“Mosias 18–24: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Mosias 18–24,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Mosias 18–24
Buod
Tinuruan ni Alma ang kanyang mga tao sa mga Tubig ng Mormon tungkol sa tipang ginagawa natin sa Diyos kapag tayo ay bininyagan. Samantala, matapos tanggihan si Abinadi, si Haring Noe at ang kanyang mga tao ay nawalan ng mga pagpapala ng kaligtasan at nakaranas ng matinding pagdurusa. Inilarawan sa Mosias 21–24 ang mga karanasan ng mga tao ni Limhi at ng mga tao ni Alma, na kapwa nakaranas ng mahihirap na hamon. Ang mga grupong ito ay bumaling sa Panginoon para sa lakas at kaligtasan mula sa pagkabihag.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Mosias 18
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang tipan sa binyag at kung paano ito makakaimpluwensya sa kanilang kaugnayan sa Diyos at sa iba.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magdala sa klase ng isang litrato o journal entry noong araw na binyagan sila. Maaari din nilang itanong sa ibang naroon kung ano ang naaalala nila. Sinumang hindi pa nabinyagan ay maaaring dumating sa klase na handang magbahagi ng mga naisip at nadama nila habang dumadalo sa binyag o mga tanong na maaaring mayroon sila tungkol sa binyag.
-
Video: “Mga Matang Makakakita” (9:44; panoorin mula sa time code na 4:55 hanggang 6:53)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Bago magklase, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magbigay sa iyo ng litratong kuha sa araw ng kanilang binyag. Idispley ang mga litratong ito upang simulan ang klase, at sabihin sa mga estudyante na subukang tukuyin kung kanino ang mga litratong ito. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga alaala at nadama nila noong araw ng kanilang binyag.
Doctrinal Mastery: Mosias 18:8–10
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 18:8–10, maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa mga talatang iyon, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga makatotohanang sitwasyon gamit ang scripture passage na ito.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na subukang isaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 18:8–10.
-
Nilalamang ipapakita: Ang mahalagang parirala para sa Mosias 18:8–10, na nakasulat sa pisara nang hindi ayon sa pagkakasunud-sunod nito o nakasulat sa magkakahiwalay na piraso ng papel at inilagay sa pisara nang hindi ayon sa pagkakasunud-sunod nito
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong ipakita ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman bilang mga heading sa isang dokumento na maaaring i-edit ng mga estudyante. Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntuning ito sa pamamagitan ng pag-type ng naaalala nila tungkol sa bawat alituntunin sa ilalim ng heading nito.
Mosias 19–20
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magkaroon ng mas malaking hangarin na makinig sa mga babala at turo ng mga propeta ng Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang halimbawa mula sa mga banal na kasulatan o sa sarili nilang buhay na sumusuporta sa sumusunod na pahayag. Hikayatin sila na pumasok sa klase na handang ibahagi ang kanilang halimbawa. “Makikita sa kasaysayan na may kaligtasan, kapayapaan, kaunlaran, at kaligayahan sa pagsunod sa payo ng propeta” (M. Russell Ballard, “His Word Ye Shall Receive,” Ensign, Mayo 2001, 65).
-
Mga Larawan: Mga larawan ng mga bagay o kagamitang pangkaligtasan; isang larawan ni Abinadi sa harapan ni Haring Noe; ang diagram ng mga paglalakbay sa pagitan ng Zarahemla at ng lupain ng Nephi
-
Materyal sa pag-aaral: Mga kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet, 2011) para sa mga estudyanteng hindi ma-access ang buklet sa isang electronic device
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sa simula ng klase, sabihin sa mga estudyante na maghanap sa kanilang tahanan ng isang bagay na ginawa upang panatilihin silang ligtas. Sabihin sa kanila na ipakita ang bagay na iyon sa klase.
Mosias 21–24, Bahagi 1
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan ang mga estudyante na makadama ng ibayong tiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kapag dumaranas sila ng mga pagsubok at paghihirap sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaaring anyayahan ang mga estudyante na isipin ang isang pagsubok o hamon noon na nakatulong sa kanila na makaranas ng pag-unlad o mas mapalapit sa Panginoon. Hikayatin ang mga estudyante na dumating na handang ibahagi ang natutuhan nila o kung paano sila naimpluwensyahan ng pagsubok na ito sa positibong paraan.
-
Mga Item: Isang backpack at ilang mabigat na bagay na ilalagay rito
-
Larawan: Ang diagram ng mga paglalakbay sa pagitan ng Zarahemla, lupain ng Nephi, mga Tubig ng Mormon, at lupain ng Helam
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sa bahaging “Bakit tinutulutan ng Panginoon ang mga pagsubok,” pag-isipang anyayahan ang kalahati ng klase na pag-aralan ang mga talata tungkol sa mga tao ni Limhi at ang natitirang kalahati ng klase na pag-aralan ang mga talata tungkol sa mga tao ni Alma. Gumamit ng mga breakout room upang matalakay ng mga estudyante ang natutuhan nila, at itanong sa bawat grupo ang mga follow-up na tanong.
Mosias 21–24, Bahagi 2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay ginawa para tulungan ang mga estudyante na umasa sa Ama sa Langit at kay Jesucristo upang matulungan sila sa kanilang mga pagsubok.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaaring kausapin ng mga estudyante ang isang kapamilya tungkol sa isang pagsubok o paghihirap na naranasan ng kapamilyang ito at ang mga paraan kung paano siya pinalakas ng Panginoon upang matiis ito.
-
Larawan: Ang diagram ng mga paglalakbay sa pagitan ng Zarahemla, lupain ng Nephi, mga Tubig ng Mormon, at lupain ng Helam
-
Handout: “Mosias 21–24: Lakas at Kaligtasan”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag natapos nang punan ng mga estudyante ang chart, maaari mong gamitin ang whiteboard function o i-share sa kanila ang iyong screen upang maipakita nila ang kanilang mga paboritong parirala mula sa mga banal na kasulatan na pinag-aralan nila.