Seminary
1 Nephi 17–18: “Ako ay Umasa sa Aking Diyos”


“1 Nephi 17–18: ‘Ako ay Umasa sa Aking Diyos,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“1 Nephi 17–18: ‘Ako ay Umasa sa Aking Diyos,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

1 Nephi 17–18

“Ako ay Umasa sa Aking Diyos”

Dalagitang binu-bully

Lahat tayo ay magkakaroon ng mga pagsubok at pagdurusa sa ating buhay. Ang ilan sa mga ito ay bunga ng sarili nating mga pagkakamali o dahil lamang sa namumuhay tayo sa isang mundong makasalanan at hindi perpekto. Tulad ng naranasan ni Nephi sa kanyang paglalakbay patungo sa lupang pangako, may ilang pagsubok at pagdurusa na dulot ng maling paggamit ng kalayaang pumili ng mga nasa paligid natin. Anuman ang pinagmumulan ng ating pagdurusa, si Jesucristo ay nagbibigay ng lakas at paggaling sa mga naghahanap sa Kanya. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madama ang pagmamahal at pasasalamat sa Panginoon, anuman ang kalagayan mo.

Unawain ang mga pangangailangan sa pag-aaral ng mga estudyante. Hangaring maunawaan ang mga pangangailangan sa pag-aaral ng mga indibiduwal sa iyong klase. Tutulungan ka nitong magbigay ng mga karanasan sa pagkatuto na tutugon sa kanilang mga pangangailangan at magbibigay-daan sa mga indibiduwal na matuto sa iba’t ibang paraan. Maaaring kabilang dito ang paggamit ng mga visual aid, gawain ng grupo, o indibiduwal na pag-aaral. Maging sensitibo sa mga estudyanteng may mga partikular na hamon sa pag-aaral.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng mga karanasan nila na nakatulong sa kanila na makadama ng mas matinding pagmamahal at pasasalamat sa Diyos.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Paano ka tutugon?

Napansin mo na ba ang iba-ibang paraan ng pagtugon kung minsan ng mga tao sa magkaparehong mga sitwasyon? Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at isipin ang ilan sa iba-ibang paraan na maaaring tumugon ang mga tao sa mga sitwasyon.

Gamitin ang sumusunod o mag-isip ng iba pang mga sitwasyon upang matulungan ang mga estudyante na talakayin ang iba-ibang paraan ng pagtugon sa mga paghihirap o pagsubok.

Nagpunta si Guillermo sa doktor ng mga mata dahil malabo ang kanyang paningin. Sinabi sa kanya ng doktor na mayroon siyang kakaibang sakit na bubulag sa kanya nang tuluyan sa loob ng isang taon.

Nagalit ang kapatid ni Layla at itinulak siya, kaya napilayan ang kanyang bukung-bukong. Maglalaro dapat siya sa championship game ng kanyang team, pero ngayon ay hindi na siya makatakbo.

  • Ano ang ilan sa iba-ibang paraan na maaaring tumugon ang mga tao sa mga sitwasyong ito sa kanilang mahirap na sitwasyon?

  • Ano sa palagay mo ang ilan sa mga dahilan kung bakit tumutugon ang mga tao sa positibo o negatibong paraan sa mga pagsubok na nararanasan nila?

Pananaw ni Nephi

Sa pag-aaral mo ng Aklat ni Mormon, maaaring napansin mo ang pagkakaiba ng mga kilos at pag-uugali ni Nephi sa mga kilos at pag-uugali nina Laman at Lemuel, bagama’t pareho nilang naranasan ang marami sa gayon ding mga paghihirap. Bigyang-pansin ang pagkakaibang ito habang pinag-aaralan mo ang mga sumusunod na talata.

Para sa sumusunod na aktibidad sa pag-aaral, maaaring basahin ng mga estudyante ang unang paghahambing kasama ang kapartner, pagkatapos ay maaari silang magpalitan ng mga kapartner para sa isa pang grupo ng talata. Gayundin, maaaring talakayin ng mga estudyante ang mga sumusunod na tanong nang magkakapartner, sa maliliit na grupo, o bilang isang klase bago pag-aralan ang mga pangyayari sa 1 Nephi 18.

Paglalakbay sa ilang:Ihambing ang salaysay ni Nephi sa 1 Nephi 17:1–3 sa sinabi nina Laman at Lemuel sa 1 Nephi 17:20–22.

Paggawa ng sasakyang-dagat:Ihambing ang tugon ni Nephi sa 1 Nephi 17:8–9, 15 sa reaksyon nina Laman at Lemuel sa 1 Nephi 17:17–18.

Magpasya kung paano pinakamahusay na mahihikayat ang mga estudyante na talakayin ang nabasa nila. Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring makatulong sa talakayang ito.

  • Ano ang mga naisip o impresyon ninyo nang ikumpara ninyo ang mga salita at ginawa ni Nephi sa mga salita at ginawa nina Laman at Lemuel?

  • Ano ang napansin ninyo tungkol sa pakikipag-ugnayan ng bawat isa sa mga taong ito sa Diyos?

Lahat tayo ay nagkaroon ng mga pagkakataon kung saan maayos tayong nakatugon sa mahihirap na sitwasyon, at may mga pagkakataon na hindi tayo maayos na nakatugon. Isipin kung ang pagtugon mo ba ay higit na katulad ni Nephi o higit na katulad nina Laman at Lemuel kapag nahaharap ka sa mahihirap na sitwasyon. Habang patuloy kang nag-aaral, maghanap ng mga turong makatutulong sa iyo na tumugon sa mas positibong mga paraan kapag nahaharap ka sa mga paghihirap o pagsubok.

Naglalayag si Lehi at ang kanyang pamilya patungo sa lupang pangako

Matapos makumpleto ni Nephi at ng kanyang mga kapatid ang paggawa sa sasakyang-dagat, iniutos ng Panginoon kay Lehi at sa kanyang pamilya na magsimulang maglayag patungo sa lupang pangako (tingnan sa 1 Nephi 18:1–8).

Basahin ang 1 Nephi 18:9–21, at alamin ang ilan sa mga paghihirap na naranasan nila sa paglalakbay na ito. Habang nag-aaral ka, patuloy na ikumpara ang mga gawa at pag-uugali ni Nephi sa mga gawa at pag-uugali nina Laman at Lemuel. Maaari mo ring panoorin ang video na “Naglayag ang Pamilya ni Lehi Patungo sa Lupang Pangako” mula sa time code na 3:13 hanggang 11:31, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org.

12:53
  • Ano ang mahalaga para sa iyo sa salaysay na ito?

  • Pansinin ang itinala ni Nephi sa talata 16. Kung may pagkakataon kang itanong sa kanya ang ilang bagay tungkol sa kanyang mga ginawa sa talatang ito, ano ang itatanong mo sa kanya?

  • Sa iyong palagay, paano niya sasagutin ang iyong mga tanong?

Ibinahagi ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isang dahilan kung bakit gayon ang tugon ni Nephi sa kabila ng mga hirap na naranasan niya.

13:39

Dahil malayo sila sa Tagapagligtas, sina Laman at Lemuel ay bumulung-bulong, naging palaaway, at walang pananampalataya. Nadama nila na hindi patas ang buhay at marapat lang silang tumanggap ng biyaya ng Diyos. Kabaligtaran nito, dahil malapit siya sa Diyos, malamang na natanto ni Nephi na hindi magiging patas ang buhay kay Jesucristo. Bagamat talagang walang kasalanan, ang Tagapagligtas ang daranas ng pinakamatinding pagdurusa.

Kapag mas malapit tayo kay Jesucristo sa isip at naisin ng ating puso, lalo nating mapahahalagahan ang Kanyang pagdurusa, lalo tayong magpapasalamat sa biyaya at pagpapatawad, at mas gusto nating magsisi at maging tulad Niya. (Dale G. Renlund, “Upang Mahikayat Ko ang Lahat ng Tao na Lumapit sa Akin,” Liahona, Mayo 2016, 40)

  • Anong katotohanan ang natutuhan mo mula sa pahayag ni Elder Renlund na makatutulong sa iyo sa iyong mga pagsubok?

Maaari mong ibahagi ang sumusunod na katotohanan kung walang natukoy na katulad nito ang mga estudyante.

Ang isang katotohanan na maaaring natukoy mo ay kapag malapit tayo kay Jesucristo, makadarama tayo ng pagmamahal at pasasalamat sa Kanya kahit sa mahihirap na panahon.

  • Sa iyong palagay, bakit mas malamang na makadama tayo ng pagmamahal at pasasalamat kay Jesucristo kapag mas malapit tayo sa Kanya?

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pagsagot sa naunang tanong, maaari kang magbigay ng mga karagdagang tanong na tulad ng “Ano ang nagawa ng Panginoon para sa iyo kaya nagpapasalamat ka sa Kanya?” o “Kailan mo nadama na talagang nagpapasalamat ka sa Tagapagligtas?”

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong at sabihin sa mga estudyante na sagutin ang dalawa o mahigit pa sa kanilang study journal. Pagkatapos ay mag-anyaya ng mga boluntaryo na magbahagi ng ilan sa mga ideya nila.

  • Paano mo nalalaman kapag maaaring nalalayo ka na sa Panginoon? Ano ang magagawa mo upang mapalapit ka sa Panginoon?

  • Ano ang nakatulong sa iyo para mas mapalapit ka kay Jesucristo?

Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipan at tahimik na ipagdasal kung gaano sila kalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at isulat ang anumang naisip o impresyon nila sa lesson na ito sa kanilang study journal. Ang sumusunod na talata ay isang paraan kung paano mo ito magagawa.