Seminary
Mosias 4:9–10: “Maniwala sa Diyos”


“Mosias 4:9–10: ‘Maniwala sa Diyos,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Mosias 4:9–10,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Mosias 4:9–10

“Maniwala sa Diyos”

larawan ng Diyos

Napagnilayan mo na ba sandali ang epekto ng iyong mga paniniwala sa iyong mga kilos at kung ano ang kinahihinatnan mo? Habang itinuturo ang dapat nating gawin upang mapanatili ang kapatawaran ng ating mga kasalanan, binigyang-diin ni Haring Benjamin ang kahalagahan ng paniniwala sa Diyos. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mapatibay ang iyong paniniwala at pagmamahal sa Diyos.

Pagtuturo ng mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta nang may pananalig at layunin. Sa bawat pagkakataon, bigyang-inspirasyon ang mga tinuturuan mo na bumaling sa salita ng Diyos upang mapatnubayan, makahanap ng mga sagot sa mga tanong, at masuportahan. Kung ang mga estudyante ay “magpa[pa]kabusog … sa mga salita ni Cristo,” ang mga katotohanang matatagpuan nila ay “magsasabi sa [kanila] ng lahat ng bagay na dapat [nilang] gawin” (2 Nephi 32:3).

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumunta sa klase na may listahan ng tatlo hanggang limang bagay na pinaniniwalaan nila tungkol sa Diyos.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang epekto ng ating mga paniniwala

Ang sumusunod ay ilang maling ideya na minsang inakala ng mga tao na totoo. Isiping mabuti ang epekto ng mga paniniwalang ito sa buhay ng mga taong iyon

Maaari mong ipakita sa pisara ang mga sumusunod na pahayag.

  • Ang mundo ay patag.

  • Ang mga palaka ay nagbibigay sa iyo ng kulugo.

  • Ang mga bituin ay umiikot sa mundo.

  • Anong mga problema ang maaaring magmula sa paniniwala sa mga maling ideya?

  • Paano mo nakita na naimpluwensyahan ng mga paniniwala mo o ng iba ang mga pag-uugali o kilos?

  • Paano maaaring espirituwal na makaapekto sa atin ang pinaniniwalaan natin?

Maniwala sa Diyos

Itinuro ni Haring Benjamin ang kahalagahan ng paniniwala sa Diyos. Bago simulan ang iyong pag-aaral, pagnilayan sandali ang pinaniniwalaan mo tungkol sa Diyos. Paano naiimpluwensyahan ng mga paniniwala mo tungkol sa Diyos ang iyong mga kilos at ginagawa? Maaari mong ilista sa iyong study journal ang ilan sa mga paniniwalang ito at isipin kung bakit mo pinaniniwalaan ito. Sa iyong pag-aaral, magdagdag ng anumang ideya o impresyon mo.

Maaari mo ring idrowing sa pisara ang sumusunod na larawan at anyayahan ang mga estudyante na tumulong sa pagsulat sa mga bilog ng mga turo mula sa Mosias 4:9–10.

Kopyahin ang sumusunod na larawan sa iyong study journal. Sa gitnang bilog, isulat ang maniwala sa God at Mosias 4:9–10.

web ng ideya

Basahin ang Mosias 4:9–10, at alamin ang iba’t ibang bagay na sinabi ni Haring Benjamin na paniwalaan ng kanyang mga tao tungkol sa Diyos. Isulat ang bawat isa sa mga ito sa labas ng mga bilog. Kung kinakailangan, maaari kang magdagdag ng mas marami pang bilog sa iyong larawan.

  • Sa isang simpleng pangungusap, paano mo maibubuod ang mga turo ni Haring Benjamin sa Mosias 4:9–10? Maaari mong gamitin ang iyong buod bilang pamagat ng visual na ginawa mo.

Bigyan ang maraming estudyante ng pagkakataong ibahagi sa klase ang kanilang buod ng mga talatang ito. Kabilang sa mga posibleng katotohanan na maaaring matukoy nila bilang bahagi ng buod na ito ang sumusunod: Inaanyayahan tayo ng mga propeta ng Panginoon na maniwala sa Diyos. Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at taglay Niya ang lahat ng kapangyarihan at karunungan. Maipapakita natin ang ating paniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng ating mga kilos.

Maaari mong hatiin ang klase sa maliliit na grupo at atasan ang bawat grupo na tumuon sa isa o mahigit pa sa mga turo ni Haring Benjamin mula sa talata 9–10. Maaaring talakayin ng mga estudyante ang mga sumusunod na tanong tungkol sa mga katotohanang nakatalaga sa kanila na pagtutuunan nila at pagkatapos ay maaari nilang ibahagi sa klase ang kanilang mga sagot.

  • Paano maaaring makaapekto sa buhay mo ang pag-unawa at paniniwala sa mga turong ito ni Haring Benjamin?

  • Paano mo nakikita na tinututulan o binabalewala ng mundo ngayon ang mga turong ito?

Ibinahagi ni Pangulong Russell M. Nelson ang sumusunod na payo para sa mga taong hindi nakatitiyak na naniniwala sila sa Diyos:

2:3

Kung hindi ninyo tiyak kung naniniwala nga ba kayo sa Diyos, magsimula roon. Unawain na ang kawalan ng mga karanasan sa Diyos ang maaaring dahilan ng pagdududa na mayroong Diyos. Kaya, ilagay ang inyong sarili sa posisyon na simulang magkaroon ng mga karanasan sa Kanya. … Hilingin sa Kanya na sabihin sa inyo kung naroroon Siya talaga—kung nakikilala Niya kayo. Tanungin Siya kung ano ang nadarama Niya para sa inyo. Pagkatapos ay makinig. (Russell M. Nelson, “Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Liahona, Mayo 2019, 90)

  • Ano ang mga naging karanasan mo na nagpatibay ng iyong paniniwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Kung makikinabang ang mga estudyante sa karagdagang talakayan tungkol sa pagpapasiyang maniwala sa Diyos, pag-isipang gamitin ang pahayag ni Elder L. Whitney Clayton sa bahaging “Komentaryo at Impormasyon ng Konteksto.

Pag-aralan pang mabuti

Ang isang paraan upang mapatibay natin ang ating paniniwala at tiwala sa Diyos ay sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga inspiradong turo at karanasan ng iba (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pananampalataya”). Pumili ng kahit isa sa sumusunod na tatlong aktibidad upang matulungan kang mapalakas ang iyong paniniwala sa Diyos:

Ipakita ang sumusunod na tatlong opsiyon at bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras upang matapos ang isa sa mga aktibidad. Ang mga aktibidad na ito ay maaaring gawin nang mag-isa, o maaaring gawin ito ng mga estudyante kasama ng iba pa na pinili ang kaparehong aktibidad. Maaari kang magsama ng iba’t ibang aktibidad ayon sa mga pangangailangan at kakayahan ng iyong mga estudyante.

  • Mga Himno: Maghanap sa himnaryo ng mga salita, parirala, talata, o buong himno na nagtuturo tungkol sa likas na pagkatao at katangian ng Diyos o magpapatibay ng iyong paniniwala sa Kanya.

  • Iba pang mga salaysay sa banal na kasulatan: Hanapin at pag-aralan ang mga salaysay sa mga banal na kasulatan kung saan nagpatotoo ang iba tungkol sa kanilang mga paniniwala tungkol sa ating Ama sa Langit o sa Kanyang Anak na si Jesucristo. Kabilang sa mga halimbawa ng mga talatang maaari mong pag-aralan ay ang Alma 26:16, 35–37; 34:8–10; at Doktrina at mga Tipan 76:22–24.

    Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng mga kasalukuyang kopya ng edisyon ng pangkalahatang kumperensya ng Liahona kung ang sumusunod na opsiyon ang gagamitin. Maaari ding gamitin ng mga estudyante ang Gospel Library app.

  • Pangkalahatang kumperensya: Gamit ang huling mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, maghanap ng mga salita, parirala, salaysay, o kuwento na nagtuturo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at nagpapatibay ng iyong paniniwala sa Kanila. (Isiping maghanap ng mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya ayon sa mga paksa tulad ng “Ama sa Langit,” “Panguluhang Diyos,” o “Jesucristo.”)

Bigyan ang maraming estudyante ng pagkakataong ibahagi ang natutuhan o nadama nila mula sa kanilang pag-aaral.

Matapos anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga ideya, maaari mo silang bigyan ng maliliit na pirasong papel, at anyayahan ang mga estudyanteng nakahanda na magsulat ng isang bagay na pinaniniwalaan nila tungkol sa Diyos. Ang mga pahayag na ito ng paniniwala ay maaaring idispley sa silid-aralan para sa susunod na linggo upang makita at mapagnilayan ng iba.

Ang mga susunod mong hakbang

Matibay man ang iyong paniniwala sa Diyos o nagsisikap kang tukuyin kung ano ang pinaniniwalaan mo, may mga bagay na magagawa ang bawat isa sa atin upang tumibay ang ating paniniwala at pagmamahal sa Diyos. Mag-ukol ng panahon na pag-isipan kung ano sa palagay mo ang susunod na gagawin mo upang mas makilala ang Diyos. Isulat ang mga naisip at impresyon mo sa iyong study journal.

Maaari mong tapusin ang lesson sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa Diyos. Hikayatin ang mga estudyante na kumilos ayon sa mga impresyong nadama nila ngayon.