“2 Nephi 4: Awit ni Nephi,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“2 Nephi 4: Awit ni Nephi,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
2 Nephi 4
Awit ni Nephi
Lahat ay nahaharap sa tukso at nalulungkot o pinanghihinaan ng loob kung minsan. Ganito rin ang nadama ng propetang si Nephi. Matapos maranasan ang pagkamatay ng kanyang amang si Lehi, at pagharap sa kanyang galit na mga kapatid, nagsulat si Nephi tungkol sa ilan sa kanyang pinakamatitinding damdamin. Ipinahayag niya ang kanyang kagalakan gayundin ang kanyang kalungkutan. Ipinapakita sa atin ng kanyang halimbawa kung paano tayo makababaling sa Panginoon kapag nararanasan natin ang mga hamon ng mortalidad. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na paglabanan ang tukso at panghihina ng loob nang may pananampalataya sa pamamagitan ng pagbaling sa Panginoon.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga hamon ng mortalidad
-
Sa iyong palagay, bakit natutukso ang lahat at kung minsan ay pinanghihinaan ng loob?
-
Mula 1 hanggang 10, gaano mo kahusay na nakakayanan ang mga paghihirap at problemang ito?
-
Paano mapagpapala ang iyong buhay kung mas napaglabanan mo ang tukso at panghihina ng loob?
Awit ni Nephi
Basahin ang 2 Nephi 4:12–13, 18, at alamin ang ilan sa mga hamong naranasan ni Nephi.
-
Sa iyong palagay, ano ang nadama ni Nephi sa mga hamong ito?
Ang mga talatang 2 Nephi 4:16–35 ay madalas tukuyin bilang awit ni Nephi. Ang awit ay “isang tula o himnong binigyang-inspirasyon.” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Awit,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/scriptures/gs/psalm?lang=tgl). Isinulat ni Nephi sa mga talatang ito ang tungkol sa ilan sa kanyang pinakamatitinding damdamin. Ibinahagi niya ang kanyang mga hamon at kung paano niya pinaglabanan ang tukso at panghihina ng loob. Habang pinag-aaralan mo ang mga talatang ito, maghangad ng inspirasyon sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang malaman kung ano ang magagawa mo sa mga partikular na hamong kinakaharap mo.
Maaari mong alalahanin ang apat na hakbang upang matulungan kang ihalintulad ang mga banal na kasulatan sa iyong buhay:
-
Maghanap ng mahahalagang detalye.
-
Ikumpara ang iyong buhay.
-
Tumuklas ng mahahalagang aral.
-
Tukuyin kung paano personal na ipamumuhay ang mga aral.
Ang Awit ni Nephi at Ako (2 Nephi 4:16–35)
Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)—“2 Nephi 4: Awit ni Nephi”
Karanasan ni Nephi |
Karanasan Ko | |
---|---|---|
Karanasan ni Nephi Ano ang nadarama ni Nephi? | Karanasan Ko Kailan ako nakadama ng katulad nito? | |
Karanasan ni Nephi Ano ang nadarama ni Nephi? | Karanasan Ko Kailan ako nakadama ng katulad nito? | |
Karanasan ni Nephi Anong mga karanasan sa Diyos ang nakatulong kay Nephi upang paglabanan ang tukso at panghihina ng loob nang may pananampalataya? | Karanasan Ko Ano ang ilang espirituwal na karanasan na naaalala ko kapag ako ay natutukso o pinanghihinaan ng loob? | |
Karanasan ni Nephi Anong mga uri ng mga ideya ang nakatulong kay Nephi na maging malakas kapag siya ay natutukso o pinanghihinaan ng loob? | Karanasan Ko Anong mga uri ng mga ideya ang makatutulong sa akin na maging malakas kapag ako ay natutukso o pinanghihinaan ng loob? | |
Karanasan ni Nephi Ano ang hinangaan ko sa panalangin ni Nephi? | Karanasan Ko Paano ko tutularan ang halimbawa ni Nephi sa sarili kong mga panalangin? |
-
Anong mga talata o parirala sa 2 Nephi 4 ang mahalaga para sa iyo? Bakit?
-
Ano ang natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas mula sa 2 Nephi 4?
-
Paano nakaimpluwensya ang paghahalintulad ng mga banal na kasulatan sa iyong buhay sa pag-aaral mo ng 2 Nephi 4?
-
Ano ang ilang alituntuning natukoy mo?
-
Sa iyong palagay, paano makatutulong sa iyo ang mga alituntuning ito upang bumaling ka sa Panginoon kapag natutukso ka o pinanghihinaan ng loob?
Ang aking planong mapaglabanan ang tukso at panghihina ng loob
Tularan ang halimbawa ni Nephi at sumulat ng sarili mong awit. Maaaring makatulong ang ilan sa mga sumusunod na tanong:
-
Anong alituntunin, turo, o (mga) talata mula sa 2 Nephi 4 ang maiaangkop mo sa iyong buhay?
-
Paano mo ipamumuhay ito?
-
Sa iyong palagay, paano makatutulong sa iyo ang paggawa nito upang bumaling ka sa Tagapagligtas?
-
Kapag humihirap ang buhay, paano ka tutugon nang may pananampalataya sa Tagapagligtas?