Seminary
1 Nephi 13:20–42: Malinaw at Mahahalagang Katotohanan


“1 Nephi 13:20–42: Malinaw at Mahahalagang Katotohanan” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“1 Nephi 13:20–42: Malinaw at Mahahalagang Katotohanan” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

1 Nephi 13:20–42

Malinaw at Mahahalagang Katotohanan

Aklat ni Mormon

Ang Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ng Tagapagligtas ay isang pagpapala sa napakaraming paraan. Ang isang pagpapala ay naghahayag ito ng marami sa malinaw at mahahalagang katotohanang nawala sa Biblia. Nakita ni Nephi ang mga kaganapan sa Pagpapanumbalik bago pa man nangyari ang mga ito at naunawaan niya ang mahalagang papel na gagampanan ng kanyang talaan sa Pagpapanumbalik. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan kung paano tumutulong ang Aklat ni Mormon at ang iba pang inihayag na banal na kasulatan na maibalik ang malinaw at mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo ng Tagapagligtas.

Paghahanda ng iyong sarili upang magturo. Ang mabisang pagtuturo ng ebanghelyo ay hindi lang paghahanda ng lesson kundi paghahanda rin ng ating sarili. Dahil ang Espiritu ay nagpapatotoo sa katotohanan at siyang pinagmumulan ng pagbabalik-loob, ang mahuhusay na titser ng ebanghelyo ay nakatuon sa espirituwal na paghahanda ng sarili bago nila isipin kung paano nila magagamit ang lahat ng oras ng klase. Maaari mong itanong sa iyong sarili, “Handa ba akong magturo sa pamamagitan ng Espiritu?”

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng isang bagay na natutuhan nila kamakailan sa kanilang personal na pag-aaral ng banal na kasulatan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga Pamamaraang Pangkaligtasan

Magpakita sa mga estudyante ng larawan ng isang bisikleta o, kung maaari, pag-isipang magdala ng bisikleta sa klase. Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mahahalagang bahagi ng bisikleta at ilista ang mga ito sa pisara.

Ang bisikleta ay isang simple at epektibong uri ng transportasyon. Ang pagbibisikleta ay maaari ding maging isang kasiya-siya at magandang karanasan. Ano ang ilan sa mahahalagang bahagi ng bisikleta kaya napapaandar ito ng isang tao nang ligtas at maayos? Kunwari ay may sarili kang bisikleta at may sadyang nag-alis ng ilang mahahalagang piyesa nito.

  • Ano kaya ang ipinahihiwatig ng mga ginawa niya tungkol sa nadarama niya sa iyo?

  • Ano ang maaaring mangyari kung susubukan mong paandarin ang bisikleta nang may mga kulang na piyesa?

  • Sino ang maaari mong kontakin para maayos at maibalik ang iyong bisikleta upang gumana ito nang maayos?

Sa gayon ding paraan, hinangad ni Satanas na saktan at lituhin ang mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aalis at pagbabago ng mahahalagang bahagi ng ebanghelyo ni Jesucristo. Sa pag-aaral mo ng 1 Nephi 13, alamin ang ginawa ng Tagapagligtas para tulungan tayong madaig ang mga balakid ni Satanas.

Marami ang nangagkatisod

Ipinakita kay Nephi sa pangitain ang mahahalagang pangyayari sa mga huling araw, kabilang na ang isang aklat na dinala sa lupang pangako ng mga Gentil. Basahin ang tungkol sa aklat sa 1 Nephi 13:20–25 at alamin ang nilalaman nito.

Maaaring makatulong na ilista sa pisara ang natuklasan ng mga estudyante, tulad ng “mga tipan ng Panginoon,” “mga propesiya ng mga banal na propeta,” at ang “kabuuan ng ebanghelyo” (1 Nephi 13:23–24). Maaari mong itanong sa mga estudyante kung alam nila kung ano ang aklat sa talata 20 bago sila anyayahang magsulat ng tala sa kanilang mga banal na kasulatan.

  • Ano ang natutuhan mo sa iyong binasa?

Maaari kang magsulat ng tala sa talata 20 na ang aklat na nakita ni Nephi ay tumutukoy sa Banal na Biblia. Ang pagsusulat ng mga tala sa iyong mga banal na kasulatan ay makatutulong sa iyo na gawing personal ang mga ito at makakadagdag sa pagiging epektibo ng iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Halimbawa, ang pagsusulat ng mga tala sa iyong banal na kasulatan ay maaaring makatulong sa iyo na maalala ang mga espirituwal na kaalaman sa hinaharap o maging isang pagpapala ito sa iyo o sa iba sa sandali ng pangangailangan.

  • Ano ang napansin mo tungkol sa paraan ng paglalarawan sa Biblia?

Maaari mong hayaang pag-aralan ng mga estudyante ang mga sumusunod na talata nang magkakapartner o sa maliliit na grupo at anyayahan silang talakayin ang mga tanong na tulad ng mga sumusunod. Kapag natapos na ng mga estudyante ang pagbabasa, sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano nila nakita na nangatisod ang mga tao sa mundo dahil inalis ni Satanas ang malinaw at mahahalagang katotohanan.

Basahin ang 1 Nephi 13:26–29, at alamin ang nangyari sa Biblia matapos itong lumabas mula sa mga “apostol ng Kordero.”

  • Ano ang nangyari sa Biblia?

  • Paano nagiging dahilan ng espirituwal na pagkakatisod ng mga tao ang pag-aalis ng malinaw at mahahalagang katotohanan mula sa Biblia?

  • Paano natutulad ang mga talatang ito sa analohiya ng bisikleta?

Ang “kaloob at kapangyarihan ng Kordero”

Matapos masaksihan na binago o inalis ang malinaw at mahahalagang katotohanan sa Biblia, nalaman ni Nephi na hindi hahayaan ng Panginoon sa Kanyang awa na manatili sa pagkalito o pagkabulag ang sangkatauhan (tingnan sa 1 Nephi 13:30–34). Nakita ni Nephi na ang ebanghelyo ay ipanunumbalik sa kabuuan nito sa pamamagitan ng “kaloob at kapangyarihan ng Kordero” (1 Nephi 13:35).

Upang malaman kung paano ito naisakatuparan ng Tagapagligtas, basahin ang 1 Nephi 13:35–39 at maaari mong markahan ang mga sumusunod na parirala at isulat ang kahulugan ng mga ito sa iyong mga banal na kasulatan o study journal.

Sa halip na sabihin lamang sa mga estudyante ang sumusunod na impormasyon, maaari mong ilista ang mga banal na kasulatan at mga parirala na nakapanipi sa pisara sa isang column. Sa pangalawang column, maaari mong ilista ang mga interpretasyon nang hindi ayon sa pagkakasunud-sunod tulad ng nakalista rito. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga talata at itugma ang parirala sa tamang interpretasyon. Ang mga estudyante ay maaari ding bigyan ng pagkakataong magtanong tungkol sa mga talatang ito.

Reperensyang banal na kasulatan at parirala

Interpretasyon

Reperensyang banal na kasulatan at parirala

1 Nephi 13:35 “ang mga bagay na ito”

Interpretasyon

Ang Aklat ni Mormon

Reperensyang banal na kasulatan at parirala

1 Nephi 13:39 “iba pang mga aklat”

Interpretasyon

Kasama ang Aklat ni Mormon, ang Doktrina at mga Tipan, ang Mahalagang Perlas, at ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia

Reperensyang banal na kasulatan at parirala

1 Nephi 13:39 “mga talaan ng mga propeta at ng labindalawang apostol ng Kordero”

Interpretasyon

Ang Banal na Biblia

Basahin ang 1 Nephi 13:40–41, at maghanap ng paglalarawan kung anong mga banal na kasulatan ng Pagpapanumbalik ang ipababatid sa lahat ng tao.

  • Ano ang natuklasan mo?

Maaari mong isulat ang sumusunod na katotohanan sa iyong mga banal na kasulatan o study journal: Ang Aklat ni Mormon at ang iba pang mga banal na kasulatan sa mga huling araw ay ipanunumbalik ang malinaw at mahahalagang katotohanan na nagpapatotoo kay Jesucristo at pagtitibayin ang kabuuan ng Kanyang walang hanggang ebanghelyo.

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isulat ang kanilang mga sagot sa pangalawa at pangatlong tanong sa ibaba sa isang pirasong papel. Kunin ang kanilang mga sagot at idispley ang mga ito sa paligid ng silid upang mabasa ng iba.

  • Sa iyong palagay, bakit ang mga katotohanan mula sa ebanghelyo ng Tagapagligtas ay inilalarawan bilang malinaw at mahalaga?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Panginoon sa Kanyang tungkulin sa pagpapanumbalik ng malinaw at mahahalagang katotohanan?

  • Ano ang isang katotohanan o turo mula sa banal na kasulatan sa mga huling araw na malinaw at mahalaga sa iyo?

  • Paano ka natulungan ng katotohanang ito na mas mapalapit kay Jesucristo?

Naipanumbalik ang malinaw at mahahalagang katotohanan

Ipakita sa pisara ang mga sumusunod na paksa at kaugnay na mga banal na kasulatan. Maaaring pumili ang mga estudyante ng isa o maraming opsiyon na pag-aaralan nang mas detalyado. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan muna ang scripture passage sa Biblia at isipin na kunwari ay ito lang ang impormasyon tungkol sa paksa. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na pag-aralan ang iba pang mga scripture passage, at alamin kung paano nililinaw ng mga ito kung ano ang nasa Biblia. Maaari itong gawin nang may kapartner, at maaaring talakayin ng mga estudyante sa isa’t isa ang kanilang mga napansin. Maaari ding mag-aral ang mga estudyante nang mag-isa at maaari nilang talakayin ang mga nalaman nila kalaunan sa klase.

Ang Panguluhang Diyos (Mateo 3:16–17)

Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo (Lucas 22:41–44)

Buhay bago tayo isinilang (Jeremias 1:5)

Ang sakramento (Mateo 26:26–28)

Ang ebanghelyo ni Jesucristo (Marcos 1:14–15)

  • 3 Nephi 11:31–35; 27:13–21

  • Mga Saligan ng Pananampalataya 1:4

    Ipabahagi sa mga nakahandang estudyante ang kanilang natutuhan. Maaari kang gumamit ng mga tanong na tulad ng mga sumusunod:

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa pinili ninyong paksa?

  • Paano makatutulong sa inyo ang katotohanang ito na magalak at mas sundin si Jesucristo?

  • Bakit kayo nagpapasalamat na naglabas ang Ama sa Langit at si Jesucristo ng karagdagang banal na kasulatan at ipinanumbalik ang malinaw at mahahalagang katotohanan?