Seminary
2 Nephi 3–5: Buod


“2 Nephi 3–5: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 3–5: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 3–5

Buod

Bago siya pumanaw, binanggit ni Lehi ang isang propesiyang sinabi ni Jose ng Egipto tungkol kay Joseph Smith halos 1,700 taon bago isinilang si Cristo. Pagkamatay ni Lehi, isinulat ni Nephi ang tungkol sa ilan sa kanyang pinakamatitinding damdamin, na ipinapakita sa atin sa pamamagitan ng halimbawa kung paano tayo makababaling sa Panginoon kapag nararanasan natin ang mga hamon ng mortalidad. Dahil binalak nina Laman at Lemuel na patayin siya, binalaan si Nephi na isama ang “mga naniniwala sa mga babala at paghahayag ng Diyos” (2 Nephi 5:6) at tumakas patungo sa ilang. Siya at ang mga sumunod sa kanya ay nagtatag ng bagong komunidad, kung saan sila nanagana at namuhay nang maligaya.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doctrinal Mastery: 2 Nephi 2:27

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Nephi 2:27, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na subukang isaulo ang 2 Nephi 2:27. Ipaalala sa mga estudyante na maaari nilang gamitin ang Doctrinal Mastery app.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari kang maglagay ng link sa Doctrinal Mastery Core Document (2022) sa chat kapag sinimulan mo ang bahaging “Pagsasanay para sa pagsasabuhay” ng lesson upang mahanap kaagad ng mga estudyante ang dokumento.

2 Nephi 3

Layunin ng lesson: Ang layunin ng lesson na ito ay tulungan ang mga estudyante na palalimin ang kanilang patotoo tungkol sa banal na tungkulin ni Propetang Joseph Smith.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin o panoorin ang mensahe ni Elder Neil L. Andersen na “Joseph Smith,” mula sa pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2014 (Liahona, Nob. 2014, 28–31), at alamin kung bakit mahalagang magkaroon ng personal na patotoo na si Joseph Smith ay tinawag ng Diyos.

  • Content na ipapakita: Ang mga larawan ng apat na Joseph sa simula ng lesson

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga breakout group upang talakayin ang kanilang mga naiisip at nadarama tungkol kay Joseph Smith o magpatotoo na siya ay isang propeta.

2 Nephi 4

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na paglabanan ang tukso at panghihina ng loob nang may pananampalataya sa pamamagitan ng pagbaling sa Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na humingi ng tulong sa Diyos sa tukso o hamong kinakaharap nila.

  • Handout: “Ang Awit ni Nephi at Ako”

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Pumili ng kahit isa man lang sa mga pahayag mula sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” at maghandang ipakita ito para sa mga estudyante habang ibinabahagi nila ang kanilang mga iniisip at nadarama tungkol sa 2 Nephi 4.

2 Nephi 5:1–9

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na sundin ang mga babala na ibinibigay nang buong pagmamahal ng Panginoon upang maprotektahan sila.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng isang karanasan kung saan may isang tao na nagbigay sa kanila ng babala na ipinagpasalamat nila.

  • Content na ipapakita: Mga palatandaan ng babala o larawan ng mga palatandaan ng babala

  • Object lesson: Isang bagay na marumi o malagkit na ilalagay sa isa sa mga upuan at mga palatandaan ng babala sa buong upuang iyon

  • Video:Tumakas ang mga Nephita patungo sa Ilang” (5:33; manood mula sa time code na 0:00 hanggang 3:21)

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Isang kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet, 2011) para sa bawat estudyante o mga kopya para sa maliliit na grupo ng mga estudyante na pagsasaluhan nila

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sa simula ng lesson, sa halip na ipabasa sa mga estudyante ang babalang ibinigay ng Panginoon kay Nephi, maaari mong ipanood ang video na “Tumakas ang mga Nephita patungo sa Ilang” (5:33) mula sa time code na 0:00 hanggang 3:21.

2 Nephi 5

Paalala: Ang lesson na ito ay nahahati sa tatlong maliit na aktibidad. Maaari mong sabihin nang maaga sa tatlong estudyante na maghandang magturo sa klase gamit ang mga aktibidad na ito.

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matuklasan kung ano ang maaari nilang gawin upang mamuhay nang maligaya.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na talakayin sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan o kapamilya ang pagkakaiba ng kaligayahan at kasiyahan.

  • Item: Ang mga handout para sa tatlong maliit na aktibidad na ibibigay sa mga estudyante nang maaga, kung binigyan sila ng assignment.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sa halip na italaga nang maaga ang tatlong aktibidad sa tatlong estudyante, maaari mong hatiin ang klase sa mga grupo na may tig-tatatlong estudyante at bigyan ang bawat estudyante sa bawat grupo ng isa sa tatlong aktibidad. Pagkatapos ay gumamit ng mga breakout room upang maituro ng mga estudyante sa kanilang mga grupo kung ano ang inihanda nila. Kung gagamitin mo ang opsiyong ito, maaari kang magpalipat-lipat sa bawat grupo habang nagtuturo ang mga estudyante.