Seminary
1 Nephi 11–15: Buod


“1 Nephi 11–15: Buod” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“1 Nephi 11–15: Buod” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

1 Nephi 11–15

Buod

Habang nakikipag-usap si Nephi sa mga sugo ng langit, nagkaroon siya ng pangitain tungkol sa Tagapagligtas ng sanlibutan at naunawaan niya ang nagdudulot ng lubos na kagalakan: ang pag-ibig o pagmamahal ng Diyos. Matapos maipakita sa isang pangitain ang apostasiya at pagkawasak ng kanyang mga tao sa huli, nakita niya na babaluktutin ng isang makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan ang mga turo ng Biblia at kakalabanin nito ang mga Banal ng Diyos. Gayunman, nakita rin niya na ipanunumbalik ang ebanghelyo, at pagpapalain nito ang lahat ng tatanggap sa mga turo at tipan ng Tagapagligtas. Nakita ni Nephi ang mga kaganapan sa Pagpapanumbalik bago pa man nangyari ang mga ito at naunawaan niya ang mahalagang papel na gagampanan ng kanyang talaan sa Pagpapanumbalik.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

1 Nephi 11

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin ang mga estudyante na magdala ng isang bagay sa klase na naglalarawan ng isang paraan kung paano ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa kanila.

  • Mga larawan: Iba’t ibang larawan mula sa buhay at ministeryo ni Jesucristo

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Habang sinasaliksik ng mga estudyante ang 1 Nephi 11:26–33, magpakita ng mga larawan ng mga pangyayari mula sa buhay ng Tagapagligtas na binanggit sa mga talata. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung paano inilalarawan ng bawat pangyayari ang pagpapakababa ng Diyos.

1 Nephi 13–14

Layunin ng lesson: Ang layunin ng lesson na ito ay tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng mga tipan at madagdagan ang hangarin ng mga estudyante na gumawa ng mga tipan at tuparin ang mga ito.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumasok sa klase na handang ibahagi kung ano sa palagay nila ang ilan sa pinakamahahalagang pangyayari sa nakalipas na 500 taon.

  • Content na ipapakita: Ang quiz sa 1 Nephi 13–14, na ipapakita o kokopyahin sa pisara

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari kang gumamit ng quiz app upang gumawa ng quiz at i-share ito upang ma-access ito ng mga estudyante sa kanilang mga mobile device o browser. Maaaring sagutan ng mga estudyante ang quiz sa simula ng lesson.

1 Nephi 13:20–42

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano tumutulong ang Aklat ni Mormon at ang iba pang inihayag na banal na kasulatan na maibalik ang malinaw at mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo ng Tagapagligtas.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng isang bagay na natutuhan nila kamakailan sa kanilang personal na pag-aaral ng banal na kasulatan.

  • Bagay: Isang bisikleta o larawan ng bisikleta

  • Content na ipapakita: Ang listahan ng mga paksa at banal na kasulatan na may kaugnayan sa malinaw at mahahalagang katotohanan, na ipapakita o kokopyahin sa pisara

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga breakout room at italaga sa bawat grupo ang isa sa mga paksang may kaugnayan sa malinaw at mahahalagang katotohanan. Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang mga kaukulang scripture passage sa kanilang grupo at pagkatapos ay pumili ng tagapagsalita. Muling pagsama-samahin ang klase at anyayahan ang bawat tagapagsalita na ibahagi ang tinalakay ng kanilang grupo.

I-assess ang Iyong Pagkatuto 1

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan na nila sa kanilang pag-aaral ng Aklat ni Mormon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng isang bagay na natutuhan na nila mula sa Aklat ni Mormon na nakatulong sa kanila na mas mapalapit kay Jesucristo.

  • Content na ipapakita: Ang pagsusuri sa sarili sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa simula ng lesson

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para sa “Aktibidad 3: Isang social media post,” maaari mong bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong magbahagi ng isang bagay na natutuhan na nila mula sa Aklat ni Mormon. Maaari ka ring magbahagi ng personal na patotoo tungkol sa paglapit kay Jesucristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng Aklat ni Mormon.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 1

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na mahanap, markahan, at magsanay na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa unang 12 doctrinal mastery scripture passage sa Aklat ni Mormon.

  • Paalala: Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa unang 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon. Makikita ng mga estudyante ang mga scripture passage na ito sa Doctrinal Mastery Core Document (2022) o sa Doctrinal Mastery app.

  • Content na ipapakita: Isang chart na nagpapakita ng unang 12 doctrinal mastery scripture passage

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari kang gumamit ng mga breakout room upang makilala ng mga estudyante ang isa’t isa habang naghahanap sila ng mga banal na kasulatan at nagsasaulo ng mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.