Seminary
Matuto sa pamamagitan ng Pananampalataya: Ang Responsibilidad ng Estudyante


“Matuto sa pamamagitan ng Pananampalataya: Ang Responsibilidad ng Estudyante,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Matuto sa pamamagitan ng Pananampalataya,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Mga Panimulang Materyal

Matuto sa pamamagitan ng Pananampalataya

Ang Responsibilidad ng Estudyante

San Jose de Ocoa Dominican Republic Seminary

Mahal ka ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at nais Nilang ituro sa iyo ang ebanghelyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ano ang magagawa mo upang matanggap pa kung ano ang handa Nilang ituro sa iyo? Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na matuto mula sa iyong pag-aaral at karanasan sa seminary sa pamamagitan ng pag-unawa sa ibig sabihin ng matuto sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo.

Pakikibahagi nang aktibo sa espirituwal na pag-aaral. Ang pag-aaral ng ebanghelyo na nanghihikayat ng pagbabalik-loob ay nangangailangan ng patuloy na pagsisikap sa panig ng estudyante. Tulungan ang iyong mga estudyante na makita ang kahalagahan ng pakikibahagi nang aktibo sa pagtuturo at pag-aaral.

icon, tagubilin sa pagtuturo

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang talata 1–2 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) at maghandang ibahagi kung ano ang magagawa natin upang matutuhan ang mga espirituwal na katotohanan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Nais ng Panginoon na may pagsisikap

icon, tagubilin sa pagtuturo

Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na pahayag para sa reperensya ng mga estudyante. Maaari mong ipapanood sa mga estudyante ang video na “Isang Natatanging Dakilang Tungkulin,” na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 2:16–3:49 o ipabasa sa kanila ang pahayag sa ibaba.

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

11:25

Nais ng Panginoon na may pagsisikap, dahil naghahatid ito ng mga gantimpala na hindi darating kung wala ito. (Russell M. Nelson, sa Joy D. Jones, “Isang Natatanging Dakilang Tungkulin,” Liahona, Mayo 2020, 16)

  • Paano natin maiaangkop ang pahayag ni Pangulong Nelson sa ating buhay? Halimbawa, paano ito maiaangkop sa gawaing misyonero, pagmiministeryo, o pag-aaral?

  • Sa iyong palagay, paano ito maiaangkop sa pag-aaral ng ebanghelyo ni Jesucristo sa seminary ngayong taon?

icon, tagubilin sa pagtuturo

Maaari mong ipakita ang sumusunod na talata at mga tanong upang tahimik na masuri ng mga estudyante ang sarili.

Upang tulungan kang masuri ang iyong sariling pag-aaral ng ebanghelyo, isipin ang mga sumusunod na tanong:

  • Anong mga pagsisikap ang ginagawa mo sa kasalukuyan upang matutuhan ang ebanghelyo ni Jesucristo? Paano mo inanyayahan ang Diyos na turuan ka?

  • Nadarama mo ba na nakukuha mo ang mga resultang gusto mo at kailangan mo? Bakit oo o bakit hindi?

Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, mag-isip ng mga paraan na gusto mong matuto at umunlad ngayong taon sa seminary. Hingin ang patnubay ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang tulungan kang malaman kung paano isabuhay ang lesson na ito.

Mga turo sa Aklat ni Mormon

Basahin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na doctrinal mastery passage, at alamin kung ano ang nagagawa ng ating sariling mga pagsisikap at hangarin at kung ano ang ginagampanan ng Diyos sa pag-aaral natin ng ebanghelyo.

icon, tagubilin sa pagtuturo

Maaaring gumawa ang mga estudyante sa maliliit na grupo, kung saan ang bawat estudyante ay magbabasa ng ibang scripture passage at magbabahagi ng natutuhan niya sa kanyang grupo.

Maaari mong isulat sa pisara ang mga heading na “Ang Ating mga Pagsisikap” at “Ang Ginagampanan ng Diyos” at sabihin sa mga estudyante na isulat ang matutuklasan nila sa ilalim ng naaangkop na heading. Hikayatin silang ibahagi sa klase ang mga detalye tungkol sa isusulat nila.

  • Ano ang nakita mo na makatutulong sa iyo na mas matuto mula sa Diyos sa panahon ng seminary?

  • Sa iyong palagay, ano ang mga magiging resulta kung umasa ang isang tao na bibigyan siya ng Diyos ng kaalaman ngunit hindi naman siya nagsisikap? O kung nagsisikap siya pero hindi naman siya humihingi ng tulong sa Diyos? Bakit?

Batay sa napag-aralan mo sa ngayon, ibuod sa isang pangungusap ang naunawaan mo tungkol sa pag-aaral ng ebanghelyo.

icon, tagubilin sa pagtuturo

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang buod na pangungusap. Maaaring matukoy ng mga estudyante ang maraming iba’t ibang katotohanan, tulad ng sumusunod:

  • Tuturuan tayo ng Diyos nang taludtod sa taludtod kung nais nating matuto mula sa Kanya.

  • Dapat ay handa tayong mag-aral at manalangin nang may pananampalataya kay Jesucristo kung nais nating malaman ang katotohanan.

Pasalamatan ang mga estudyante para sa kanilang mga komento, at tiyakin sa kanila na ang ibinahagi nila ay nakatulong sa pag-aaral ng lahat. Makatutulong ito upang mahikayat ang iba pang estudyante na magbahagi at makibahagi sa talakayan sa klase.

Mababago ba ng seminary ang iyong buhay?

Icon: Technical Instruction

4:14

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson, at alamin kung ano ang makatutulong upang malaman kung babaguhin ng seminary ang iyong buhay.

Kapag mas tinutularan ninyo ang halimbawa ni Jesucristo, mas magtatagumpay kayo.

Ano, kung gayon, ang makatutulong sa inyo na maging tapat na disipulo ni Jesucristo? Ang isang sagot ay ang seminary at institute—hindi lamang pagdalo kundi aktibong pakikibahagi sa klase at tapat na paggawa ng anumang assignment na ibinigay. …

Ang maka-graduate mula sa seminary at institute ay magpapaibayo sa kakayahan ninyong magpakahusay sa pinakamahahalagang bagay na gagawin ninyo sa buhay. Tunay na kagalakan ang mapapasainyo! (Russell M. Nelson, “A Personal Invitation to Participate in Seminary and Institute,” Peb. 2019, ChurchofJesusChrist.org)

  • Ano ang pinakamahalaga sa iyo sa pahayag ni Pangulong Nelson? Bakit?

  • Paano ka makapagtutuon sa pagsunod kay Jesucristo sa panahon ng iyong pag-aaral sa seminary?

  • Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng “aktibong pakikibahagi” sa seminary?

icon, tagubilin sa pagtuturo

Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang mga partikular na paraan upang aktibong makibahagi sa seminary. Tulungan silang maunawaan na ang mga estudyante na may iba’t ibang personalidad at sitwasyon ay maaaring aktibong makibahagi sa iba’t ibang paraan. Halimbawa, paano maaaring aktibong makibahagi ang isang mahiyaing estudyante at ang isang palakaibigang estudyante sa kanilang sariling paraan?

Paano matuto sa seminary

icon, tagubilin sa pagtuturo

Para sa sumusunod na aktibidad, maaari mong ipakita ang larawang ito o ang isa pang larawan ng isang binatilyo sa seminary. Sabihin sa mga estudyante na gawing mas totoo ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagpapangalan sa binatilyo at paglalarawan sa kanyang personalidad, sa kanyang nalalaman sa ebanghelyo, sa nadarama niya tungkol sa seminary, at iba pa. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na isulat sa kanilang study journal ang payo na ibibigay nila sa binatilyong ito bago ibahagi ang kanilang payo sa klase.

Mga kalahok sa klase ng seminary

Ipagpalagay na dadalo sa seminary ang binatilyo sa larawang ito sa unang pagkakataon. Nais niyang espirituwal na matuto at umunlad ngunit hindi siya sigurado kung paano ito gawin. Batay sa natutuhan mo ngayon at sa iyong nakaraang karanasan sa seminary at simbahan, isulat ang payong ibibigay mo sa kanya.

Tiyaking isama

  • ang maaari niyang gawin bago magklase, habang nagkaklase, at pagkatapos ng klase upang madagdagan ang kanyang espirituwal na kaalaman

  • kung paano siya magtutuon sa pagsunod sa Tagapagligtas at anyayahan ang Espiritu Santo na turuan siya

  • mga kilos o pag-uugali na mas magpapadali o mas magpapahirap para sa kanya at para sa iba sa klase na espirituwal na matuto

icon, tagubilin sa pagtuturo

Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang payo, maaari mo silang tulungang makita ang kahalagahan ng paghahanda ng kanilang puso at isipan na matuto bago ang klase. Maaari mong tulungan ang mga estudyante na magawa ito sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila na maghanda gamit ang ilan sa mga mungkahi sa “Paghahanda ng estudyante” na matatagpuan sa itaas ng bawat lesson. Tulungan din sila na makita ang kahalagahan ng pagkilos ayon sa mga katotohanang natutuhan nila pagkatapos nilang umalis sa klase.

Magtakda ng mithiin na lalong matuto sa iyong pag-aaral sa seminary ngayong taon. Upang magawa ito, maaari mong sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang inaasam mong matutuhan sa seminary ngayong taon?

  • Ano ang handa mong gawin upang maipakita sa Panginoon na gusto mong matuto mula sa Kanya at maging higit na katulad Niya?