“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 2:27: Tayo ay Malayang Makapipili sa Pamamagitan ng Dakilang Tagapamagitan,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 2:27,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
Doctrinal Mastery: 2 Nephi 2:27
Tayo ay Malayang Makapipili sa Pamamagitan ng Dakilang Tagapamagitan
Sa nakaraang lesson, “2 Nephi 2:26–30,” natutuhan mo na malaya tayong makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Nephi 2:27, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Isaulo at ipaliwanag
Basahin ang 2 Nephi 2:27 at magdrowing ng isang larawan na tumutulong sa iyo na mailarawan sa isipan ang kahulugan ng mahalagang parirala ng banal na kasulatan na: “Sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.” Isama ang mahalagang parirala sa iyong drowing upang matulungan kang maisaulo ito.
Pagkatapos, isulat sa iyong drowing kung ano ang ibig sabihin ng tayo ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo, o piliin ang pagkabihag at kamatayan. Isama kung ano ang ibig sabihin sa iyo ng talatang ito at kung paano ito makatutulong sa iyo na mas masunod si Jesucristo.
Sa huli, habang tinitingnan ang larawan, ulitin ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan hanggang sa matandaan mo ang mga ito.
Pagsasanay para sa pagsasabuhay
Upang marebyu ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, tingnan kung maaalala mo kung ano ang bawat isa sa tatlong alituntunin. Pagkatapos ay tingnan kung maitutugma mo ang mga sumusunod na parirala sa tamang alituntunin. (Gamitin ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document [2022] upang makita kung tama ka.)
-
“Protektahan tayo mula sa maling impormasyon at sa mga naghahangad na wasakin ang pananampalataya”
-
“Tingnan ang mga ideya batay sa pamantayan ng katotohanan ng Panginoon sa halip na tanggapin ang mga paniniwala o palagay ng mundo”
-
“Magtiwala sa patotoo na mayroon na tayo”
Basahin ang sumusunod na sitwasyon at pag-isipan kung paano magagamit ni Ivan ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Nagpaplano si Ivan na gugulin ang Sabado ng hapon kasama ng kanyang mga kaibigan, ngunit nang ang isa sa kanila ay hindi inaasahang dumating nang may dalang alak na pagsasaluhan, nadama niya na oras na para umalis siya. Alam niya na hindi magugulat ang kanyang mga kaibigan dahil palagi siyang umuuwi kapag may gayon ding mga sitwasyon noon. Habang naglalakad siya palayo, narinig niyang sinabi ng kaibigan niyang si Daniel, “Si Ivan, parang hindi hahayaan ng simbahan niya na gumawa ng kahit ano.”
Patuloy na pinag-isipan ni Ivan ang komento ni Daniel habang naglalakad siya pauwi.
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
Basahin ang talata 8 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Pagtuunan ng espesyal na pansin ang ibig sabihin ng ibahin ang pananaw sa mga tanong.
-
Paano mo ilalarawan ang ibig sabihin ng ibahin ang pananaw sa isang komento o tanong?
-
Tukuyin ang mga posibleng paniniwala o palagay.
-
Ano ang tila pinaniniwalaan ni Daniel tungkol sa kalayaan at layunin ng kalayaang pumili?
-
Ano ang tila pinaniniwalaan niya tungkol sa mga pamantayan ng Simbahan ng Tagapagligtas?
-
-
Pag-isipan ang isyu sa konteksto ng plano ng kaligtasan at ng mga turo ng Tagapagligtas.
-
Ano ang naranasan mo sa pamumuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo na tumutulong sa iyo na makita ang mga bagay-bagay nang naiiba kaysa kay Daniel?
-
Sa iyong palagay, anong mga aspeto ng plano ng kaligtasan ang lubos na makatutulong para makaunawa si Daniel?
-
Anong uri ng kalayaan ang ibinibigay ng Tagapagligtas sa mga gumagamit ng kanilang kalayaang pumili upang sundin ang Kanyang mga kautusan? Anong uri ng pagkabihag ang bunga ng hindi pagtanggap sa mga ito?
-
Basahin ang talata 5–7, 11 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) at isipin kung paano naaangkop ang sumusunod na dalawang alituntunin sa sitwasyon ni Ivan.
Kumilos nang may pananampalataya
-
Kung magsisimulang pag-alinlanganan ni Ivan ang kanyang desisyong lumayo sa mga mapanganib na sitwasyong espirituwal, ano ang maaari mong ibahagi sa kanya mula sa talata 5–7? Bakit?
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos
-
Sa iyong palagay, anong sources na binanggit sa talata 11 ang may pinakamalaking maitutulong kay Ivan?
-
Paano makatutulong sa kanya ang mga katotohanan sa 2 Nephi 2:27?