Seminary
Mosias 11–17: Buod


“Mosias 11–17: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Mosias 11–17,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Mosias 11–17

Buod

Isinugo ng Panginoon si Abinadi na may hatid na mensahe para kay Haring Noe at sa kanyang mga tao na magsisi at iwasan ang pagdurusang maaaring dumating dahil sa kanilang masamang pag-uugali. Itinuro ni Abinadi kay Noe at sa kanyang mga saserdote ang tungkol sa ginagampanan ni Jesucristo sa kanilang kaligtasan at ang kahalagahan ng nakasulat ang mga kautusan ng Diyos sa kanilang puso. Bagama’t handa na siyang patayin ni Haring Noe, alam ni Abinadi na tutulutan siya ng Diyos na tapusin ang mensaheng ipinahatid sa kanya. Si Alma, isa sa mga saserdote ni Haring Noe, ay naniwala kay Abinadi. Matapos ibigay ang kanyang mensahe at patotoo tungkol kay Jesucristo, pinatay si Abinadi.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mosias 11–17

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong na mapatindi ang hangarin ng mga estudyante na tanggapin ang mga propeta ng Panginoon at kumilos ayon sa mga paanyayang ibinibigay nila mula sa Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng maikling listahan ng mga paanyayang narinig nila na ibinigay ng mga propeta kamakailan. Sabihin sa kanila na pumasok sa klase na handang ibahagi kung paanong ang mga paanyayang ito ay katibayan ng pagmamahal at pagmamalasakit ng Panginoon sa kanila.

  • Mga Video:Isinalaysay ni Alma ang Kasamaan ni Haring Noe” (2:26); “Ang Pagmamahal ng Diyos” (13:11; panoorin mula sa time code na 6:35 hanggang 7:04); “Nagdanas ng Kamatayan si Abinadi dahil sa Kanyang Pananampalataya” (4:28)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari kang magpakita ng digital na bersiyon ng mga banal na kasulatan. Markahan ang paulit-ulit na pariralang “maliban kung magsisisi sila” sa Mosias 11:20–25 at ipakita sa mga estudyante ang isang halimbawa kung paano markahan ang paulit-ulit na mga parirala sa mga banal na kasulatan.

Mosias 12–13

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas masunod si Jesucristo habang isinusulat nila ang mga kautusan sa kanilang puso.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaaring hilingin ng mga estudyante sa isang kapamilya o kaibigan na magbahagi ng isang karanasan kung saan ang isang kautusan ay naging personal na makabuluhan sa kanila.

  • Video:Si Abinadi ay Nagpatotoo sa Harapan ni Haring Noe at ng mga Saserdote Nito” (4:35)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag hiniling sa mga estudyante na tukuyin ang bawat isa sa Sampung Utos, maaari mong sabihin sa kanila na ilista ang mga kautusan sa chat para malaman kung maaalala nila lahat ang 10 bilang isang klase.

Mosias 14–16

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang kahalagahan ng pagkilala kay Jesucristo bilang nag-iisang makatutubos sa atin mula sa kasalanan at kamatayan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung alin sa mga tungkulin at titulo ni Jesucristo ang pinakamakabuluhan sa kanila at bakit.

  • Video: Pagtubos” (15:21; panoorin mula sa time code na 0:59 hanggang 1:44)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong pagpangkat-pangkatin ang mga estudyante sa mga breakout room at italaga sa bawat grupo ang isa sa tatlong study prompt sa lesson. Maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang mga talatang nakatalaga sa kanila at maghandang ibahagi ang natutuhan nila sa buong klase.

I-assess ang Iyong Pagkatuto 4

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila sa pag-aaral nila ng Aklat ni Mormon.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na kausapin ang isang magulang o kaibigan tungkol sa ginagawa ng mga propeta at kung paano sila naimpluwensyahan o napagpala ng mga propeta.

  • Aytem na ipapakita: Isang halimbawa ng mind map

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong pagpangkat-pangkatin ang mga estudyante sa mga breakout room. Maaaring magsalitan ang mga estudyante sa pagpapaliwanag ng tungkulin ng mga propeta sa kanilang grupo. Isa pang opsiyon ay gumawa ng isang dula-dulaan kung saan magtatanong ang ilang estudyante at ang iba pang mga estudyante ay magtuturo ng mga katotohanan tungkol sa mga propeta.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 8

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang isa o mahigit pang scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa unang 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magdala o maghandang ilarawan ang kanilang paboritong larawan ni Jesucristo at ibahagi kung ano ang ipinapaalala nito sa kanila tungkol sa Kanya.

  • Mga Larawan: Mga larawan ng Tagapagligtas

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Habang nagdodrowing, maaari mong sabihin sa mga estudyante na i-mute ang kanilang mga mikropono at patayin ang kanilang mga camera. Bigyan sila ng 10–15 minuto para makapagdrowing sa papel o gamit ang software sa kanilang device. Maaari kang magpatugtog ng mga awitin ng The Tabernacle Choir at Temple Square o iba pang musikang espirituwal na nakapagpapasigla. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na buksan muli ang kanilang mga mikropono at kamera at ibahagi ang kanilang mga drowing.