Seminary
Jacob 5:54–77; 6:1–13: “Pinagpala ang mga Yaong Gumawa nang may Pagsusumigasig sa Kanyang Olibohan”


“Jacob 5:54–77; 6:1–13: ‘Pinagpala ang mga Yaong Gumawa nang may Pagsusumigasig sa Kanyang Olibohan,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Jacob 5:54–77; 6:1–13,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Jacob 5:54–77; 6:1–13

“Pinagpala ang mga Yaong Gumawa nang may Pagsusumigasig sa Kanyang Olibohan”

mga taong nagbabasa ng Aklat ni Mormon

Paano nauugnay sa iyo ang talinghaga ng mga punong olibo na nakatala sa Jacob 5? Ang huling bahagi ng talinghagang ito ay sumisimbolo sa gawain ng Panginoon sa mga huling araw, kabilang na ang mga pagsisikap Niya at ng Kanyang mga tagapaglingkod na magtipon ng mga kaluluwa sa Kanya sa huling pagkakataon. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang magkaroon ng mas malaking hangaring gumawa kasama ng Panginoon sa pagtulong sa mga anak ng Ama sa Langit na lumapit sa Kanya.

Tulungan ang bawat estudyante na makapag-ambag sa karanasan sa pagkatuto. Bawat estudyante ay kailangan at may maiaambag. Maaaring may mga estudyante na mas nakikibahagi kaysa sa iba pang mga estudyante. Magsikap na tulungan ang bawat estudyante na makabahagi sa mga paraang makabuluhan at komportable para sa kanila.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gawin ang aktibidad sa pag-aaral sa ilalim ng heading na “Jacob 5:61–75: Inaanyayahan ako ng Panginoon na gumawang kasama Niya sa Kanyang ubasan” sa outline sa pag-aaral na “Abril 8–14. Jacob 5–7: ‘Gumagawa ang Panginoon na Kasama Natin’” sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Aklat ni Mormon 2024.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Isang dakilang gawain

Ibahagi ang sumusunod na sitwasyon sa klase:

Kamakailan ay hiniling kay Annika ng kanyang bishop na mapanalanging pag-isipan ang mga paraan kung paano siya maaaring makipag-ugnayan at tumulong sa isa sa mga kabataang babae sa kanyang ward na hindi nagsisimba. Medyo kinakabahan si Annika at naisip niya, “Bakit ipinagagawa ito sa akin ng bishop? Siguro, mas magiging epektibo siya sa pagtulong sa kanya kaysa sa akin.”

  • Ano kaya ang ilan sa mga dahilan kung bakit inanyayahan si Annika ng kanyang bishop na tulungan ang dalagita sa halip na siya mismo ang tumulong?

Bago ibahagi ang sumusunod na pambungad, makatutulong na anyayahan ang ilang boluntaryo na ibuod ang naaalala nila tungkol sa mga bahagi ng talinghaga sa Jacob 5 na pinag-aralan nila sa nakaraang lesson.

Ngayon, pag-aaralan mo ang huling bahagi ng talinghaga ng mga punong olibo na nakatala sa Jacob 5. Ang bahaging ito ng talinghaga ay kumakatawan sa mga huling araw. Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa bahaging ito ng talinghaga ay inaanyayahan ng Panginoon ang Kanyang mga tagapaglingkod sa mga huling araw na gumawa sa Kanyang ubasan sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pagtitipon ng Israel.

Bago ka magsimulang mag-aral, isipin ang nadarama mo tungkol sa pag-anyaya ng Panginoon na tumulong sa pagtitipon ng mga tao sa Kanya. Naisip mo na ba kung bakit inaanyayahan ka Niya na tulungan Siya sa Kanyang gawaing magligtas ng mga kaluluwa? Sa iyong pag-aaral, maghanap ng mga turo na makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang mga layunin ng Panginoon sa pag-anyaya sa atin na makibahagi sa Kanya sa pagtitipon ng Israel.

Inanyayahan ng panginoon ng olibohan ang mga tagapaglingkod na gumawa kasama niya

Ang huling bahagi ng talinghaga ay nagsisimula sa pag-uusap na nangyari sa pagitan ng panginoon ng olibohan, na kumakatawan kay Jesucristo, at sa kanyang tagapaglingkod, na kumakatawan sa propeta ng Panginoon.

Basahin ang Jacob 5:61–62, 70, at alamin ang ipinagawa ng panginoon ng olibohan sa kanyang tagapaglingkod at kung bakit niya ipinagawa ito sa kanya.

  • Sino sa mga talatang ito ang maaaring kumatawan sa iyo at sa iba pang mga miyembro ng Simbahan?

Tinalakay ni Pangulong Russell M. Nelson ang gawaing isinasagawa ng Panginoon at ng Kanyang mga tagapaglingkod sa mga huling araw:

2:3

2018 Pandaigdigang Debosyonal para sa Kabataan

Sina Pangulong Russell M. Nelson at Sister Wendy Nelson ay nagsalita sa Pandaigdigang Debosyonal para sa Kabataan noong ika-3 ng Hunyo, 2018

Sinabi ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith na ngayon, ibig sabihin ay sa panahon natin, ang ikalabing-isang oras at ang huling pagkakataon na magtatawag Siya ng mga tagagawa sa Kanyang ubasan para matipon ang mga hinirang mula sa apat na sulok ng mundo [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 33:3, 6]. …

Nais ba ninyong tumulong sa pagtipon ng Israel sa mahalagang mga huling araw na ito? …

… Isipin ninyo ito! Sa dinami-dami ng mga taong tumira sa mundo natin, tayo ang mga makikilahok sa huli at malaking pagtitipon na ito. Talagang nakatutuwa ito!

Inireserba ng Ama sa Langit ang marami sa Kanyang pinakamagigiting na mga anak—masasabi kong, ang pinakamahusay na pangkat— para sa huling yugtong ito. Ang magigiting na mga espiritu—ang pinakamahuhusay na manlalaro—ay kayo! (Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel” [pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], suplemento sa New Era at Ensign, 8, ChurchofJesusChrist.org)

  • Ano ang natutuhan o nadama mo tungkol sa Diyos mula sa pahayag ni Pangulong Nelson?

  • Ano ang itinuro nito sa iyo tungkol sa iyong sarili at sa papel na gagampanan mo sa pagtitipon ng Israel?

  • Ano sa palagay mo ang ilan sa mga dahilan kung bakit inaanyayahan tayo ng Panginoon na tumulong sa pagtitipon ng mga tao sa Kanya?

Ang bahagi mo sa olibohan ng Panginoon

Maaari mong gawin ang sumusunod na aktibidad nang mag-isa bago magklase at ipakita sa mga estudyante ang iyong larawan bilang halimbawa.

Sa iyong study journal o sa isa pang papel, gumuhit ng larawan ng isang olibohan o bukid na kumakatawan sa olibohan ng Panginoon. Pagkatapos ay magdrowing o magsulat ng ilang bagay na kumakatawan sa mga sumusunod:

  1. Mga pagkakataong mayroon ka para gumawa sa olibohan ng Panginoon at tumulong sa pagtitipon ng Israel. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang mga larawan o salita na kumakatawan sa mga taong matutulungan mo na mas mapalapit sa Tagapagligtas, mga bagay na maaari mong gawin upang maibahagi ang ebanghelyo nang personal o online, o pagsisikap na pagpalain ang mga tao sa kabilang panig ng tabing sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history.

  2. Mga balakid na kinakaharap mo sa iyong mga pagsisikap na gumawa sa olibohan ng Panginoon. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang mga larawan o salita na kumakatawan sa mga balakid tulad ng takot, kawalan ng katiyakan sa dapat gagawin, o pagiging masyadong abala sa iba pang mga bagay.

Pag-aralan ang mga sumusunod na scripture verse, at hanapin ang mga turo na makatutulong sa iyo na madaig ang mga balakid na natukoy mo. Pag-isipang magdagdag ng mga larawan o salita sa iyong idinrowing na olibohan batay sa natutuhan mo.

  • Ano ang nalaman mo tungkol sa Panginoon mula sa mga talatang ito?

  • Anong mga salita o parirala mula sa mga talatang ito ang makatutulong sa isang taong nag-aalangang makibahagi sa pagtitipon ng Israel?

Maaari kang magbahagi ng isang personal na halimbawa bilang bahagi ng talakayan para sa susunod na tanong.

  • Anong mga pagpapala ang nakita o naranasan mo sa pakikibahagi sa Panginoon sa pagsisikap na magdala ng mga kaluluwa sa Kanya?

Pag-isipan sandali ang mga susunod mong hakbang sa pakikibahagi sa Panginoon sa pagtitipon ng Israel. Magsulat sa iyong study journal ng isang mithiin na may kaugnayan dito o isagawa ang isang mithiin na itinakda mo na para sa iyong sarili. Maaari ka ring magsama ng mga salita o larawan na kumakatawan sa iyong mithiin sa idinrowing mong olibohan. ChurchofJesusChrist.org

4:6

2021 Youth Theme Song: “A Great Work”

This is the lyric video of the 2021 Youth Theme, “A Great Work,” sung by Nik Day. The inspirational video details the work and the promises of the Lord in the latter days.

Maaari mong anyayahan ang ilang boluntaryo na ibahagi sa klase ang nakumpleto nilang mga larawan, pati na ang kanilang mga mithiin. Patotohanan ang mga katotohanang tinalakay ngayon at anyayahan ang mga estudyante na kumilos ayon sa mga mithiing itinakda nila para sa kanilang sarili. Magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong isipin ang progreso nila sa mga mithiing itinakda nila sa susunod na lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto.