Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 23: Isaulo


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 23: Isaulo,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 23,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 23

Isaulo

Larawan
dalagitang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ang pagsasaulo sa mga scripture reference at sa itinuturo ng mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang isaulo ang maraming scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, o ang buong doctrinal mastery passage, mula sa pangalawang bahagi ng Aklat ni Mormon.

Ang kahalagahan ng pag-uulit

May magagandang pakinabang sa pag-uulit ng isang bagay na gusto nating matutuhan o matandaan. Ilista ang ilang aktibidad na kadalasang nangangailangan ng patuloy na pag-uulit.

  • Ano ang ilang paraan na nakinabang kayo sa pag-uulit ng isang bagay nang maraming beses?

Larawan
nagpakita si Moroni kay Joseph Smith

Nang ang propetang si Moroni ng Aklat ni Mormon, na ngayon ay isa nang sugo mula sa langit, ay dumalaw kay Joseph Smith, gumamit siya ng pag-uulit upang tulungan ang 17 taong gulang na si Joseph na maalala ang isang mahalagang mensahe.

  • Ano ang naaalala mo tungkol sa mga pagdalaw na ito? (Tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:33–49.)

  • Ano ang sinasabi nito tungkol sa Diyos sa pagsusugo Niya kay Moroni nang apat na beses upang ihatid ang kaparehong mensahe?

Nagsalita si Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa paulit-ulit na pagdalaw ni Moroni kay Joseph Smith at pagkatapos ay itinuro niya:

Ang pag-uulit ay isang paraan kung saan mabibigyang-liwanag ng Espiritu Santo ang ating isipan, maiimpluwensyahan ang ating puso, at mapalalawak ang ating pang-unawa. (David A. Bednar, “Repeat Over Again … the Same Things as Before” [Brigham Young University–Idaho devotional, Ene. 26, 2016], byui.edu)

  • Ano ang ipinauunawa nito sa iyo tungkol sa mga pakinabang ng paulit-ulit na pag-aaral ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan?

  • Ano ang maaaring sabihin nito tungkol sa mga partikular na banal na kasulatan na pinili para sa iyo na ulitin at pagtuunan ng pansin?

Basahin ang sumusunod na listahan ng mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng mga banal na kasulatan mula sa pangalawang bahagi ng Aklat ni Mormon. Makikita mo rin ang mga ito sa Doctrinal Mastery Core Document (2023). Rebyuhin ang mga naisaulo mo na, at tingnan kung alin sa mga ito ang kailangan mo pang isaulo.

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Para sa lesson ngayon, piliin kung aling mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ang gusto mong isaulo. Maaari mo ring piliin na magsaulo ng buong doctrinal mastery passage.

Simulan ang pagsasaulo

Mag-isip ng isa o dalawang paraan na maaari mong anyayahan ang Espiritu Santo na bigyang-liwanag ang iyong isipan habang gumagamit ka ng pag-uulit upang matulungan kang magsaulo. Maaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod na halimbawa:

  1. Hatiin ang gusto mong isaulo sa mas maliliit na segment at ulitin ang mga ito nang magkakahiwalay.

  2. Gumawa ng isang visual na naglalaman ng lahat o ilan sa mga salitang gusto mong isaulo.

  3. Basahin ang bahagi ng passage na gusto mong isaulo hanggang sa mabigkas mo ito nang hindi tumitingin. Maaaring makatulong din ang paggamit ng mga unang titik ng mga salita.

Planuhin ang pag-uulit

Mag-isip ng mga paraan na maaari mong ipagpatuloy ang pagsasaulo sa loob ng ilang araw o linggo. Ang mga sumusunod na ideya ay maaaring makatulong sa iyo na magpasiya:

  1. Manalangin sa Ama sa Langit na tulungan kang maalala ang isinasaulo mo.

  2. Pumili ng isang partikular na oras ng araw para bigkasin ang lahat ng kaya mong maalala. Maaari kang mag-set ng alarm na magpapaalala sa iyo sa kaparehong oras sa bawat araw.

  3. Anyayahan ang isang tao na tingnan ang iyong progreso at natandaan sa pamamagitan ng pagsabi sa kanya na tingnan ang mga salita habang binibigkas mo ang mga ito sa kanya.

Larawan
icon, isulat
  1. Isulat ang ginawa mo ngayong araw at kung paano mo planong ipagpatuloy ang pagsasaulo.

Print