Pagbaling sa Panginoon para sa Kaligtasan mula sa mga Paghihirap
Paano ka tumutugon kapag dumaranas ka ng mga pagsubok at paghihirap? Sa iyong palagay, bakit mas lumalapit ang ilang tao sa Panginoon samantalang ang iba ay lumalayo sa Kanya? Sa Mosias 21–24, nalaman natin na ang mga tao ni Limhi at ang mga tao ni Alma ay bumaling sa Panginoon para sa lakas at kaligtasan mula sa pagkabihag. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang magtiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo upang matulungan ka sa iyong mga pagsubok.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagtugon sa mga pagsubok
Sa nakaraang lesson, inanyayahan kang isipin ang isang pagsubok na nararanasan o naranasan mo. Maaaring natutuhan mo ang ilang katotohanan sa iyong pag-aaral ng Mosias 21–24 na nakatulong sa iyo na maunawaan kung bakit tinutulutan ng Panginoon na makaranas ka ng mga pagsubok. Ngayon, isiping muli ang iyong mga pagsubok, ngunit sa pagkakataong ito ay isipin kung paano mo tinugon ang mga ito. Maaari mong isulat ang mga balakid o tagumpay na naranasan mo at ang mga paraan kung paano mo nadama ang impluwensya o mga pagpapala ng Panginoon.
Ang kapangyarihang magligtas ng Panginoon
Maaaring naaalala mo na pinag-aralan mo ang tungkol sa mga tao ni Limhi (sa lupain ng Nephi) at mga tao ni Alma (sa lupain ng Helam). Kapwa sila nakaranas ng mahihirap na pagsubok habang bihag ng mga Lamanita. Ang larawang ito ay naglalarawan ng kanilang mga paglalakbay sa Mosias 21–24.
Ngayon, malalaman mo kung paano iniligtas ng Panginoon ang dalawang grupo ng mga tao mula sa pagkaalipin at patungo sa lupain ng Zarahemla. Sa iyong pag-aaral, isaisip ang iyong mga pagsubok at maghanap ng mga katotohanan na tutulong sa iyo na matukoy ang mga paraan kung paano ginagamit ng Panginoon ang Kanyang kapangyarihang magligtas sa iyong buhay.
Mosias 21–24: Lakas at Kaligtasan
Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)—“Mosias 21–24, Bahagi 2: Pagbaling sa Panginoon para sa Kaligtasan mula sa mga Paghihirap”
Mga Tao ni Limhi Mosias 21:13–16, 36; 22:1–13; 29:18–20
Mga Tao ni Alma Mosias 23:25–29; 24:8–25
Ano ang mga ginawa ng mga tao upang matanggap ang tulong ng Panginoon?
Paano tumulong ang Panginoon sa kanilang kaligtasan?
Ano ang ilang paboritong parirala na dapat tandaan mula sa mga talatang ito?
Ano ang ilan sa mga ginawa ng mga tao upang matanggap ang tulong ng Panginoon?
Ano ang natutuhan mo tungkol sa Panginoon at sa Kanyang kapangyarihan nang pag-aralan mo ang mga salaysay na ito?
Ano ang paboritong parirala ang natukoy mo mula sa isa sa mga talatang pinag-aralan mo?
Pagkilala at pagkagalak sa kapangyarihan ng Panginoon
Kabilang sa maraming katotohanan na matututuhan natin mula sa mga talatang ito, maaaring napansin mo sa iyong pag-aaral na kapag bumaling tayo sa Kanya, tutulungan tayo ng Ama sa Langit sa ating mga pagsubok at ililigtas tayo sa Kanyang panahon (tingnan sa Mosias 21:14–16). Natutuhan din natin na kapag malugod at matiyaga nating tinitiis ang ating mga pagsubok, mapapalakas tayo ng Panginoon upang makaya natin ang ating mga pasanin nang may kagaanan (tingnan sa Mosias 24:15).
Paano makakaimpluwensya ang kaalaman mo sa mga bagay na ito tungkol sa Panginoon sa pagtugon mo sa iyong mga pagsubok?
Paano nagbigay ang Panginoon ng suporta at lakas sa iyo, o sa isang taong kakilala mo, upang matiis ang isang pagsubok o makaya ang isang pasanin? Paano nakaimpluwensya ang karanasang ito sa iyong nadarama para sa Kanya?
ChurchofJesusChrist.org
4:17
Ang mga susunod mong hakbang
Pag-isipan ang natutuhan mo ngayon na makatutulong sa iyo sa mga pagsubok na kinakaharap mo.
Magdagdag ng bagong column sa chart na ginawa mo kanina sa lesson at lagyan ng label na “Ako” ang itaas na hanay ng column na ito. Pagkatapos ay kumpletuhin ang iyong bagong column sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong. (Kung wala kang espasyo upang gumawa ng bagong column, sagutin ang mga tanong sa ibang pahina ng iyong study journal.)
Anong mga hakbang ang magagawa mo upang makatanggap ng karagdagang tulong ng Panginoon sa iyong mga pagsubok?
Ano ang natutuhan mo tungkol sa Panginoon ngayon na makatutulong sa iyo na maunawaan ang uri ng tulong o lakas na maibibigay Niya sa iyo?
Anong mga salita o parirala mula sa mga talatang pinag-aralan mo ang sa palagay mo ay maiuugnay sa iyong kalagayan? Bakit?