Seminary
2 Nephi 1–2: Buod


“2 Nephi 1–2: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 1–2: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 1–2

Buod

Noong malapit nang magwakas ang buhay ni Lehi, kinausap niya ang kanyang mga anak upang hikayatin sila na sundin ang mga kautusan ng Diyos. Itinuro niya na ang kalayaan, o ang kalayaang pumili, ay isa sa mga pinakadakilang kaloob ng Diyos sa atin. Itinuro niya sa kanyang mga anak ang tungkol sa mga epekto ng Pagkahulog nina Adan at Eva at na sa pamamagitan ng Tagapagligtas ay madaraig natin ang lahat ng hamon ng mortalidad. Itinuro din niya na dahil kay Jesucristo, lahat ay “malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan” o “pagkabihag at kamatayan” (2 Nephi 2:27).

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

2 Nephi 1

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang mga alituntunin na, kapag ipinamuhay, ay magagabayan sila sa pagtanggap ng tulong ng Diyos sa kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na pag-aralan araw-araw ang mga banal na kasulatan. Sabihin sa kanila na maghanap ng mga totoong alituntunin sa 2 Nephi 1 at dumating sa klase na handang magbahagi ng halimbawa.

  • Larawan: Ang larawan na may nakatagong mga bagay

  • Video:Tinuruan ni Lehi ang Kanyang Pamilya” (3:47; panoorin mula sa time code na 0:39 hanggang 3:35)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Matapos matukoy ng mga estudyante ang isang alituntunin at makumpleto ang apat na hakbang na matatagpuan sa katapusan ng lesson, maaari mong sabihin sa kanila na isulat sa chat ang alituntuning natukoy nila. Pagkatapos ay sabihin sa isang estudyante na pumili ng isang alituntunin na gusto niyang malaman pa ang tungkol dito. Sabihin sa estudyanteng tumukoy sa alituntuning iyon na ibahagi kung paano niya nakumpleto ang apat na hakbang. Pagkatapos ay sabihin sa estudyanteng iyon na pumili ng ibang alituntunin. Magpabahagi sa ilang estudyante.

2 Nephi 2:1–16

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang ginagampanan ng kalayaang pumili sa plano ng Ama sa Langit.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na tukuyin at ilista ang mahahalagang pagpiling gagawin nila mula ngayon hanggang sa susunod na lesson. Sabihin sa kanila na pumasok na handang ibahagi kung bakit mahalaga ang pagpili sa ating mortal na buhay at sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.

  • Handout: “Ang Ating Kapangyarihang Pumili”

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Matapos makumpleto ng mga estudyante ang kanilang outline na nagpapaliwanag ng kalayaang pumili, maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga breakout room at isadula ang sitwasyon. Maaaring makatulong na sabihin sa isang estudyante sa bawat grupo na maging lider at magpasya kung sino ang unang magpapaliwanag. O maaaring epektibong sabihin sa mga estudyante na alamin kung sino sa kanilang grupo ang pinakamatanda, pinakamatangkad, o pinakamaagang gumising noong umagang iyon at hayaang maunang magpaliwanag ang taong iyon.

2 Nephi 2:17–26

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas mapahalagahan ang Tagapagligtas at ang Kanyang Pagbabayad-sala kapag naunawaan nila ang Pagkahulog nina Adan at Eva.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na basahin ang ikalawang saligan ng pananampalataya at isipin kung paano nila ito ipaliliwanag sa ibang tao. Maaari din nilang hilingin sa isa o dalawang tao na pinagkakatiwalaan nila na ibahagi sa kanila ang kanilang pagkaunawa sa ikalawang saligan ng pananampalataya.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Bago magklase, maaari mong ipadala sa dalawang estudyante ang dalawang pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland. Anyayahan ang bawat isa sa kanila na basahin ang pahayag na natanggap nila at isipin kung ano ang kahulugan nito sa kanila. Sa mga angkop na pagkakataon sa lesson, ipabasa sa kanila ang kanilang mga pahayag at ibahagi ang kanilang mga iniisip.

Doctrinal Mastery: 2 Nephi 2:25

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Nephi 2:25, maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang bigkasin ang 2 Nephi 2:25 nang walang kopya at dumating na handang magbahagi ng isang paraan na nakadama sila ng kagalakan dahil sa Pagkahulog nina Adan at Eva.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Matapos mabasa ng mga estudyante ang sitwasyon tungkol kay Gideon, sabihin sa kanila na ibahagi kung ano ang maaari nilang gawin upang makatulong. Kung nahihirapan ang mga estudyante o kung makatutulong ito sa talakayan, maaari mong hatiin ang mga talata sa Doctrinal Mastery Core Document (2022) sa tatlong grupo ng mga estudyante. Ilagay sila sa mga breakout room upang talakayin ang mga talata at ang sitwasyon, at pagkatapos ay tapusin ang mga breakout room upang maibahagi nila ang natutuhan nila na maaaring makatulong kay Gideon.

2 Nephi 2:26–30

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na gamitin ang kanilang kalayaang pumili upang sundin si Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang 2 Nephi 2:27 at mapanalanging pag-isipan kung aling mga pagpili sa kanilang buhay ang tumutulong sa kanila na mas mapalapit sa Tagapagligtas at matanggap ang mga pagpapalang ibinibigay Niya. Sabihin din sa kanila na isipin ang anumang pagpili na gusto nilang baguhin.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sabihin sa mga estudyante na i-share ang diagram na iginuhit nila sa 2 Nephi 2:27 o ang mga salitang ginamit nila upang ibuod ito. Kung gumuhit sila ng isang diagram, hilingin sa ilan sa kanila na ipakita ito sa pamamagitan ng pagtatapat ng diagram nila sa kanilang camera, at sabihin sa klase na piliin ang speaker view upang makita nila ito nang malinaw. Pagkatapos, maaari mong ipakita ang diagram sa lesson at gamitin ang iyong cursor o ang drawing feature upang mabigyang-diin ang ilang bahagi nito habang nagpapatuloy ka sa lesson.