Seminary
Jacob 5–7: Buod


“Jacob 5–7: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2023)

“Jacob 5–7,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Jacob 5–7

Buod

Ibinahagi ni Jacob ang talinghaga ni Zenos tungkol sa mga punong olibo, na simbolikong naglalarawan ng pagkalat ng Israel at ng palagiang pagsisikap ng Panginoon na tipunin ang lahat ng anak ng Ama sa Langit sa Kanya. Ang huling bahagi ng talinghagang ito ay sumisimbolo sa gawain ng Panginoon sa mga huling araw, kabilang na ang mga pagsisikap Niya at ng Kanyang mga tagapaglingkod na magtipon ng mga kaluluwa sa Kanya sa huling pagkakataon. Ilang taon matapos ibahagi ni Jacob ang mga turong ito, isang lalaking nagngangalang Serem ang dumating sa mga Nephita at “masigasig [na] gumawa upang kanyang matangay palayo ang mga puso ng tao” (Jacob 7:3). Ang mga lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na harapin ang mga hamon sa kanilang pananampalataya at maghandang gumawa sa olibohan ng Panginoon.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Jacob 5:1–53

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang pagmamahal ni Jesucristo para sa kanila at sa lahat ng tao.

Jacob 5:54–77; 6:1–13

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng mas malaking hangaring gumawa kasama ng Panginoon sa pagtulong sa mga anak ng Ama sa Langit na lumapit sa Kanya.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gawin ang aktibidad sa pag-aaral sa ilalim ng heading na “Jacob 5:61–75: Inaanyayahan ako ng Panginoon na gumawang kasama Niya sa Kanyang olibohan” sa outline sa pag-aaral na “Abril 8–14. Jacob 5–7: ‘Gumagawa ang Panginoon na Kasama Natin’” sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Aklat ni Mormon 2024.

  • Mga Video: Pag-asa ng Israel” (1:01:34; panoorin mula sa time code na 31:24 hanggang 33:42)

Jacob 7

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maghandang daigin ang mga hamon sa kanilang pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng halimbawa ng isang taong hindi natinag ang pananampalataya nang sinubok siya ng iba.

  • Mga Video:Itinatwa ni Serem si Cristo” (7:16); “Mga Alaala na Espirituwal na Nagpapatibay” (16:43; panoorin mula sa time code na 13:40 hanggang 14:46)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Ang pagdudula-dulaan ay makapaghahanda sa mga estudyante na tumugon sa mga sitwasyon kung saan sinusubok ang kanilang pananampalataya. Pag-isipang pumili ng isa o dalawang gayong hamon na malamang na makaharap ng mga estudyante sa inyong lugar. Halimbawa, kung ang gayong mga pahayag ay karaniwan sa inyong lugar, maaari mong piliin ang “Ang mga Miyembro ng Simbahang ‘Mormon’ ay hindi mga Kristiyano,” o “Ang Aklat ni Mormon ay hindi totoo dahil ang Biblia lamang ang banal na kasulatan na iiral kailanman.” Maaari mong ilagay ang mga estudyante sa maliliit na grupo sa mga breakout room upang maisadula nila ang pagtugon nang tapat sa mga hamong ito.

I-assess ang Iyong Pagkatuto 3

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na makita kung paano sila umunlad o nagbago sa kanilang pag-aaral ng 2 Nephi 26Jacob 7.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung paano sila umunlad sa espirituwal sa pamamagitan ng pag-aaral nila ng Aklat ni Mormon nitong huling apat na linggo. Maaari mo silang anyayahang tukuyin ang mga partikular na turo na ipinamuhay nila o mga talata na partikular na makabuluhan sa kanila.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaaring piliin ng mga estudyante na gawin ang aktibidad A o aktibidad B. Ilagay ang mga pumili ng aktibidad A sa isang breakout room at ang mga pumili ng aktibidad B sa iba pang breakout room. Kapag natapos ng bawat grupo ang kanilang aktibidad nang magkakasama, maaari silang pumili ng isang kinatawan na magbabahagi ng kanilang paliwanag sa iba pa sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 5

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatulong sa mga estudyante na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala para sa mga doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating na handang magbahagi ng mga paraan kung paano nila naaalala si Jesucristo araw-araw.

  • Nilalamang ipapakita: Ang chart ng mga doctrinal mastery passage kasama ang mahahalagang parirala ng mga ito

  • Mga Materyal: Papel at gunting na gagamitin ng mga estudyante sa paggawa ng kanilang mga word strip

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Ang aktibidad ng pagsasaulo sa lesson na ito ay maaaring mahirap sa isang videoconference class. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na gumawa ng katulad na aktibidad sa Doctrinal Mastery app.

Print