“Doctrinal Mastery: Eter 12:6—‘Wala Kayong Matatanggap na Patunay Hangga’t Hindi Natatapos ang Pagsubok sa Inyong Pananampalataya,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Doctrinal Mastery: Eter 12:6,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Doctrinal Mastery: Eter 12:6
Wala Kayong Matatanggap na Patunay Hangga’t Hindi Natatapos ang Pagsubok sa Inyong Pananampalataya”
Sa iyong pag-aaral ng Eter 12:1–22, natutuhan mo kung paano sumampalataya kay Jesucristo at maniwala sa Kanyang ebanghelyo bago tumanggap ng espirituwal na patotoo sa katotohanan (tingnan sa Eter 12:6). Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Eter 12:6, maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
Ipaliwanag at isaulo
Sa nakaraang lesson, natutuhan mo ang sumusunod na katotohanan mula sa Eter 12:6: Kung nais nating magkaroon ng espirituwal na patotoo, dapat muna tayong sumampalataya kay Jesucristo at maniwala sa Kanyang ebanghelyo.
Gamitin ang sarili mong paraan ng pagsasaulo o ang sumusunod na ideya para matulungan kang maisaulo ang scripture reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan.
Itinuro ni Pangulong Ezra Taft Benson (1899–1994) na ang bawat tao ay hindi maiiwasan ang pagharap sa pader ng pananampalataya o ang pagsubok sa kanyang pananampalataya at sa mismong sandaling iyon ay dapat siyang manindigan (tingnan sa “The Book of Mormon Is the Word of God,” Ensign, Mayo 1975, 65). Sa madaling salita, lahat ay kailangang magpasiya para sa kanilang sarili nang may pananampalataya upang maniwala, at malaman, ang katotohanan.
Magdrowing ng isang malaking pader na may stick figure ng sarili mo na nakatayo sa harapan nito. Gamitin ang “pader ng pananampalataya” para matulungan kang maisaulo ang reference na Eter 12:6 at ang mahalagang parirala nito. Lagyan ng dekorasyon ang iyong pader sa pamamagitan ng pagsulat ng “Eter 12:6” sa itaas, pagkatapos ay isulat ang “Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya” sa pader nang ilang beses. Kapag nasulatan na ang lahat ng espasyo sa iyong pader ng mahalagang parirala ng banal na kasulatan, subukang sabihin ito nang malakas nang ilang beses nang hindi tumitingin.
Pagsasanay ng pagsasabuhay
Rebyuhin ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023) para matulungan kang sagutin ang sumusunod na sitwasyon.
Sina Christiana at Niceta ay matalik na magkaibigan. Si Christiana ay miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Sinisikap niyang maging mabuting halimbawa kay Niceta, na hindi naniniwala sa organisadong relihiyon. Madalas kinukuwestiyon ni Niceta ang mga paniniwala ni Christiana at iniisip niya kung bakit si Christiana ay nagsisimba tuwing Linggo, nagbabayad ng ikapu, ipinamumuhay ang Word of Wisdom, at pinipiling manamit nang disente.
Ipinaliwanag ni Christiana kay Niceta na nadarama niya na ang mga kautusan at pamantayan na ipinamumuhay niya ay totoo at mula ang mga ito sa Diyos. Magiliw na sumagot si Niceta, “Paano mo nasasabing alam mong totoo ang mga bagay na ito? Paano mo nalaman na ang anumang bagay na hindi mo nakikita ay totoo?”
Gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuro sa Eter 12:6 para matulungan si Niceta sa kanyang mga tanong.