Seminary
1 Nephi 16–22: Buod


“1 Nephi 16–22: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“1 Nephi 16–22: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

1 Nephi 16–22

Buod

Hindi nagtagal matapos lisanin ng pamilya ni Lehi ang Jerusalem, binigyan sila ng Panginoon ng karagdagang gabay sa pamamagitan ng Liahona. Naranasan nila ang iba’t ibang hirap sa ilang, at ang tugon ni Nephi sa mga hamong ito ay nagbibigay sa atin ng halimbawa kung paano tutugon sa sarili nating mga pagsubok sa buhay. Habang nagtuturo tungkol sa pagkalat at pagtitipon ng Israel, ginamit ni Nephi ang mga propesiya ni Isaias upang ipakita na hindi malilimutan ng Panginoon ang nakalat na sambahayan ni Israel. Itinuro din Niya na anuman ang pinagmumulan ng ating pagdurusa, si Jesucristo ay nagbibigay ng lakas at paggaling sa mga naghahanap sa Kanya.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

1 Nephi 16–18

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makilala at masunod ang paggabay ng Panginoon sa kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pansinin kung paano sila ginagabayan at pinapatnubayan ng Panginoon sa maghapon.

  • Mga larawan: Isa o mahigit pang mga larawan ng Liahona

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Matapos magawa ng mga estudyante ang chart ayon sa tagubilin sa lesson, maaari mong sabihin sa kanila na gamitin ang chat o whiteboard function upang ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa Liahona. Pagkatapos ay maaari nilang magkakasamang talakayin kung paano nauugnay ang mga katotohanang ito sa pag-unawa at paggamit sa kaloob na Espiritu Santo.

1 Nephi 16–17

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matutuhan kung paano ihalintulad ang mga banal na kasulatan at harapin ang mga hamon nang may pananampalataya.

  • Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang 1 Nephi 19:23 at pag-isipan kung ano ang ibig sabihin ng ihalintulad ang mga banal na kasulatan sa ating sarili.

  • Mga Video:Pinatnubayan ng Panginoon ang Paglalakbay ni Lehi” (16:18; panoorin mula sa time code na 5:33 hanggang 16:18); “Iniutos ng Panginoon kay Nephi na Gumawa ng Isang Sasakyang-dagat” (15:12; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 12:07)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Ang sitwasyon sa simula ng lesson ay maaaring maging magandang pagkakataon upang kumustahin ang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan ng mga estudyante. Bilang kapalit ng sitwasyon, maaari mong i-post sa screen ang isang tanong na tulad ng “Ano ang ilang bagay na kadalasang inaalala ng mga tinedyer sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan?” at pasagutin ang mga estudyante gamit ang anonymous polling o question-and-answer feature.

1 Nephi 17–18

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng pagmamahal at pasasalamat sa Panginoon, anuman ang kanilang kalagayan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng mga karanasan nila na nakatulong sa kanila na makadama ng mas matinding pagmamahal at pasasalamat sa Diyos.

  • Mga Video:Naglayag ang Pamilya ni Lehi Patungo sa Lupang Pangako” (12:53; panoorin mula sa time code na 3:13 hanggang 11:31); “Upang Mahikayat Ko ang Lahat ng Tao na Lumapit sa Akin” (13:42; panoorin mula sa time code na 3:52 hanggang 4:40)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Para sa aktibidad kung saan ikukumpara ang mga ginawa at saloobin ni Nephi sa mga ginawa at saloobin nina Laman at Lemuel, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na piliin ang “Paglalakbay sa ilang” o “Paggawa ng isang sasakyang-dagat.” Pagkatapos ay ipabasa sa kanila ang mga scripture passage na tugma sa kanilang napili at maghandang ibahagi sa klase ang natutuhan nila.

1 Nephi 19–22

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na madama ang pagmamahal ng Panginoon para sa kanila at sa lahat ng tao at ang Kanyang hangaring tipunin sila sa Kanya.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng dalawa o tatlong salita na gagamitin nila upang ilarawan ang nadarama ni Jesucristo sa kanila.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 2

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng ilan sa mga doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.

Paalala: Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan at maging handa na talakayin ang anumang scripture passage na nakatulong sa kanila sa kanilang buhay.

  • Mga supply: Dalawang piraso ng papel upang makagawa ang bawat estudyante ng kanilang mga memory card; mga art supply tulad ng mga krayola o marker

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Matapos makumpleto ng mga estudyante ang kanilang mga memory card, ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room (nang magkakapartner o sa maliliit na grupo) upang magsanay na isaulo ang ilan sa mga doctrinal mastery passage sa kanilang mga card. Maaaring itapat ng isang estudyante ang isang bahagi ng kanyang card sa camera, at ang isa pang estudyante o iba pang mga estudyante sa breakout room ay maaaring magsanay na ulitin kung ano ang nasa kabilang bahagi ng card.