Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 5: Isaulo ang mga Reperensyang Banal na Kasulatan at Mahahalagang Parirala


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 5: Isaulo ang mga Reperensyang Banal na Kasulatan at Mahahalagang Parirala,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 5,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 5

Isaulo ang mga Reperensyang Banal na Kasulatan at Mahahalagang Parirala

dalagitang nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Ang pag-alala sa mga scripture passage at sa itinuturo ng mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala para sa mga doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.

Paggamit ng mga aktibidad sa pagrerebyu ng doctrinal mastery. Isa sa mga layunin ng mga aktibidad sa pagrerebyu ng doctrinal mastery ay tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Ang regular na paggawa ng mga aktibidad na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang bawat parirala. Maaari mong hikayatin ang iyong mga estudyante na ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga doctrinal mastery passage sa labas ng klase.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating na handang magbahagi ng mga paraan kung paano nila naaalala si Jesucristo araw-araw.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing magturo ng doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Pag-alaala

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na talakayin sandali ang sumusunod na tanong nang may kapartner o sa maliliit na grupo bago ibahagi ang pahayag ni Elder Gong.

  • Ano ang isang bagay na sa palagay mo ay lagi mong maaalala? Bakit?

Itinuro ni Elder Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol na “inaanyayahan tayo ng Tagapagligtas na lagi Siyang alalahanin tulad ng pag-alaala Niya sa atin” (“Lagi Siyang Aalalahanin,” Liahona, Mayo 2016, 110).

Sa bahaging ito ng lesson, sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga ideya mula sa kanilang aktibidad sa paghahanda ng estudyante.

  • Bakit kaya nais ng Ama sa Langit na lagi nating aalalahanin ang Kanyang Anak?

  • Ano ang ilang paraan na naaalala mo si Jesucristo sa bawat araw?

  • Paano naging pagpapala sa iyong buhay ang pag-alaala sa Tagapagligtas at sa lahat ng ginawa Niya?

Ang isang mahalagang paraan kung paano mo maaalala si Jesucristo ay isaulo ang Kanyang mga turo sa mga banal na kasulatan. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong isaulo ang ilan sa mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na nasa sumusunod na chart. Habang isinasaulo mo ito, isipin kung paano makatutulong sa iyo ang mga reperensya at mahahalagang pariralang ito na mas maalala si Jesucristo sa bawat araw.

Maaari mong markahan ang mga scripture passage na ito kasama ng mahahalagang parirala ng mga ito kung hindi mo pa ito nagagawa.

Paghaluin at pagtugmain

Ipakita ang sumusunod na chart habang isinusulat ng mga estudyante ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala sa kanilang mga papel ayon sa hakbang 1 sa mga tagubilin sa ibaba.

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Reperensyang Banal na Kasulatan

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 28:30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 2:41

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 18:8–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”

Isipin ang oras na magagamit sa klase upang malaman kung ilang doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ang ipapasaulo mo sa mga estudyante sa lesson na ito. Makikita sa ibaba ang isang paraan ng pagsasaulo. Gumamit ng iba pang mga paraan sa pagsasaulo kung nais mo. Kung ang aktibidad na ito ay hindi gagawin nang sama-sama bilang klase, ipakita o ibigay sa mga estudyante ang mga sumusunod na tagubilin.

Tumukoy ng apat na scripture passage na sa palagay mo ay pinakamakatutulong sa iyo na maalala si Jesucristo ngayon sa iyong buhay, at isipin kung bakit ganoon ang pakiramdam mo. Pagkatapos ay gawin ang sumusunod na aktibidad. Maaari kang gumawa ng katulad na aktibidad gamit ang Doctrinal Mastery mobile app.

  1. Gupitin ang isang papel sa apat na piraso na magkakapareho ang laki. Para sa bawat doctrinal mastery passage na pinili mo, gawin ang mga sumusunod:

    1. Isulat ang reperensyang banal na kasulatan at ang kaugnay nitong mahalagang parirala sa isang piraso ng papel.

    2. Gupitin ang mahalagang parirala, at ihiwalay ito sa reperensya, tulad sa halimbawa sa ibaba (pagputol sa simbolong “/”):

      2 Nephi 26:33 / “Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

    Tumigil sa pagpapakita ng chart ng mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala bago sundin ng mga estudyante ang mga natitirang tagubilin.

  2. Kapag mayroon kang isang set ng apat na reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, pagsama-samahin ang mga papel at paghalu-haluin ang lahat ng ito.

  3. Subukang itugma ang bawat reperensyang banal na kasulatan sa mahalagang parirala nito nang hindi tumitingin sa anumang bagay na makatutulong sa iyo. Maaari mo itong gawin nang dalawa o tatlong beses. Maaari mong orasan ang iyong sarili at subukang bilisan sa bawat pagkakataon.

  4. Gawin pang mas mahirap sa pamamagitan ng pagputol ng mga parirala tulad sa mga halimbawa sa ibaba:

    2 Nephi 28:30 / Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao / ng taludtod sa taludtod, / ng tuntunin sa tuntunin.”

    2 Nephi 32:3 / “Magpakabusog kayo / sa mga salita ni Cristo; / sapagkat masdan, / ang mga salita ni Cristo / ang magsasabi sa inyo / ng lahat ng bagay / na dapat ninyong gawin.”

  5. Paghalu-haluin ang mga salita at numero, at pagkatapos ay subukang ayusin ang mga ito nang tama. Maaari mong piliing paghalu-haluin ang lahat ng reperensya at parirala nang magkakasama, o maaari mong gawin ito nang paisa-isang scripture passage. Maaari mo itong gawin nang dalawa o tatlong beses. Maaari mong orasan ang iyong sarili at subukang bilisan sa bawat pagkakataon.

  6. Kung marami ka pang oras, pumili ng ilan pang doctrinal mastery passage at ulitin ang proseso.

Pagkalipas ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal bago nila ibahagi ang kanilang mga sagot sa kapartner, sa maliliit na grupo, o sa klase.

  • Aling mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ang isinaulo mo?

  • Sa iyong palagay, aling scripture passage ang pinakamakatutulong sa iyo ngayon sa iyong buhay? Bakit ganoon ang pakiramdam mo?

  • Sa paanong mga paraan makatutulong sa iyo ang mga passage na pinagtuunan mo ngayon upang maalaala mo si Jesucristo?