Seminary
Mosias 1: “Kung Hindi sa mga Laminang Ito”


“Mosias 1: ‘Kung Hindi sa mga Laminang Ito,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Mosias 1,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Mosias 1

“Kung Hindi sa mga Laminang Ito”

binatilyong nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Ano ang epekto ng mga banal na kasulatan sa pagpapanatili ng pananampalataya kay Jesucristo sa buong buhay mo? Itinuro ni Haring Benjamin sa kanyang mga anak na lalaki ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga banal na kasulatan sa kanilang pananampalataya. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madagdagan ang iyong hangaring pag-aralan ang mga banal na kasulatan.

Paghihikayat na ugaliin ang pag-aaral ng banal na kasulatan araw-araw. Iilang bagay lang ang may mas malakas at pangmatagalang impluwensya para sa ikabubuti ng buhay ng mga estudyante kaysa sa pagtulong sa kanilang matutuhang mahalin ang mga banal na kasulatan at pag-aralan ang mga ito araw-araw. Ang isang paraan upang magawa ito ay anyayahan ang mga estudyante na magtakda ng mithiin sa pagbabasa at gumawa ng personal na plano na mag-aral bawat araw.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gawin ang kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at pagnilayan kung paano ito nakakaapekto sa kanila, lalo na sa kanilang damdamin at pagtitiwala kay Jesucristo.

Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ano ang mahalaga sa ating pananampalataya kay Jesucristo?

Hawakan at itaas ang isang kopya ng Aklat ni Mormon at iba pang mga banal na kasulatan at pagkatapos ay alisin ang mga ito habang itinatanong mo ang sumusunod:

  • Ano kaya ang magiging buhay natin kung wala ang Aklat ni Mormon o iba pang mga banal na kasulatan?

ChurchofJesusChrist.org

22:29

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga saloobin.

Isipin ang mga sumusunod na tanong o sagutin ang mga ito sa iyong study journal:

Kung isusulat ng mga estudyante ang kanilang mga sagot sa kanilang study journal, maaaring makatulong sa kanila na tingnan ulit ang kanilang mga sagot kalaunan sa lesson o kalaunan sa taon.

  • Ano ang nararamdaman mo tungkol sa mga banal na kasulatan? Bakit?

  • Kung ipagpapatuloy mo ang iyong mga kasalukuyang gawi sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa susunod na ilang taon, sa palagay mo, paano ito makakaapekto sa iyo?

  • Kung hindi mo kinagawian ang pag-aaral ng mga banal na kasalukuyan sa ngayon, ano ang kailangan mong maunawaan o madama upang simulan mong pag-aralan ang mga ito?

Patuloy na pag-isipan ang mga tanong na ito habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito. Babasahin mo ang payo ni Haring Benjamin sa kanyang mga anak na lalaki tungkol sa mga banal na kasulatan. Hangaring matuto sa pamamagitan ng Espiritu Santo kung paano mapagpapala ng mga banal na kasulatan ang iyong buhay.

Payo ni Haring Benjamin

Ang ama ni Haring Benjamin, si Mosias, ay binalaan ng Panginoon na dapat lisanin ng kanyang mga tao ang kanilang bayan. Nang sumunod sila, natuklasan nila ang mga tao ni Zarahemla (tingnan sa Omni 1:12–19). Ang dalawang grupong ito ng mga tao ay nagsama-sama sa ilalim ng pamumuno ni Mosias, na hinirang na hari, at kalaunan ay naging hari si Benjamin kasunod ng kanyang ama. Makatutulong na malaman pa ang tungkol kay Haring Benjamin bago mo pag-aralan ang itinuro niya sa kanyang mga anak.

Basahin ang Mga Salita ni Mormon 1:12–18 at Mosias 1:1, at alamin ang mga paghihirap na dinanas ni Haring Benjamin at ang mga paraan kung paano ka niya napahanga.

  • Ano ang nalaman mo?

    Hayaan ang mga estudyante na magbahagi ng iba’t ibang saloobin at ideya.

  • Bakit kaya gugustuhin mong makinig sa payo ni Haring Benjamin?

Basahin ang Mosias 1:2–7, at alamin ang itinuro ni Haring Benjamin sa kanyang mga anak tungkol sa mga banal na kasulatan. Maaaring makatulong na malaman na “ang mga hiwaga ng Diyos ay mga espirituwal na katotohanang nalalaman lamang sa pamamagitan ng paghahayag” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Hiwaga ng Diyos, Mga,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org). ChurchofJesusChrist.org

22:29
  • Ano ang natutuhan ninyo mula kay Haring Benjamin tungkol sa mga banal na kasulatan?

Isulat sa pisara ang ibabahagi ng mga estudyante. Kung hindi sila nagbahagi ng mga alituntuning tulad ng mga sumusunod, maaari mong idagdag ang mga ito.

Ito ang ilan sa mga alituntuning matututuhan natin mula kay Haring Benjamin:

  • Kung hindi natin palagian at masigasig na pag-aaralan ang mga banal na kasulatan, mawawala nang unti-unti ang ating pananampalataya.

  • Makikinabang tayo sa masigasig na pagsasaliksik ng mga banal na kasulatan.

  • Sa iyong palagay, bakit unti-unting mawawala ang ating pananampalataya kung hindi natin pag-aaralan ang mga banal na kasulatan?

Nangako ang Panginoon na pagpapalain tayo sa maraming paraan kapag binabasa natin ang mga banal na kasulatan. Pag-aralan ang ilan sa mga sumusunod na talata at hanapin ang ilan sa mga pagpapalang ito:

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nahanap nila.

  • Alin sa mga pagpapalang ito ang pinakahinahangad mo sa iyong buhay?

  • Paano madaragdagan ng mga pagpapalang ito ang ating pananampalataya sa Panginoon at sa Kanyang ebanghelyo?

Ang mga banal na kasulatan at ang ating pananampalataya

Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Ang pangunahing layunin ng lahat ng banal na kasulatan ay puspusin ang ating mga kaluluwa ng pananampalataya sa Diyos Ama at sa Kanyang Anak na si Jesucristo—pananampalataya na Sila ay buhay; pananampalataya sa plano ng Ama para sa ating kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan; pananampalataya sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, na nagsakatuparan sa planong ito ng kaligayahan; pananampalatayang maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo; at pananampalatayang makilala “ang iisang Dios na tunay, at siyang [Kanyang] sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo” (Juan 17:3). (D. Todd Christofferson, “Ang Biyaya ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Mayo 2010, 34)

  1. Isulat ang mga reperensyang banal na kasulatan sa dalawa o tatlong talata na nagkaroon ng matinding epekto sa iyo at sa iyong patotoo, lalo na tungkol kay Jesucristo o sa Ama sa Langit. Paano nakatulong sa iyo ang mga banal na kasulatang ito? Paano maaaring maiba ang buhay mo kung hindi mo pa nababasa ang mga scripture verse na iyon?

  2. Pag-aralan ang mga banal na kasulatan sa loob ng limang minuto. Maghanap ng anumang katotohanan na maaaring makatulong sa iyo na manatiling tapat sa Panginoon at sa Kanyang ebanghelyo. Bigyang-pansin ang anumang damdamin na maaari ding makatulong. Magsulat tungkol sa iyong karanasan.

  3. Mag-text o makipag-usap sa isang tao na sa palagay mo ay lubhang tapat sa Panginoong Jesucristo. Itanong sa taong iyon kung ano ang papel na ginagampanan ng mga banal na kasulatan sa pagtulong sa kanya na manatiling tapat.

  4. Panoorin ang isa sa mga sumusunod na video, at maghanap ng mga halimbawa kung paano mapagpapala at mapapalakas ang ating pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. ChurchofJesusChrist.org

    • 3:3
    • 16:21
    • 5:3

Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang kanilang mga saloobin o karanasan. Maaaring maging mabisang karanasan ang marinig ang mga ideya at patotoo ng mga kaklase. Maaari mo ring ibahagi ang iyong sariling saloobin at patotoo.

Ang iyong personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan

Isipin ang pag-aaral mo ng mga banal na kasulatan. Sa paanong mga paraan tumitindi ang iyong pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang masigasig mong pinag-aaralan ang salita ng Diyos? Mayroon ka bang anumang bagay na sa palagay mo ay nais ng Panginoon na gawin mo upang mas mapagbuti ang iyong pag-aaral? Maaari mong isulat sa iyong study journal ang anumang mithiin mo.

Maaaring epektibong itanong kung may mga estudyanteng handang magbahagi ng kanilang mga mithiin sa pag-aaral.