Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 6: Alma 17–Alma 52


“I-assess ang Iyong Pagkatuto 6: Alma 17–Alma 52,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“I-assess ang Iyong Pagkatuto 6,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

I-assess ang Iyong Pagkatuto 6

Alma 17Alma 52

dalagitang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral kamakailan ng Aklat ni Mormon.

Tulungan ang mga estudyante na matutong pahalagahan ang pag-assess sa sarili o self-assessment. Ang regular at palagiang self-assessment ay makatutulong sa mga estudyante na makita kung paano sila nagiging higit na katulad ng Tagapagligtas. Sabihin sa mga estudyante na mapanalanging pag-isipan ang nalalaman nila at ang nadarama nila tungkol kay Jesucristo. Hikayatin sila na taimtim na suriin ang kanilang progreso at pag-isipan ang mga pagbabagong magagawa nila habang sinisikap nilang ipamuhay ang Kanyang ebanghelyo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang ibahagi ang natutuhan nila o ang mga paraan na umunlad sila sa espirituwal nitong nakaraang ilang linggo. Maaaring makatulong na pabalikan sa mga estudyante ang kanilang study journal o mga tala sa kanilang mga banal na kasulatan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagsukat sa pag-unlad

  • Para saan ginagamit ang mga sumusunod na kasangkapan?

Maaari kang magpakita ng mga larawan ng mga sumusunod na kasangkapan o kaya, kung posible, maaari mong dalhin ang ilan sa mga bagay na ito.

oral thermometer
kagamitang pangkuha ng presyon ng dugo
timbangan
  • Paano naging mahalaga at importante ang bawat isa sa mga kasangkapang ito?

Kung mahalagang sukatin ang pisikal na kalusugan at paglaki, mahalaga ring suriin ang iyong espirituwal na kalusugan at pag-unlad. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong gawin ito.

Tulungan ang mga estudyante na pag-isipan ang kanilang espirituwal na pag-unlad kamakailan sa pamamagitan ng pagtatanong ng tulad ng mga sumusunod. Maaari mong ipakita ang mga tanong na ito at sabihin sa mga estudyante na isulat ang kanilang mga sagot sa kanilang study journal bago ibahagi ang kanilang mga sagot sa klase.

  • Ano ang natutuhan mo kamakailan na ipinagpapasalamat mo?

  • Anong mga pagbabago ang napansin mo sa iyong damdamin at pag-uugali nitong mga nakaraang araw?

  • Ano ang ilang paraan na nagamit mo ang natutuhan mo?

Gawin ang mga sumusunod na aktibidad para masuri ang iyong espirituwal na pag-aaral at pag-unlad. Pag-isipang hilingin sa Ama sa Langit na tulungan kang matukoy ang progresong nagawa mo at ang mga bagay na maaaring kailangan mong pagbutihin pa.

Ang pag-aaral ng iyong klase ng Alma ay maaaring nakapagbigay-diin sa iba pang mga katotohanan maliban pa sa mga yaong na-assess sa mga sumusunod na aktibidad. Iangkop ang mga sumusunod na aktibidad para maisama ang mga katotohanang binigyang-diin mo. Tandaan na hindi kailangang talakayin ang lahat ng ideya sa lesson na ito o isa-isahin ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagkakasulat ng mga ito.

Ipaliwanag ang mahahalagang katotohanan tungkol sa plano ng kaligtasan at sa tungkilin ni Jesucristo

Ang bahaging ito ng lesson ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maipaliwanag ang mga aspeto ng plano ng kaligtasan at ang tungkulin ni Jesucristo mula sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan kamakailan. Iangkop ang sumusunod sa paraang makatutulong sa mga estudyante na mapag-isipang mabuti at maipaliwanag ang natutuhan nila batay sa kung paano o ano ang itinuro mo.

Mula sa pag-aaral mo ng Alma, maaaring may natutuhan kang ilang bagay na makatutulong sa iyo na mas maipaliwanag ang mga katotohanan tungkol sa plano ng kaligtasan at sa tungkulin ni Jesucristo.

Pumili ng isa sa mga sumusunod na aktibidad na gagawin.

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na sitwasyon at tanong para masagot ng mga estudyante.

Aktibidad 1: Ang plano ng kaligtasan

Isipin kunwari na isa sa mga kaibigan mo ang may mahal sa buhay na pumanaw kamakailan.

  • Kung iisipin ang ilan sa mga katotohanan mula sa iyong pag-aaral kamakailan, ano ang maibabahagi mo sa iyong kaibigan tungkol sa plano ng kaligtasan? Paano ito makatutulong sa kanya? (Tingnan sa Alma 11; 12; 40.)

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong, maaari mong patingnan sa kanila ang mga partikular na reperensya tungkol sa plano ng kaligtasan, tulad ng Alma 11:41–45; 12:24–25; 22:13–14; 40:11–14, 21, 23.

Aktibidad 2: Ang tungkulin ni Jesucristo

Kunwari ay kausap mo ang isang taong nag-aalinlangan tungkol sa iyong paniniwala kay Jesucristo.

  • Kung iisipin ang ilan sa mga katotohanan mula sa iyong pag-aaral kamakailan, ano ang maibabahagi mo sa taong ito tungkol sa mahalagang tungkulin ni Jesucristo? (Tingnan sa Alma 26; 34; 36.)

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong, maaari mong patingnan sa kanila ang mga partikular na reperensya tungkol sa tungkulin ni Jesucristo, tulad ng Alma 26:12–14, 16, 22, 35–37; 34:8–10; 36:16–21. Maaaring makatulong na sabihin sa mga estudyante na ang mga salitang sinasabi ni Ammon tungkol sa Diyos sa Alma 26 ay maaaring tumukoy kapwa sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Makadama ng mas matinding hangaring magbago dahil kay Jesucristo

Sa iyong pag-aaral kamakailan, nalaman mo ang tungkol sa maraming taong nagbago dahil nalaman nila ang tungkol kay Jesucristo.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magbanggit ng ilan sa mga taong napag-aralan nila sa Aklat ni Mormon na nakaranas ng pagbabago dahil kay Jesucristo. Ang sumusunod na tatlong halimbawa ay maaaring ibahagi kung kinakailangan. Maaaring hatiin ang mga estudyante sa mga grupo at ipaaral ang isa sa mga sumusunod na set ng mga talata. Pagkatapos ay maaaring ibuod para sa buong klase ng isang estudyante mula sa bawat grupo ang binasa ng kanyang mga kagrupo.

  • Ano ang napansin mo tungkol sa kahandaan nilang magbago?

Pagnilayan ang iyong hangaring magbago dahil kay Jesucristo. Maaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod na tanong para magawa ito. Maaari mong sagutin ang mga ito sa iyong study journal.

Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring ipakita, at maaaring piliin ng mga estudyante na sagutin ang mga ito sa kanilang study journal.

  • Nadama mo na ba ang ilan sa mga hangarin ng mga taong ito sa Aklat ni Mormon? Bakit ganito ang nadama mo?

  • Ano sa palagay mo ang maaaring dahilan o naging dahilan kaya nadama mo rin ang mga hangaring ito?

Pagtanggap ng paghahayag mula sa Espiritu Santo

Ang isang mahalagang layunin sa seminary ay tulungan kang madagdagan ang iyong kakayahang makatanggap ng personal na paghahayag mula sa Espiritu Santo.

Pagnilayan ang mga naranasan mo kamakailan kung saan nakatanggap ka ng personal na paghahayag mula sa Espiritu Santo. Maaari mong basahing muli ang ilan sa mga isinulat mo sa iyong banal na kasulatan o study journal habang nag-aaral ka sa klase o sa bahay.

 ChurchofJesusChrist.org

3:4

Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang ilan sa mga paraan na napagpala sila kamakailan sa pagtanggap ng personal na paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong dito.

  • Anong mga kaalaman ang natanggap mo mula sa Espiritu Santo sa iyong pag-aaral kamakailan ng Aklat ni Mormon?

  • Ano ang naipaunawa o naipadama sa iyo ng Espiritu tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

  • Anong mabubuting gawa ang ipinahiwatig sa iyo kamakailan ng Espiritu Santo na gawin mo?

Hikayatin ang mga estudyante na patuloy na maghangad at kumilos ayon sa personal na paghahayag mula sa Espiritu Santo.