Seminary
Mosias 4–6: Buod


“Mosias 4–6: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Mosias 4–6,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Mosias 4–6

Buod

Tinukoy ni Haring Benjamin ang ating hindi perpektong katangian bilang “likas na tao” (Mosias 3:19). Itinuro niya na madaraig natin ito sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ang mga Nephita, na naantig sa mga turo ni Haring Benjamin, ay “napuspos ng kagalakan” at nakadama ng “katahimikan ng budhi” nang sila ay magsisi at tumanggap ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan (Mosias 4:3). Pagkatapos ay itinuro sa kanila ni Haring Benjamin kung paano mapananatili ang mga damdaming ito, at binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paniniwala sa Diyos.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mosias 3:19

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan ang mga estudyante na hingin ang tulong ng Tagapagligtas sa pagdaig sa kanilang nahulog na pagkatao.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Mosias 3:19 at pagnilayan ang kahulugan nito. Maaari mo rin silang anyayahang maghanap ng isang talata o pahayag mula sa isang lider ng Simbahan para mas maunawaan nila ang isang bahagi ng talatang ito.

  • Larawan: Isang lobo

  • Nilalamang ipapakita: Ang listahan ng mga cross-reference

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gumawa sa maliliit na grupo sa mga breakout room upang maghanap ng isa o mahigit pang mga banal na kasulatan para mas maunawaan nila ang Mosias 3:19. Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng isang miyembro ng bawat grupo ang isang talatang nahanap ng kanilang grupo. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gamitin ang chat feature upang ibahagi ang mga banal na kasulatan na nahanap nila upang maisulat ito ng kanilang mga kaklase.

Doctrinal Mastery: Mosias 3:19

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 3:19. Makatutulong din ito sa kanila na maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa passage na ito at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na simulang subukang isaulo ang Mosias 3:19. Ipaliwanag na magbibigay ka ng oras sa klase na isaulo ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan, ngunit makatutulong din sa kanila na sanaying isaulo ang buong talata.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gamitin ang chat feature para magsumite ng iba’t ibang pag-uugali ng likas na tao. Pagkatapos ay hayaang magpasiya ang mga estudyante kung aling pag-uugali ang gagamitin para sa sitwasyon sa “Pagsasabuhay.”

Mosias 4

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung ano ang magagawa nila upang matanggap at mapanatili ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Mosias 4, at alamin kung paano nakaimpluwensya si Jesucristo sa mga tao at ano ang ipinagawa ni Haring Benjamin sa kanyang mga tao matapos silang makatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan.

  • Larawan: Isang taong may dalang mga bag

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Upang masimulan ang lesson, maaari mong gamitin ang whiteboard function upang ipakita ang larawan ng taong may dalang mga bag. Maaaring isulat ng mga estudyante malapit sa mga bag ang ilan sa mga bagay na dala ng mga tao na maaaring gusto nilang itago at ang ilan sa mga bagay na dala ng mga tao na maaaring ayaw nilang itago.

Mosias 4:9–10

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapalakas ang kanilang paniniwala at pagmamahal sa Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na may listahan ng tatlo hanggang limang bagay na pinaniniwalaan nila tungkol sa Diyos.

  • Video:Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin” (17:50; panoorin mula sa time code na 14:17 hanggang 14:56)

  • Mga Materyal: Mga kasalukuyang kopya ng edisyon ng pangkalahatang kumperensya ng Liahona; mga piraso ng papel upang maisulat at maipakita ng mga estudyante ang kanilang mga paniniwala tungkol sa Diyos

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Depende sa laki ng klase, isiping gawin ang circle activity sa Mosias 4:9–10 bilang isang klase, gamit ang whiteboard feature. Bilang alternatibo, maaari ding gumamit ang mga estudyante ng katulad na feature at gumawa nang magkakapartner o sa maliliit na grupo sa mga breakout room upang magawa ang aktibidad na ito. Maaaring kumuha ang mga estudyante ng mga screenshot upang ma-save ang ginawa ng kanilang grupo na babalikan nila kalaunan sa lesson.

Doctrinal Mastery: Mosias 4:9

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 4:9, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na itanong sa pamilya o kaibigan kung bakit nila piniling maniwala sa Diyos.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Upang balikan ang mga turo ni Haring Benjamin sa Mosias 4:9 sa simula ng lesson, maaaring i-type ng mga estudyante sa chat ang maraming bagay na naaalala nila na itinuro ni Haring Benjamin sa kanyang mga tao na paniwalaan nila tungkol sa Diyos sa Mosias 4:9–10.