyo ang pag-alala sa Panginoon para manatili kang mapagpakumbaba?
-
Mayroon bang anumang pagbabago na gusto mong gawin para matulungan kang maalala ang Panginoon araw-araw at mas maging mapagkumbaba?
Pagnilayan ang iyong mga plano para maitayo ang iyong saligan kay Jesucristo
Sa nakaraang mga lesson, napag-aralan mo ang maraming salaysay tungkol sa mga taong nadaig ang pagtuligsa sa kanilang buhay, relihiyon, at mga patotoo tungkol kay Jesucristo. Habang nag-aaral ka, maaaring gumawa ka ng mga pangako para matulungan kang magtayo ng mas matibay na saligan kay Jesucristo upang makayanan ang mga pag-atake ni Satanas.
Maglaan ng ilang minuto na rebyuhin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na salaysay:
Lehonti at Amalikeo (Alma 47:10–18)
Nagtatayo si Kapitan Moroni ng mga muog (Alma 50:1–6)
Ang payo ni Helaman sa kanyang mga anak (Helaman 5:12)
-
Ano ang ilang aral na matututuhan natin mula sa mga salaysay na ito na makatutulong sa atin na mapaglabanan ang tukso?
Pagnilayan ang mga mithiing ginawa mo kamakailan para maitayo ang iyong saligan kay Jesucristo.
Basahing muli ang Helaman 5:12, at mapanalanging pag-isipan kung may anumang bagay na dapat mong simulan, itigil, o ipagpatuloy na gawin para makapagpatayo ng mas matibay na saligan kay Jesucristo. Kung sa palagay mo ay kailangan mong baguhin ang anumang mithiing ginawa mo, maaari mong isulat ang mga ito sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan regular mong mapag-iisipan ang mga ito.