Seminary
Mga Panimulang Materyal: Buod


“Mga Panimulang Materyal: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Mga Panimulang Materyal: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Mga Panimulang Materyal

Buod

Ngayong taon sa seminary, pag-aaralan mo ang Aklat ni Mormon. Ang mga lesson na ito ay tutulong sa iyo na mas maunawaan ang kahalagahan ng plano ng Ama sa Langit at mas mapahusay ang kakayahan mong pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw. Matututuhan mo rin kung paano tukuyin ang mahahalagang tungkulin ng Espiritu Santo, kung paano kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo habang naghahanap ka ng mga sagot sa iyong mga tanong, at kung paano matuto mula sa iyong pag-aaral at karanasan sa seminary.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson. Paalala: Ang ilan o lahat ng sumusunod na lesson ay maaaring ituro sa simula ng school year o sa ibang pagkakataon na makatutulong sa mga estudyante.

Ang Plano ng Kaligtasan

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan at madama ang kahalagahan ng plano ng Ama sa Langit.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang bagay na sa palagay nila ay hindi sila mabubuhay kung wala ito at maghandang ipaliwanag kung bakit. Maaari din nilang dalhin ito o ang isang larawan nito sa klase, kung naaangkop.

  • Content na ipapakita: Ang mga tanong na sinasagot ng Aklat ni Mormon (nakalista sa pisara, nakasulat sa mga piraso ng papel at nakalagay sa mga pader, o ipinapakita sa ibang paraan)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Ipakita ang mga tanong na sinasagot ng Aklat ni Mormon. Sabihin sa mga estudyante na tukuyin kung aling tanong ang pinakainteresado silang malaman. Gumawa ng mga breakout room para sa bawat isa sa mga tanong upang matalakay ng mga estudyante kung ano ang natutuhan nila nang sama-sama, at magbigay ng takdang oras. Kapag tapos na ang oras, tapusin ang mga breakout room upang matalakay ng mga estudyante sa klase kung ano ang natutuhan nila.

Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Layunin ng lesson: Ang layunin ng lesson na ito ay dagdagan ang hangarin at kakayahan ng mga estudyante na pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw at tumanggap ng mga ipinangakong pagpapala na kasama sa pag-aaral ng banal na kasulatan.

  • Paghahanda ng estudyante: Ibigay sa mga estudyante ang handout na “Ebalwasyon para sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan” mula sa lesson na ito upang iuwi at sagutan. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na hilingin sa mga kapamilya na sagutin din ang mga tanong at sama-samang talakayin ang kanilang mga sagot.

  • Handout: “Ebalwasyon para sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan”

Matuto sa pamamagitan ng Espiritu

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang mahahalagang tungkulin ng Espiritu Santo, na mahalaga para sa kanilang espirituwal na pag-unlad at paglago.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga karanasan kung saan nadama nila ang impluwensya ng Espiritu Santo. Hikayatin silang magtuon sa mga saloobin, damdamin, o impresyon na kasama sa mga karanasan at pumasok sa klase na handang magbahagi.

  • Larawan o bagay: Mga larawan ng iba’t ibang uri ng device para sa komunikasyon, kabilang ang smartphone

Matuto sa pamamagitan ng Pananampalataya kay Jesucristo

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matuto mula sa kanilang pag-aaral at karanasan sa seminary sa pamamagitan ng pag-unawa kung ano ang ibig sabihin ng matuto sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang talata 1–2 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) at maghandang ibahagi kung ano ang magagawa natin upang matutuhan ang mga espirituwal na katotohanan.

  • Video:Isang Natatanging Dakilang Tungkulin” (11:25; panoorin mula sa time code na 2:16 hanggang 3:49)

  • Content na ipapakita: Ang pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson sa simula ng lesson; isang larawan ng isang estudyante sa seminary

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kung maaari, anyayahan ang isa o dalawang estudyante na nagtapos kamakailan sa seminary na dumalo sa videoconference at ibahagi kung ano ang nakatulong sa kanila na matutuhan ang ebanghelyo sa seminary. Maaari din nilang ibahagi kung ano sana ang ibang ginawa nila o nalaman nang una nilang simulan ang pag-aaral sa seminary.

Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo habang naghahanap sila ng mga sagot sa mga tanong at alalahanin sa kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na itanong sa isang kapamilya o lider ng Simbahan na nagpapakita ng malaking pananampalataya kay Jesucristo kung ano ang ginagawa niya upang manatiling matatag kapag nahaharap sa mga tanong o alalahanin tungkol sa ebanghelyo.

  • Content na ipapakita: Ang mga reperensya at buod mula sa 1 Nephi para sa reperensya ng estudyante sa aktibidad sa pag-aaral

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ipakita ang pagboto nila sa bawat posibleng sagot sa tanong na “Ano sa palagay mo ang ibig sabihin kung may mga tanong ang isang tao tungkol sa ebanghelyo o sa Simbahan ni Jesucristo?” Halimbawa, maaari nilang i-off ang kanilang mga camera kung sa palagay nila ay tama ang sagot at panatilihing naka-on ang kanilang mga camera kung hindi. Huminto pagkatapos ng bawat opsiyon upang itanong sa ilang estudyante kung bakit iyon ang sagot nila. Tulungan sila na maunawaan na maaaring tama o hindi tama ang alinman sa mga sagot depende sa mga hangarin at pagpili ng isang tao.