Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 8: Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 8: Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 8,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 8

Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

si Cristo na tumutulong sa mga tao

Ang pagsasaulo sa mga scripture passage at sa itinuturo ng mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maisaulo ang isa o mahigit pang scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa unang 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.

Paggamit ng gawang-sining at iba pang mga larawan. Ang isang paraan upang matulungan ang mga estudyante na maalala ang mga kuwento, doktrina, at alituntunin ng ebanghelyo ay sa paggamit ng mga larawan, kasama na ang mga gawang-sining at graphics. Sabihin sa mga estudyante na isaalang-alang ang nadarama at naiisip nila habang tinitingnan nila ang mga larawan.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na magdala o maging handa na ilarawan ang kanilang paboritong larawan ni Jesucristo at ibahagi kung ano ang ipinapaalala nito sa kanila tungkol sa Kanya.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailangang ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson kapag may klase sa seminary.

Mga larawan at alaala

Kung nakumpleto ng mga estudyante ang paghahanda ng estudyante, sabihin sa kanila na ibahagi ang larawang dinala nila at ang kanilang mga iniisip. Maaari mo rin silang bigyan ng ilang minuto upang maghanap ng larawan sa isang electronic device, kung mayroon sila nito. Bilang alternatibo, magdispley ng mga larawan ng Tagapagligtas at sabihin sa mga estudyante na sagutin ang sumusunod na tanong.

si Cristo matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli
si Jesus na magiliw na nakahawak sa isang bata
sinagip ni Jesus ang isang korderong naligaw
  • Ano ang ilang bagay na maaari nating matutuhan tungkol kay Jesucristo mula sa nakikita natin sa mga larawang ito?

Ang mga larawan ay makatutulong sa atin na maalala ang mahahalagang pangyayari o katotohanan. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong gumamit ng mga larawan upang matulungan kang maisaulo ang scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa isa o mahigit pang doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.

Ang unang 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon ay nakalista sa ibaba. Maaari mong markahan ang mga passage na ito at ang mahahalagang parirala ng mga ito.

Ipakita ang sumusunod na chart upang magamit ito ng mga estudyante sa buong lesson.

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Scripture Reference

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Scripture Reference

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Scripture Reference

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Scripture Reference

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”

Pag-uugnay ng mga larawan sa mga turo ng ebanghelyo

Pag-aralan ang mga sumusunod na scripture reference at sikaping maalala ang mahahalagang parirala ng mga ito. Gamitin ang chart sa itaas kung kailangan. Pagkatapos, itugma ang bawat scripture reference sa larawan na pinakamahusay na naglalarawan sa itinuturo sa scripture passage.

Maaari kang magdispley ng iba’t ibang larawan na maaaring nauugnay sa mga sumusunod na passage at sabihin sa mga estudyante na piliin ang mga larawang pinakanauugnay sa kanila at ipaliwanag kung bakit. Bilang alternatibo, sabihin sa mga estudyante na maghanap sa Church Media Library ng mga larawan na tutulong sa kanila na maalala ang mga katotohanan sa mga sumusunod na scripture passage.

  1. 2 Nephi 26:33

  2. 2 Nephi 32:8–9

  3. Mosias 2:17

kabataang nagdarasal
mga kabataang naglilingkod
si Cristo na may kasamang mga bata

Magdrowing ng isang larawan

Ang sumusunod na aktibidad ay maaaring gawin nang mag-isa, nang may kapartner, o sa maliliit na grupo. Maaari kang gumawa ng halimbawa ng drowing na ipapakita sa klase, pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng sarili nila.

Pumili ng doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan na gusto mong mas maalala. Magdrowing ng isang larawan na tutulong sa iyo na maalala ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan, at isama ang reperensya. Ang larawan mo ay maaaring isang tagpo, o maaari itong maglaman ng iba’t ibang larawan upang isalarawan ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Halimbawa, ang sumusunod na paglalarawan ay makatutulong sa iyo na maalala ang 2 Nephi 2:25: “Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.” Kung may oras ka, maaari kang gumawa ng isang bagay na makatutulong sa iyo na maisaulo ang buong scripture passage na pinili mo.

paglalarawan ng mahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa 2 Nephi 2:25

Hayaang ibahagi ng mga estudyante ang kanilang mga larawan nang magkakapartner, sa maliliit na grupo, o sa klase. Sabihin sa kanila na ipaliwanag kung paano makatutulong sa kanila ang larawan na maalala ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng pagkakataong ibahagi ang kanilang larawan sa kanilang pamilya o kaibigan. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na tanong upang matulungan sila na mapalalimin ang kanilang pag-unawa sa scripture passage na pinili nila.

  • Ano ang ipinauunawa sa iyo ng passage na ito tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo?

  • Paano makatutulong sa iyo ang pag-alaala sa passage na ito upang makaalaala ka o maging higit na katulad ka ng Tagapagligtas?

  • Ano ang isang karanasan mo o ng iba na may kaugnayan sa doktrina na nasa scripture passage na ito?