“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery sa Aklat ni Mormon 2: Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery sa Aklat ni Mormon 2: Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery sa Aklat ni Mormon 2
Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
Ang pagsasaulo sa mga doctrinal mastery passage at sa itinuturo ng mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng ilan sa mga doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Paggamit ng mga banal na kasulatan upang ibahagi ang ebanghelyo
Isipin kunwari na isa sa mga kaibigan mo ay may mga tanong tungkol sa ilan sa iyong mga paniniwala bilang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, kabilang na ang iyong mga paniniwala tungkol kay Jesucristo, sa ating layunin sa lupa, at sa mga kautusan ng Diyos. Habang iniisip mo kung ano ang isasagot mo, nagpasya kang ipakita sa kanya ang mga banal na kasulatan mula sa Aklat ni Mormon upang makatulong sa pagsagot sa kanyang mga tanong.
-
May naiisip ka bang mga makatutulong na talata mula sa Aklat ni Mormon na maipapakita mo sa iyong kaibigan?
-
Paano makatutulong sa sitwasyong ito ang kaalaman sa mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala nito?
Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa mga doctrinal mastery passage na pag-aaralan mo ngayong taon. Ang pagsasaulo ng mga reperensyang banal na kasulatan at ng mga pariralang ito ay makatutulong sa iyong buhay at sa iyong mga pagsisikap na ibahagi ang iyong mga paniniwala sa iba. Nasa ibaba ang listahan ng unang 12 doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon kasama ang mahahalagang parirala ng mga ito.
Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala
Reperensyang Banal na Kasulatan |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
---|---|
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … [ng] pagkabihag at kamatayan.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kinakailangan kayong laging manalangin.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.” |
Mga memory card
Mag-ukol ng oras na gumawa ng isang set ng mga memory card na magagamit mo sa buong taon. Isulat ang doctrinal mastery scripture reference sa isang bahagi ng bawat card at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa kabilang bahagi. Gumawa ng mga memory card para sa lahat ng 12 doctrinal mastery passage na nakalista sa chart.
Kung kailangan, gamitin ang mga sumusunod na tagubilin upang matulungan ka sa paggawa ng iyong mga memory card:
Hakbang 1: Gumawa ng 12 card
Gamit ang buong bahagi ng isang papel, gumuhit ng isang linya sa gitna ng papel upang makagawa ng dalawang column. Pagkatapos ay gumuhit ng dalawang pahalang na linya sa papel upang lumikha ng tatlong kahon na may magkakaparehong sukat sa bawat column, na magbibigay sa iyo ng anim na kahon sa kabuuan. Tingnan ang sumusunod na larawan para sa halimbawa kung ano ang dapat na hitsura ng iyong papel:
Baligtarin ang papel at gawin din iyon sa bahaging ito. Ulitin ang prosesong ito sa isang hiwalay na papel upang makagawa ng 12 kahon na kailangan mo.
Hakbang 2: Isulat ang mga doctrinal mastery scripture reference sa isang bahagi
Sa isang bahagi ng dalawang papel mo, magsulat sa bawat kahon ng isang reperensyang banal na kasulatan mula sa chart. Bukod pa sa reperensyang banal na kasulatan, maaari ka ring magdrowing ng simpleng larawan na tutulong sa iyo na maalala ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan.
Hakbang 3: Isulat ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa kabilang bahagi
Baligtarin ang iyong mga papel, at isulat sa bawat kahon ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan na tumutugma sa reperensyang banal na kasulatan sa kabilang bahagi.
Hakbang 4: Gupitin ang iyong mga card
Gupitin ang bawat isa sa mga kahong ginawa mo upang maging mga card.
-
Sa palagay mo, aling mga talata at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ang lubos na makatutulong kung maisasaulo mo ito? Bakit?
-
Ano ang ilang katotohanan na itinuturo ng mga scripture passage na ito tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo?