Seminary
1 Nephi 16–18: Ang Liahona: Gabay sa Ilang


“1 Nephi 16–18: Ang Liahona: Gabay sa Ilang,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“1 Nephi 16–18: Ang Liahona: Gabay sa Ilang,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

1 Nephi 16–18

Ang Liahona: Gabay sa Ilang

Si Lehi at ang Liahona

Nadama mo na ba na parang naguguluhan at nalilito ka tungkol sa dapat mong gawin o pagtuunan ng pansin sa buhay? Paano maaaring maiba ang buhay mo kung mas nahihiwatigan mo ang paggabay na sinisikap na ibigay sa iyo ng Panginoon? Hindi nagtagal matapos lisanin ng pamilya ni Lehi ang Jerusalem, binigyan sila ng Panginoon ng karagdagang gabay sa pamamagitan ng Liahona. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mahiwatigan at masunod ang paggabay ng Panginoon sa iyong buhay.

Paggabay sa mga mag-aaral na maghangad ng personal na paghahayag. Tulungan ang mga estudyante na maniwala na matuturuan at mapapasigla sila ng Espiritu Santo. Hikayatin sila na dumulog sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng panalangin upang maanyayahan ang Espiritu na turuan sila.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pansinin kung paano sila ginagabayan at pinapatnubayan ng Panginoon sa maghapon.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Gabay sa ilang

Layunin ng sumusunod na aktibidad na tulungan ang mga estudyante na makaugnay sa karanasan ni Lehi nang bigyan ito ng Liahona. Maaaring isang alternatibo para sa mga estudyante ang pagdrowing ng Liahona batay sa alam na nila tungkol dito at pagkatapos ay gamitin ang impormasyon kung kinakailangan upang madagdagan ang naunawaan nila.

Suriin ang ilan sa mga paglalarawan sa mahimalang kasangkapan na ibinigay kay Lehi hindi pa nagtatagal matapos niyang pamunuan ang kanyang pamilya palabas sa Jerusalem.

Liahona
Liahona
Liahona
  • Ano ang alam mo tungkol sa bagay na ito na ipinapakita sa mga larawang ito? (tingnan sa 1 Nephi 16:10).

  • Ano ang layunin nito?

Gamitin ang sumusunod kung kinakailangan upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung ano ang Liahona. Maaari ding makatulong na panoorin ang “Ang Panginoon ay Naglaan ng Liahona” (3:02), na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org.

3:2

Matapos patnubayan ng Panginoon na maglakbay patungo sa ilang, nagising si Lehi at nakita ang isang mahimalang kasangkapan, o instrumento, na inilaan ng Panginoon. Ang Liahona ay “isang bolang tanso na may dalawang panuro na nagbibigay ng mga direksiyon—tulad ng isang aguhon—gayon din ng mga espirituwal na tagubilin para kay Lehi at sa kanyang mga tagasunod kapag sila ay mabubuti” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Liahona,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org).

Isipin kung ano kaya ang pakiramdam ng gumising isang umaga at makita sa tabi ng iyong pintuan ang isang instrumentong tulad ng Liahona na magagami mo upang gabayan ka sa buong maghapon.

Maaari mong itanong ang mga sumusunod, na iniisip ang mga sagot ng mga estudyante na mababalikan matapos pag-aralan ng mga estudyante kung paano nahahalintulad sa Espiritu Santo ang Liahona.

  • Ano kaya ang maaaring naiiba sa buhay mo kung mayroon kang katulad ng Liahona na gagabay sa iyo?

  • Ano ang ilang sitwasyon na nararanasan mo sa kasalukuyan kung saan gusto mong magkaroon ng dagdag na gabay at patnubay?

Inilarawan ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isang dahilan kung bakit dapat nating sikaping mas maunawaan kung paano gumagana ang Liahona. Pansinin na ang pariralang “halimbawa at kahalintulad” ay tumutukoy sa mga bagay, pangyayari, kuwento, o tao na kumakatawan sa ibang bagay.

Ang paglalarawan ng Aklat ni Mormon sa Liahona, ang gabay o kompas na ginamit nina Lehi at ng kanyang pamilya sa paglalakbay nila sa ilang, ay talagang isinama sa talaan bilang halimbawa at kahalintulad ng ating panahon at bilang mahalagang aralin tungkol sa dapat nating gawin upang matamasa ang mga pagpapala ng Espiritu Santo. (David A. Bednar, “Nang sa Tuwina ay Mapasaatin ang Kanyang Espiritu,” Liahona, Mayo 2006, 30)

Mga Pagkakatulad ng Liahona at ng Espiritu Santo

Sa iyong study journal, gumawa ng chart na katulad ng nasa ibaba. Pag-isipang ilista ang ilan sa mga pagkakatulad ng Liahona at ng Espiritu Santo na alam mo na. Sa iyong pag-aaral, isipin ang natututuhan mo na tumutulong sa iyo na mas maunawaan ang Espiritu Santo at kung paano mo mas magagamit ang kaloob na ito sa iyong buhay.

Mga Katangian ng Liahona

Mga Pagkakatulad sa Espiritu Santo

Mga Katangian ng Liahona

Mga Pagkakatulad sa Espiritu Santo

Pag-isipang magpakita ng katulad na chart at anyayahan ang mga estudyante na isulat ang natutuhan nila upang maihanda sila sa pagtalakay sa kanilang mga natuklasan.

Basahin ang mga sumusunod na reperensyang banal na kasulatan, at itala ang mga detalye tungkol sa Liahona sa kaliwang column ng iyong chart. Maaaring kabilang dito kung paano gumagana ang Liahona, bakit ito ibinigay, at kung ano ang nangyari kaya hindi na ito gumana. Pagkatapos ay mapanalanging pag-isipan kung paano nauugnay o isinasagisag ng mga detalyeng ito tungkol sa Liahona ang mga gawain ng Espiritu Santo. Isulat ang mga pagkakatulad sa kanang column ng iyong chart. Halimbawa, sa 1 Nephi 16:10, nalaman natin na itinuro ng Liahona ang daan kung saan dapat magtungo si Lehi at ang kanyang pamilya sa ilang. Gayundin, maituturo ng Espiritu Santo ang landas na dapat nating tahakin sa buhay.

Alamin kung mas kapaki-pakinabang na ipabasa sa mga estudyante ang mga scripture passage nang mag-isa, nang magkakapartner, o sa maliliit na grupo. Para maiba naman, maaari mong i-post ang pitong larawan ng Liahona sa paligid ng silid na ang bawat isa sa mga ito ay may kalakip na isa sa mga sumusunod na reperensyang banal na kasulatan. Maaaring lumibot sa silid ang mga estudyante upang suriin ang iba’t ibang larawan at itala ang mga turo tungkol sa Liahona sa kanilang mga chart. Pagkatapos ay maaari nang bumalik ang mga estudyante sa kanilang upuan upang pag-isipan ang mga pagkakatulad ng Liahona at ng Espiritu Santo nang mag-isa.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang mga katotohanang natutuhan nila tungkol sa Espiritu Santo mula sa kanilang pag-aaral. Kabilang sa mga halimbawa ng mga katotohanan na maaaring natukoy nila ang sumusunod: kapag nakinig tayo sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo, magagabayan tayo ng Panginoon sa ating paglalakbay sa buhay; ang Espiritu Santo ay kumikilos sa ating buhay ayon sa pananampalataya, sigasig, at pagsunod natin dito; at ang Espiritu Santo ay nagbibigay sa atin ng pang-unawa hinggil sa mga pamamaraan ng Panginoon.

Kung ipinakita ang chart para sa klase, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na punan itong natutuhan nila tungkol sa Liahona. Pagkatapos ay maaari ninyong magkakasamang talakayin kung paano nauugnay ang mga katotohanang ito sa pag-unawa at paggamit ng kaloob na Espiritu Santo.

  • Kailan mo naranasan o kailan naranasan ng iba ang isa o mahigit pa sa mga katotohanang ito tungkol sa Espiritu Santo?

  • Paano nakakaimpluwensya sa iyong ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang paghahangad na makilala at sundin ang patnubay ng Espiritu Santo?

Pag-isipan sandali ang kakayahan mong tumanggap ng patnubay mula sa Espiritu Santo at ang impluwensya nito sa mga desisyon mo. Pag-isipang isulat ang anumang ideya o impresyon na maaaring mayroon ka.

Kung kailangan ng mga estudyante ng karagdagang tulong sa paghiwatig at pagsunod sa patnubay ng Espiritu Santo, magbahagi ng mga pahayag mula sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” sa katapusan ng lesson na ito. Bukod pa rito, kung may oras pa at makikinabang ang mga estudyante, maaari mong gamitin ang bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral.”

Magpatotoo tungkol sa kahalagahan ng pagtutulot sa Espiritu Santo na patnubayan ang ating buhay. Maaari ding ibahagi ng mga estudyante ang kanilang patotoo at mga karanasan.