Seminary
Doctrinal Mastery: 2 Nephi 2:25: “Si Adan ay Nahulog Upang ang Tao ay Maging Gayon; at ang Tao ay Gayon, Upang Sila ay Magkaroon ng Kagalakan”


“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 2:25: ‘Si Adan ay Nahulog Upang ang Tao ay Maging Gayon; at ang Tao ay Gayon, Upang Sila ay Magkaroon ng Kagalakan,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 2:25: ‘Si Adan ay Nahulog Upang ang Tao ay Maging Gayon; at ang Tao ay Gayon, Upang Sila ay Magkaroon ng Kagalakan,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Doctrinal Mastery: 2 Nephi 2:25

“Si Adan ay Nahulog Upang ang Tao ay Maging Gayon; at ang Tao ay Gayon, Upang Sila ay Magkaroon ng Kagalakan”

Ang pamilya nina Adan at Eva

Sa lesson na “2 Nephi 2:17–26,” nalaman mo ang tungkol sa Pagkahulog nina Adan at Eva. Ang kaalaman tungkol sa Pagkahulog ay makatutulong sa iyo na magtiwala sa Tagapagligtas kapag naharap ka sa mga hamon ng mortalidad. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery passage at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Nephi 2:25, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Tulungan ang mga mag-aaral na malaman na pinahahalagahan ang kanilang mga kontribusyon. Madalas na kailangan ang lakas ng loob upang maibahagi ng mga estudyante sa klase ang kanilang mga iniisip o alalahanin. Ang pasasalamat sa mga estudyante sa kanilang mga kontribusyon ay magpapakita sa kanila na pinahahalagahan mo ang kanilang kahandaang ibahagi ang kanilang mga pananaw, tanong, at patotoo. Ito rin ang maghihikayat sa kanila na magbahagi sa hinaharap.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang bigkasin ang 2 Nephi 2:25 na isinaulo at magbahagi ng isang paraan kung paano sila nakadama ng kagalakan dahil sa Pagkahulog nina Adan at Eva.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ginawa upang maituro pagkatapos ng lesson na “2 Nephi 2:17–26,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na 2 Nephi 2:25. Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggong iyon.

Ipaliwanag at isaulo

Sabihin sa karamihan sa klase na ipikit ang kanilang mga mata at sabihin sa ilang estudyante huwag pumikit. Itaas ang isang bagay, at sabihin sa mga estudyanteng hindi nakapikit na ilarawan ito nang hindi binabanggit ang pangalan ng bagay. Tingnan kung matutulungan nila ang iba pa sa klase na hulaan kung ano ito. Ang aktibidad na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magsanay sa pagpapaliwanag ng mga konsepto sa iba sa mga simpleng paraan.

Ang ilang bahagi ng plano ng Ama sa Langit ay maaaring mahirap ipaliwanag, kabilang na ang Pagkahulog nina Adan at Eva. Sa nakaraang lesson, pinag-aralan mo ang tungkol sa Pagkahulog. Basahin ang 2 Nephi 2:25, at pag-isipan ang natutuhan mo. Alalahanin na ang Pagkahulog ay mahalagang bahagi ng plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit.

Isulat kung paano mo ipaliliwanag ang Pagkahulog nina Adan at Eva sa isang walong taong gulang at kung bakit mahalagang maunawaan ang Pagkahulog.

Upang matulungan ang mga estudyante na pag-aralan ang doktrinang ito, makatutulong na anyayahan sila na ibahagi sa maliliit na grupo ang isinulat nila. Maglakad-lakad sa silid, at pakinggan ang kanilang mga paliwanag. Kung kinakailangan, pag-aralan ang materyal mula sa nakaraang lesson upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang Pagkahulog at ang katotohanang nakasaad sa itaas.

Sanaying isaulo ang doctrinal mastery passage. Ang isang paraan upang makapagsanay na isaulo ito ay hatiin ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa sumusunod na limang segment:

  • 2 Nephi 2:25

  • “Si Adan ay nahulog

  • upang ang tao ay maging gayon;

  • at ang tao ay gayon,

  • upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Kung maaari, pag-isipang gumawa ng limang grupo at italaga ang isa sa mga segment sa bawat grupo. Kapag tumuro ka sa isang grupo, maaari nilang sabihin ang segment na itinalaga sa kanila. Pagkatapos ay palitan kung aling segment ang nakatalaga sa mga grupo, at ulitin.

Isulat ang mga segment na ito sa isang piraso ng papel, at ulitin ang bawat segment habang itinuturo mo ito. Pagkatapos ay burahin o takpan ang mga salita o parirala habang inuulit ang banal na kasulatan. Magpatuloy hanggang sa mabura ang lahat at nabibigkas mo na ang naisaulong reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

Tulungan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Ang isang paraan upang magawa ito ay sabihin sa mga estudyante na subukang isulat ang lahat ng naisaulong tatlong alituntunin.

Kung kailangan mo ng tulong sa pag-alala sa mga alituntuning ito, tingnan ang Doctrinal Mastery Core Document (2022).

Gamitin ang mga alituntuning ito sa sumusunod na sitwasyon:

Habang nag-aaral tungkol sa Pagkahulog nina Adan at Eva sa kanyang klase sa Sunday School, nagulat si Gideon nang marinig niyang sinabi ng kanyang titser na ang Pagkahulog ay mahalagang bahagi ng plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit. Sinimulan niyang isipin ang lahat ng negatibong bagay na maaaring mangyari dahil sa Pagkahulog—kasalanan, kamatayan, sakit, kapansanan, karamdaman sa pag-iisip, mga pagsubok, at marami pang iba. Napagtanto niya na ang mga bagay na pinakamadalas niyang inirereklamo ay kadalasang bunga ng Pagkahulog. Iniisip niya kung bakit kaya ninais ng Ama sa Langit na mangyari ang Pagkahulog.

Habang sumasagot ang mga estudyante, matutulungan mo sila na gumawa ng plano sa pagtugon sa alalahaning ito. Maaari mong itanong ang tulad ng mga sumusunod: Ano ang una ninyong gagawin? Anong uri ng mga tala ang isusulat ninyo sa inyong study journal? Ano ang iba pang mga tanong na gusto ninyong hanapan ng mga sagot?

Mag-ukol ng oras sa iyong paghahanda ng lesson upang pag-isipan ang iba pang mga paraan upang matulungan ang mga estudyante na sanaying gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrina ng Pagkahulog.

Maaari mo ring talakayin sa mga estudyante ang ilan o lahat ng sumusunod na tanong.

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

Rebyuhin ang talata 11–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.

  • Paano mo magagamit ang alituntuning ito upang matugunan ang alalahanin ni Gideon?

Iba pang mga paraan upang magamit ang alituntuning ito

  • Anong sources na itinalaga ng Diyos ang irerekomenda mong tingnan ni Gideon para sa karagdagang tulong?

Kung nahihirapan ang mga estudyante na matukoy ang sources, maaari mong ipaalala sa kanila ang 2 Nephi 2:24–26 o Moises 5:9–10. Maaari mo ring ipatingin sa kanila ang “Pagkahulog nina Adan at Eva” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

  • Bakit mo irerekomenda ang sources na iyon?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

Rebyuhin ang talata 8–10 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.

  • Paano mo magagamit ang alituntuning ito upang matugunan ang alalahanin ni Gideon?

Iba pang mga paraan upang magamit ang alituntuning ito

  • Paano makatutulong sa sitwasyong ito ang pagkaunawa mo sa Pagkahulog at sa ginagampanan nito sa plano ng kaligtasan?

  • Ano ang alam mo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala na maaaring makatulong?

  • Paano pa natin matitingnan ang sitwasyong ito nang may walang-hanggang pananaw?

Kumilos nang may pananampalataya

Rebyuhin ang mga talata 5-7 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.

  • Paano mo magagamit ang alituntuning ito upang matugunan ang alalahanin ni Gideon?

Iba pang mga paraan upang magamit ang alituntuning ito

Isipin ang sarili mong mga karanasan sa pagharap sa mga hamong nauugnay sa Pagkahulog. Pag-isipang mabuti ang ginawa mo upang kumilos nang may pananampalataya at magtiwala sa Tagapagligtas kapag nahaharap ka sa mga hamong kaakibat ng mortalidad.

  • Paano makatutulong ang iyong mga karanasan sa sitwasyon ni Gideon?

  • Paano pa makapagpapakita ng pananampalataya kay Jesucristo si Gideon?

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Sa isang lesson sa hinaharap, maaari mong isulat sa pisara ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang hindi ayon sa pagkakasunod-sunod. (Maaari mong gamitin ang mga bahagi na nasa aktibidad sa pagsasaulo sa lesson na ito.) Sabihin sa bawat estudyante na subukang isulat ang mga ito sa tamang pagkakasunud-sunod.

Kung mayroon, maaari mong isulat ang reperensya at mga bahagi ng mga parirala sa magkakahiwalay na papel upang maipakita ito sa klase. Maaaring tumayo ang isang estudyante at, sa tulong ng klase, maaari niyang ilagay ang mga parirala sa tamang pagkakasunud-sunod.