Seminary
1 Nephi 19–22: “Ang mga Ito’y Makakalimot, Ngunit Hindi Kita Kalilimutan”


“1 Nephi 19–22: ‘Ang mga Ito’y Makakalimot, Ngunit Hindi Kita Kalilimutan,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“1 Nephi 19–22: ‘Ang mga Ito’y Makakalimot, Ngunit Hindi Kita Kalilimutan,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

1 Nephi 19–22

“Ang mga Ito’y Makakalimot, Ngunit Hindi Kita Kalilimutan”

Ang mabuting pastol

Ano ang nadarama mo kapag naaalala ka ng isang taong mahalaga sa iyo? Habang nagtuturo tungkol sa pagkalat at pagtitipon ng Israel, ginamit ni Nephi ang mga propesiya ni Isaias upang ipakita na hindi malilimutan ng Panginoon ang nakalat na sambahayan ni Israel. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang madama ang pagmamahal ng Panginoon para sa iyo at sa lahat ng tao at ang Kanyang hangaring tipunin ka sa Kanya.

Pag-anyaya sa mga mag-aaral na magbahagi. Maghanap ng mga sandali sa lesson kung saan mahihikayat mo ang mga estudyante na pag-isipan ang nadarama nila tungkol sa isang bagay, at pagkatapos ay sabihin sa kanila na ibahagi ang nadarama nila o isulat ang kanilang nadarama at pagkatapos ay ibahagi ito. Ang pagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong maipahayag ang mga naiisip at nadarama nila ay makatutulong sa kanila na mas magkaroon ng kumpiyansa sa pagpapahayag ng patotoo.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng dalawa o tatlong salita na gagamitin nila upang ilarawan ang nadarama ni Jesucristo sa kanila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang pagmamahal ng Tagapagligtas para sa atin

Isiping simulan ang klase sa pagkanta ng isang awitin na may kaugnayan sa pagmamahal ni Jesucristo para sa atin, tulad ng “Ang Pag-ibig ng Ating Tagapagligtas” (SimbahanniJesucristo.org). Maaaring anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng mga salita o parirala mula sa awitin na mahalaga para sa kanila.

May mga pagkakataon na bawat isa sa atin ay maaaring makita at madama ang pagmamahal ng Diyos sa ating buhay, ngunit kung minsan ay maaaring hindi natin ito nakikita. Kunwari ay kausap mo ang isang kaibigan na nagsabi sa iyo na hindi siya sigurado na mahal siya ng Diyos.

  • Ano ang maaari mong ibahagi mula sa mga banal na kasulatan na makatutulong sa iyong kaibigan?

  • Anong mga karanasan ang maibabahagi mo sa iyong kaibigan kung paano mo nalaman at nadama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?

Bigyan ang mga estudyante ng kaunting oras sa klase upang magawa nila ang mga sumusunod. Hilingin sa mga estudyante na isulat sa study journal ang ilan sa kanilang mga naiisip o tanong at maghanap ng mga sagot sa oras ng lesson.

Isipin ang sarili mong nadarama tungkol sa pagmamahal ng Diyos para sa iyo, kabilang ang anumang tanong o alalahanin mo. Sa iyong pag-aaral, alamin ang mga katotohanan na makatutulong sa iyo na mas maunawaan at madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa iyo.

Nagturo si Nephi tungkol sa pagmamahal ng Tagapagligtas para sa atin

Sa 1 Nephi 19, ipinropesiya ni Nephi ang buhay at misyon ni Jesucristo sa hinaharap. Basahin ang 1 Nephi 19:7–10, at alamin ang itinuro ni Nephi tungkol sa paraan kung paano tinrato si Jesucristo sa Kanyang panahon sa lupa at kung bakit handa Siya para dito.

  • Anong mga salita o parirala ang mahalaga para sa iyo mula sa mga talatang ito? Bakit?

  • Paano nakakaapekto ang pag-unawa sa mga turo sa mga talatang ito sa iyong nadarama sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Ibuod ang sumusunod na talata o anyayahan ang isang estudyante na ibahagi ito sa klase.

Matapos itala ang sarili niyang mga propesiya tungkol kay Jesucristo, nagbahagi si Nephi ng mga propesiya mula sa propetang si Isaias sa Lumang Tipan tungkol sa pagkalat at pagtitipon ng Israel. Ang mga propesiyang ito ay mahalaga kay Nephi at sa kanyang pamilya, na ikinalat mula sa kanilang bayan ng Jerusalem dahil sa kasamaan ng mga taong naninirahan sa lugar na iyon. Nakasaad sa mga propesiya ni Isaias na marami sa mga Israelita ang makadarama na parang nalimutan na sila ng Panginoon sa kanilang nakalat na kalagayan.

Basahin ang 1 Nephi 21:14–16 at alamin ang mga salita ng Panginoon sa mga taong makadarama na nalimutan na sila.

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pariralang “*ang iyong mga muog ay laging nasa harapan ko” (1 Nephi 21:16), maaari mong ipaliwanag na ang pariralang ito ay nagpapahiwatig na ang Panginoon ay palaging nagbabantay at nagpoprotekta sa Kanyang mga tao.

  • Paano mo nakikita ang pagmamahal ng Tagapagligtas sa mga talatang ito?

  • Anong katotohanan ang maipapahayag mo tungkol kay Jesucristo batay sa natutuhan mo sa ngayon?

    Ang isang katotohanan na matutukoy ng mga estudyante ay mahal tayo ng Panginoon at hindi Niya tayo kalilimutan kailanman. Maaari mo itong isulat sa pisara.

  • 1 Nephi 22:9–12

  • 1 Nephi 22:24–25

  • 3 Nephi 22:7–8

  • Ano ang ilang sitwasyon na maaaring maging dahilan para mahirapan ang ilang tao na maniwala sa katotohanang ito?

  • Ano ang makatutulong sa atin upang mas makita at madama ang pagmamahal ni Jesucristo para sa atin?

Ang pagmamahal ng Tagapagligtas ay nakikita sa kahandaan Niyang tipunin ang mga tao sa Kanya

Ang mga tao ng sinaunang Israel ay nakakalat sa tuwing titigil sila sa pagsamba kay Jehova at sa tuwing lalabagin nila ang kanilang mga tipan at ang mga kautusan ng Diyos (tingnan sa 2 Nephi 6:10–11; 10:3–6). Ang mga tao ng Israel ay natitipon kapag lumapit sila kay Cristo, kapag tinatanggap nila ang Kanyang ebanghelyo sa pamamagitan ng binyag, at pagsunod sa Kanyang mga kautusan. Nangako ang Tagapagligtas sa ikinalat na Israel na hindi Niya sila kalilimutan at titipunin Niya sila sa Kanya sa mga huling araw (tingnan sa 1 Nephi 15:13–14; 2 Nephi 6:11; 9:1–2; 10:7–8).

Pag-aralan ang mga heading ng kabanata ng 1 Nephi 21 at 22 upang mas maunawaan kung ano ang ipinropesiya at itinuro ni Isaias sa mga kabanatang ito.

Pag-aralan ang mga sumusunod na scripture passage tungkol sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw. Bigyang-pansin ang mga salita o parirala na nagsasaad ng pagmamahal ng Panginoon sa Kanyang mga tao.

Mag-isip ng mga paraan kung paano mahihikayat ang mga estudyante sa aktibidad sa pag-aaral na ito. Ang isang paraan ay isulat ang bawat reperensyang banal na kasulatan sa isang hiwalay na notecard o maliit na piraso ng papel upang magkaroon ng sapat na papel para sa bawat estudyante sa klase. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang talata sa kanilang papel, tukuyin kung ano ang gagawin ng Panginoon upang tipunin ang Israel, at pagkatapos ay ipapalit ang kanilang papel sa isang kaklase. Ang mga estudyante ay maaaring magpalitan ng mga papel nang ilang beses.

  • Ano ang mga ipinangako ng Panginoon sa mga talatang ito? Paano ipinapakita ng mga pangakong ito ang Kanyang pagmamahal sa lahat ng tao?

  • Anong mga halimbawa ang maiisip mo sa iyong buhay o sa buhay ng iba kung saan tinipon ng Panginoon ang mga tao sa Kanya?

7:15

Ipabahagi sa mga estudyante ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo. Magpatotoo sa mga estudyante tungkol sa pagmamahal ni Jesucristo para sa bawat isa sa kanila at sa lahat ng tao sa mundo.