Seminary
Mosias 18: Ang Tipan sa Binyag


“Mosias 18: Ang Tipan sa Binyag,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Mosias 18,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Mosias 18

Ang Tipan sa Binyag

tinedyer na binibinyagan

Ang ilang desisyon ay napakahalaga na maaari nitong maapektuhan ang lahat ng iba pang bagay sa ating buhay. Ang pakikipagtipan sa Diyos sa pamamagitan ng ordenansa ng binyag ay isa sa mga desisyong iyon. Tinuruan ni Alma ang kanyang mga tao sa mga tubig ng Mormon tungkol sa tipang ginagawa natin sa Diyos kapag tayo ay bininyagan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang tipan sa binyag at kung paano ito makakaimpluwensya sa iyong kaugnayan sa Diyos at sa iba.

Tulungan ang mga estudyante na matuklasan ang kaugnayan. Kapag nakikita ng mga estudyante kung paano nauugnay ang salita ng Diyos sa mga banal na kasulatan sa sarili nilang mga sitwasyon at kalagayan, sila ay karaniwang mas nahihikayat na matuto at ipamuhay ang mga turo ng ebanghelyo. Ang isang paraan upang matulungan ang mga estudyante na makita ang kaugnayan ay magtanong sa kanila ng tulad ng “Paano maitutulad ang pangyayari o turong ito sa inyong mga karanasan?” o “Paano naaangkop ang katotohanang ito sa inyong buhay?”

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magdala sa klase ng isang litrato o journal entry noong araw na binyagan sila. Maaari din nilang itanong sa ibang naroon kung ano ang naaalala nila.

Sinumang hindi pa nabinyagan ay maaaring dumating sa klase na handang magbahagi ng mga naisip at nadama nila habang dumadalo sa binyag o mga tanong na maaaring mayroon sila tungkol sa binyag.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang iyong binyag

Upang masimulan ang iyong pag-aaral ngayon, isipin ang iyong binyag at sikaping alalahanin ang mga detalye noong araw na iyon. Kung hindi ka pa nabibinyagan, pagnilayan ang nalalaman mo tungkol sa binyag o kung ano ang naaalala mo sa pagdalo sa isang binyag.

Kung nagdala ang mga estudyante ng mga litrato tulad ng iminungkahi sa paghahanda ng estudyante, maaari mong idispley ang mga ito at anyayahan ang klase na subukang tukuyin kung kaninong mga litrato ang mga ito. Pagkatapos ay maaari mong anyayahan ang mga boluntaryo na ibahagi ang naaalala nila tungkol sa kanilang binyag. Ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong sa mga estudyante na maalala at matalakay ang kanilang damdamin tungkol sa binyag.

  • Ano ang mga paborito mong alaala noong araw na iyon? Ano ang naramdaman mo?

  • Paano nakaimpluwensya ang desisyon mong magpabinyag sa iyong kaugnayan sa Diyos at sa ibang tao?

itinuturo ni Alma ang mga salita ni Abinadi

nagpapatotoo si Abinadi sa harapan ni Noe

Ang Mosias 18 ay naglalaman ng salaysay ni Alma, na dating isa sa mga saserdote ni Haring Noe, na nagtuturo ng mga salita ni Abinadi sa iba. Napilitan si Alma na magturo nang palihim dahil hangad ni Haring Noe na patayin siya dahil naniwala siya sa patotoo ni Abinadi tungkol kay Jesucristo.

Basahin ang Mosias 18:1–7, at alamin ang itinuro ni Alma sa mga tao.

  • Ano ang itinuro ni Alma tungkol sa Tagapagligtas matapos marinig ang patotoo ni Abinadi?

  • Sa iyong palagay, bakit pinili ni Alma na ituro ang ginawa niya sa mga talatang ito?

Ang tipan sa binyag

Matapos ituro sa mga tao ang tungkol sa pagtubos sa pamamagitan ni Jesucristo, itinuro ni Alma ang kahalagahan ng binyag. Matututuhan natin mula sa kanyang mga turo na kapag nabinyagan tayo, nakikipagtipan tayo sa Diyos. Habang patuloy mong pinag-aaralan ang mga turo ni Alma, isipin ang nalalaman mo tungkol sa tipang ginagawa natin sa binyag at pinaninibago sa tuwing tumatanggap tayo ng sakramento, gayundin ang anumang tanong na maaaring mayroon ka. Mapanalanging hangarin na mas maunawaan kung paano makakaimpluwensya ang tipang ito sa iyong kaugnayan sa Diyos at sa iba.

Ipinaliwanag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol kung ano ang tipan:

Ang tipan ay isang kasunduan sa pagitan ng Diyos at ng tao, isang kasunduan na ang mga kundisyon ay Diyos ang nagtakda (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Tipan,” 248–49). Sa mga banal na kasunduang ito, inoobliga ng Diyos ang Kanyang sarili na suportahan, pabanalin, at dakilain tayo kapalit ng ating pangakong paglingkuran Siya at sundin ang Kanyang mga utos. (D. Todd Christofferson, “Ang Kapangyarihan ng mga Tipan,” Liahona, Mayo 2009, 20)

Para sa sumusunod na aktibidad sa pag-aaral, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magpartner-partner. Sabihin sa isang kapartner na alamin ang ipinapangako natin kapag bininyagan tayo at sabihin sa isa pa na hanapin ang mga pagpapalang ibibigay sa atin ng Ama sa Langit. Pagkatapos ay anyayahan silang ibahagi sa isa’t isa ang nalaman nila.

Sa Mosias 18:8–10, inilarawan ni Alma ang tipan sa binyag. Basahin ang Mosias 18:8–10 at maaari mong markahan ang ipinapangako nating gawin kapag bininyagan tayo at, sa ibang kulay o estilo, markahan ang mga pagpapalang ibibigay sa atin ng Ama sa Langit.

Ang Mosias 18:8–10 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan upang madali mong mahanap ang mga ito. Magkakaroon ka ng pagkakataon sa susunod na lesson na magamit ang doktrinang itinuro sa passage na ito sa isang tanong o sitwasyon.

Maaari kang gumawa ng dalawang column sa pisara at isulat mo ang “Nakikipagtipan tayo na …” sa itaas ng isang column at “Ang Diyos ay magbibigay ng …” sa itaas ng isa pang column. Sabihin sa mga estudyante na pumunta sa pisara at isulat ang nalaman nila mula sa Mosias 18:8–10.

  • Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “makidalamhati sa mga yaong nagdadalamhati” at “aliwin yaong mga nangangailangan ng aliw”? (talata 9).

  • Ano ang ilang paraan na tayo ay maaaring “tumayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar”? (talata 9). Sino ang kilala ninyo na mabuting halimbawa ng paggawa nito?

  • Paano ninyo nakita na pinagpapala kayo ng Diyos o ang iba ng mga pangakong ibinigay Niya sa atin sa pamamagitan ng binyag?

Pagtupad sa iyong tipan sa binyag

Ang natitirang bahagi ng lesson ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano tuparin ang mga pangako sa binyag na inilarawan ni Alma sa Mosias 18:8–10.

Ang sumusunod na video ay magagamit upang magpakita ng mga halimbawa. Sabihin sa mga estudyante na abangan at ibahagi ang mga parirala mula sa talata 8–10 na nakita nilang ipinakita sa video. (Ang video ay matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.) Pagkatapos ay maaaring lumapit ang mga estudyante upang salungguhitan ang isang pahayag sa pisara na sa palagay nila ay ipinakita sa video. Pagkatapos ay maaari mong itanong sa kanila kung bakit nila pinili ang pahayag na iyon.

  • 4:56

    No Cussing Club

    One boy’s crusade to encourage clean language has far-reaching effects.

  • Mga Matang Makakakita” (mula sa time code na 4:55 hanggang 6:53)

    9:44

    Mga Matang Makakakita

    Itinuro ni Sister Craig na sa tulong ng Espiritu Santo matututuhan nating makita ang iba at ang ating sarili at ang iba na gaya ng pagkakita ng Tagapagligtas sa atin.

  • 3:8

    Mga Binti ni Dayton

    Isang 13-anyos na batang lalaki sa Arizona ang tumupad ng kanyang Tungkulin sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng kanyang makakaya para makasali sila sa triathlon ng kanyang kaibigang may cerebral palsy.

Pumili ng kahit isa sa mga pangakong ginagawa natin sa binyag na ibinahagi ni Alma sa Mosias 18:8–10. Halimbawa, maaari mong piliin ang “magpasan ng pasanin ng isa’t isa” (talata 8) o “susundin ang kanyang mga kautusan” (talata 10).

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong at bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras na mapag-isipan ang kanilang mga sagot. Pagkatapos ay anyayahan sila na ibahagi ang kanilang mga sagot at iba pang pananaw sa maliliit na grupo.

  • Ano ang ilang paraan na matutupad ng isang tinedyer ang pangakong iyon?

  • Sa iyong palagay, bakit isinama iyon ng Ama sa Langit bilang bahagi ng ating tipan sa binyag?

  • Paano ipinakita mismo ng Tagapagligtas kung paano tuparin ang pangakong iyon?

  • Kailan mo tinupad o kailan tinupad ng isang taong kilala mo ang pangakong iyon? Ano ang natutuhan mo sa mga karanasang iyon?

Maglaan ng oras na isulat sa iyong journal kung gaano mo natutupad, sa iyong palagay, ang mga pangako sa binyag na ibinahagi ni Alma sa Mosias 18:8–10. Paano mo matagumpay na natupad ang ilan sa mga pangakong ito? Sa anong mga sitwasyon mo mas natutupad ang isa sa mga ito? Sa iyong palagay, paano ito makakaapekto sa iyong kaugnayan sa Panginoon at sa ibang tao kung gagawin mo ito?