Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 7: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 7: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 7,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 7

Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage

kabataang nag-iisip nang malalim

Ang isa sa mga pangkalahatang layunin ng doctrinal mastery, at ng lesson na ito sa partikular, ay tulungan kang matutuhan kung paano ipamuhay ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery passage sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Pagtulong sa mga estudyante na mahanap ang mga sagot sa kanilang mga tanong. Hindi responsibilidad ng titser na sagutin ang lahat ng tanong ng estudyante. Tulungan ang mga estudyante na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang sila mismo ang makatuklas ng mga sagot. Hikayatin ang mga estudyante na lubos na bumaling at magtiwala sa Panginoon.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang ilang doctrinal mastery passage na napag-aralan na nila at pag-isipang mabuti kung paano magagamit ang mga passage na iyon sa buhay ng isang tinedyer ngayon.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailangang magturo ng isang doctrinal mastery passage lesson bilang kapalit ng lesson na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng iyong area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Si Jesucristo at ang Kanyang ebanghelyo ay nagpapabago ng buhay

Upang magamit ang mga banal na kasulatan sa ating buhay dapat tayong kumilos ayon sa itinuturo ng mga ito.

Maaari mong ipanood ang sumusunod na video bilang halimbawa kung paano nakakaimpluwensya sa ating buhay ang pamumuhay nang ayon sa mga katotohanan sa banal na kasulatan, o magbahagi ng isang personal na kuwento upang mailarawan ang ideyang ito.

Upang makakita ng halimbawa ng isang dalagita at ng kanyang ama na ipinamumuhay ang mga katotohanang itinuro sa Mosias 3:19, panoorin ang “Tinuturuan Niya Tayong Hubarin ang Likas na Tao” (10:51) mula sa time code na 0:00 hanggang 5:15. Matatagpuan ang video na ito sa ChurchofJesusChrist.org.

2:3

Maaari mong ipagawa sa buong klase ang sumusunod na aktibidad sa pisara at sabihin sa mga estudyante na kumpletuhin ito sa kanilang study journal. Sandaling talakayin ang mga sagot ng mga estudyante.

Gumuhit ng linya sa gitna ng isang pahina ng iyong study journal. Sa itaas ng isang panig, isulat ang “Noon,” at isulat naman sa itaas ng kabilang panig ang “Ngayon.” Mag-isip ng ilang halimbawa ng mga taong kilala mo o mga tao sa mga banal na kasulatan na ang buhay ay napabuti sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasabuhay ng mga katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo na nakapaloob sa mga banal na kasulatan. Sa column na “Noon,” ilista sandali ang mga salita o parirala na naglalarawan kung ano ang kalagayan ng mga tao o kung ano ang ginawa nila bago ipinamuhay ang mga banal na kasulatan. Sa column na “Ngayon,” ilarawan sandali ang mga pagbabagong nagawa nila sa tulong ng Tagapagligtas habang ipinamumuhay nila ang mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan.

  • Paano naging kasangkapan ang mga banal na kasulatan sa pagtulong ng Tagapagligtas sa mga taong iyon na magbago?

Sumulat ng isang sitwasyon tungkol sa isang taong kaedad mo na nakakaranas ng mga hamon o problema na maaaring karaniwan sa mga kabataan sa inyong lugar. Ang sitwasyon ay maaaring totoo o kunwari lang ngunit hindi dapat naglalarawan sa sinumang maaaring kilala ng mga kaklase o titser mo. Isama ang mga detalyeng tulad ng kanyang edad, kasarian, sitwasyon sa pamilya, kung siya ba ay miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, at ilang problema o hamon na kinakaharap niya sa kasalukuyan.

Kapag naisulat na ng mga estudyante ang kanilang sitwasyon, maaaring makatulong sa kanila na maglagay ng kakaibang marka sa papel upang malaman nila na ito ay sa kanila. Pagkatapos ay maaari silang makipagpalitan sa isa pang estudyante sa klase. Bilang alternatibo, maaari ding ipasa ng lahat ng estudyante ang kanilang mga papel. Maaari mong paghalu-haluin ang mga papel at pagkatapos ay muling ipamigay ang mga ito upang magkaroon ang bawat estudyante ng isang sitwasyon na isinulat ng isang kaklase.

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan at marahil ay isulat ang kanilang mga sagot sa mga sumusunod na tanong batay sa sitwasyong natanggap nila mula sa isang kaklase o batay sa sarili nilang sitwasyon kung hindi sila nakipagpalitan.

  • Dahil sa mga sitwasyong nararanasan ng kabataang ito at sa mga problemang kinakaharap niya, ano ang ilan sa mga tanong na maaaring mayroon siya at mga emosyon na maaaring nararanasan niya? Bakit?

  • Ano ang alam mo tungkol sa nadarama ng Tagapagligtas tungkol sa kanya at kung paano Niya siya matutulungan?

Pag-unawa at pagsasabuhay ng mga banal na kasulatan

Rebyuhin ang sumusunod na mga doctrinal mastery passage mula sa unang kalahati ng Aklat ni Mormon, at maghanap ng mga passage na sa palagay mo ay maaaring maging kapaki-pakinabang na maunawaan at maipamuhay ng kabataan sa iyong sitwasyon.

Ipakita o ibigay sa mga estudyante ang sumusunod na chart.

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Scripture Reference

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Scripture Reference

2 Nephi 28:30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Scripture Reference

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Scripture Reference

Mosias 2:41

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Scripture Reference

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Scripture Reference

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Scripture Reference

Mosias 18:8–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”

Ipakita ang mga sumusunod na tagubilin, at sabihin sa mga estudyante na kumpletuhin ang aktibidad sa papel na natanggap nila mula sa kanilang kaklase o sa sarili nilang papel kung hindi sila nakipagpalitan.

Sumulat ng maikling liham upang matulungan ang taong ito sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Isama ang sumusunod:

  • Kahit isang doctrinal mastery passage mula sa chart sa itaas at iba pang makatutulong na mga scripture passage, pati na ang mga katotohanan mula sa mga passage na sa palagay mo ay makatutulong sa kabataang ito.

  • Ilang paraan kung paano niya maipamumuhay ang mga katotohanang iyon at kung anong mga pagpapala ang maaari niyang matanggap mula sa Ama sa Langit kapag ginawa niya ito. Maaaring makatulong na magbahagi ng isang halimbawa kung paano mo ipinamuhay, o ng isang taong kilala mo, o ng isang tao sa mga banal na kasulatan, ang mga katotohanang iyon at ang mga pagpapalang kasunod nito.

  • Paano matutulungan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang kabataan na ipamuhay ang mga katotohanang ito.

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na itaas ang kanilang mga liham at ilagay ang mga ito sa sahig kung saan makikita ang mga ito. Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang papel na naglalaman ng kanilang sitwasyon at basahin ang sagot na ibinigay ng kanilang kaklase. Kung may oras pa, maaaring pumili ang mga estudyante ng isa pang doctrinal mastery passage na angkop sa sitwasyong ginawa nila. Kapag tapos na sila, sabihin sa kanila na ibahagi ang natutuhan nila sa aktibidad na ito. Sabihin sa kanila na magbahagi ng mga paraan na nadama nila ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo habang ginagawa nila ang aktibidad. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung ano ang gusto nilang ipamuhay batay sa natutuhan at nadama nila sa lesson na ito.