“1 Nephi 13–14: ‘Nasasandatahan … ng Kabutihan at Kapangyarihan ng Diyos” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“1 Nephi 13–14: ‘Nasasandatahan … ng Kabutihan at Kapangyarihan ng Diyos” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
1 Nephi 13–14
“Nasasandatahan … ng Kabutihan at Kapangyarihan ng Diyos”
Matapos maipakita sa isang pangitain ang apostasiya at pagkawasak ng kanyang mga tao sa huli, nakita ni Nephi na babaluktutin ng isang makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan ang mga turo ng Biblia at kakalabanin nito ang mga Banal ng Diyos. Isipin ang kagalakan ni Nephi nang makita rin niya na ipanunumbalik ang ebanghelyo, at pagpapalain nito ang lahat ng tatanggap sa mga turo at tipan ng Tagapagligtas. Ang layunin ng lesson na ito ay tulungan kang maunawaan ang kahalagahan ng mga tipan at madagdagan ang iyong hangarin na gumawa ng mga tipan at tuparin ang mga ito.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Paalala: Ituturo ang 1 Nephi 13:20–42 nang mas detalyado sa susunod na lesson.
Ang impluwensya ng Diyos sa kasaysayan
Kunwari ay ipinakita sa iyo ang isang pangitain tungkol sa pinakamahahalagang pangyayari sa nakaraang 500 taon, kabilang na ang ating panahon.
-
Sa iyong palagay, anong mga pangyayari ang maaari mong makita sa pangitaing ito? Bakit?
Ipinakita sa propetang si Nephi ang isang pangitain na kinapapalooban ng mahahalagang pangyayari mula sa panahong ito. Pansinin ang sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson tungkol sa pangitain ni Nephi:
Nasa magandang posisyon tayo upang masaksihan nang aktwal ang pangyayari na nakita ni Nephi sa pangitain lang. …
Kayo, mga kapatid, ay kabilang sa kalalakihan, kababaihan, at mga bata na nakita ni Nephi. Isipin ninyo iyan! (Russell M. Nelson, “Pakinggan Siya,” Liahona, Mayo 2020, 88)
Sa pag-aaral mo ng 1 Nephi 13–14, maghanap ng katibayan ng kapangyarihan ng Diyos sa mga pangyayaring humahantong sa ating panahon gayundin ng mahahalagang pangako na tutuparin ng Panginoon sa iyong buhay.
Basahin ang mga scripture passage at itugma ang inilarawan sa mga talata sa mga pangyayaring nakalista sa ibaba. Paalala: Ang mga Gentil gaya ng pagkakagamit sa mga talatang ito ay tumutukoy sa mga taong hindi nagmula o hindi nakatira sa lupain ng Juda.
| |
| |
| |
|
-
Ano sa palagay mo ang mahalaga tungkol sa mga propesiyang ito?
-
Ano ang natutuhan mo tungkol sa Diyos mula sa mga talatang ito?
-
Paano mapagpapala ng pagkaunawang ito tungkol sa Kanya ang iyong buhay ngayon?
Pagtatamo ng kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay
Ipinakita kay Nephi ang mga huling araw at nakita ang Pagpapanumbalik ng Simbahan ni Jesucristo at ang oposisyon na kahaharapin nito. Nakita rin niya ang mga pagpapalang ipinangako sa mga tagasunod ni Jesucristo na tumutupad sa kanilang mga tipan.
Basahin ang 1 Nephi 14:12–14, at alamin ang nalaman ni Nephi tungkol sa mga miyembro ng Simbahan ni Jesucristo sa mga huling araw.
-
Ano ang mahalaga para sa iyo sa paglalarawan ni Nephi sa Simbahan ni Jesucristo at sa mga miyembro nito sa ating panahon? Bakit?
-
Anong mga alituntunin ang natutukoy ninyo sa talata 14?
Ang isang alituntunin na matututuhan natin mula sa mga talatang ito ay kung tutuparin natin ang ating mga tipan, masasandatahan tayo ng kabutihan at kapangyarihan ng Diyos.
-
Anong mga tipan ang ginawa o gagawin mo sa Diyos?
-
Ano ang ilang paraan na makatutulong sa iyo na manatiling nakatuon sa pagtupad sa mga tipang ginawa mo?
Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol kung ano ang ibig sabihin ng masandatahan ng kabutihan at kapangyarihan ng Diyos sa dakilang kaluwalhatian:
Ang katagang “nasasandatahan ng kabutihan at kapangyarihan ng Diyos sa dakilang kaluwalhatian” [1 Nephi 14:14] ay hindi lamang isang magandang ideya o halimbawa ng mabulaklak na salita sa banal na mga kasulatan. Bagkus, ang mga biyayang ito ay madaling makikita sa buhay ng ‘di-mabilang na mga disipulo ng Panginoon sa mga huling araw. …
… Pinatototohanan ko na ang pinagtipanang mga tao ng Panginoon ngayon ay tunay na nasasandatahan ng kabutihan at kapangyarihan ng Diyos sa dakilang kaluwalhatian. Naging saksi ako sa pananampalataya, tapang, pananaw, pagtitiyaga, at kaligayahan na higit pa sa kapasidad ng isang mortal—na tanging Diyos lang ang makapagbibigay. (David A. Bednar, “Nasasandatahan ng Kabutihan at Kapangyarihan ng Diyos sa Dakilang Kaluwalhatian,” Liahona, Nob. 2021, 29–30)
-
Ano ang ilang posibleng halimbawa ng mga taong kaedad mo na “nasasandatahan ng kabutihan”?
-
Kailan mo naranasan ang ilan sa mga pagpapalang ito “na tanging Diyos lang ang makapagbibigay”?
-
Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong mga ginagawa araw-araw tungkol sa kung gaano kahalaga ang mga tipang ginawa mo?
-
Bakit mo kailangan ang kapangyarihang nagmumula sa mga tipan sa Ama sa Langit?
-
Paano mo mas lubos na maaanyayahan sa iyong buhay ang mga pagpapala ng paggawa at pagtupad ng mga tipan sa Ama sa Langit?