Seminary
Alma 43–52: Buod


“Alma 43–52: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Alma 43–52,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Alma 43–52

Buod

Ang huling bahagi ng aklat ni Alma ay naglalarawan ng panahon ng pagtatalo at digmaan. Nang makita ni Moroni na marami sa mga Nephita ang nagsimulang makalimot sa Panginoon, nag-alala siya sa espirituwal at pisikal na kapakanan ng kanyang mga tao. Gumawa siya ng bandila ng kalayaan, at isinulat niya rito ang mahahalagang bagay para laging maalala ng kanyang mga tao. Ang Kanyang mga salita ay nagbigay-inspirasyon sa kanila na palakasin ang kanilang katapatan sa Diyos. Ang mga estratehiyang ginamit nila sa kanilang mga pakikidigma sa mga Lamanita ay makatutulong sa atin na magkaroon ng mga estratehiya na magagamit natin sa ating araw-araw na pakikidigma kay Satanas.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Alma 43, 48–50

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maihalintulad ang mga banal na kasulatan sa kanilang sarili upang matanggap ang proteksyon ng Panginoon mula sa palagian at tumitinding pag-atake ng kaaway.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Alma 43:18–21, 37–38, at alamin ang mga aral na makatutulong sa kanila sa kanilang pakikidigma kay Satanas.

  • Nilalamang ipapakita: Ang apat na hakbang sa paghahalintulad ng mga banal na kasulatan sa ating sarili

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Ipakita ang apat na hakbang sa paghahalintulad ng mga banal na kasulatan. Ipaalam nang maaga sa mga estudyante na gagamitin nila ang mga hakbang na ito nang mag-isa matapos gawin ang isang halimbawa bilang isang klase. Maaari itong makahikayat sa kanila na panatilihing nakabukas ang kanilang camera at magtuon sa unang bahagi ng lesson upang maging handa silang gumawa nang mag-isa nang mas epektibo.

Alma 45–46

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mga paraan na maipapakita nila ang kanilang katapatan sa Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga bagay na nagbibigay-inspirasyon o nagpapaalala sa kanila na sundin ang mga kautusan ng Diyos.

  • Handout: “Mga Turo sa Makabagong Panahon na Nauugnay sa Bandila ng Kalayaan”

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong ipakita ang bawat isa sa mga pahayag ng pangkalahatang mga lider ng Simbahan upang makasunod ang mga estudyante habang binabasa mo ito nang malakas.

Alma 47–48

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapaglabanan ang mga pagtatangka ni Satanas na magkaroon ng kapangyarihan sa kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang 2 Nephi 28:7–8, 21–22 at mag-isip ng mga halimbawa kung paano ginagamit ni Satanas ang mga taktikang ito sa ating panahon.

  • Larawan: Isang pamingwit at pain

  • Diagram: Sina Lehonti at Amalikeo sa Bundok ng Antipas

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong gamitin ang whiteboard feature para ipakita ang drowing tungkol kay Lehonti sa tuktok ng bundok. Sabihin sa mga estudyante na sama-samang gawin ang aktibidad sa pagdodrowing sa whiteboard. Hikayatin ang bawat isa sa kanila na makibahagi.

I-assess ang Iyong Pagkatuto 6

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Aklat ni Mormon kamakailan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang ibahagi ang natutuhan nila o ang mga paraan na umunlad sila sa espirituwal nitong nakaraang ilang linggo. Maaaring makatulong na pabalikan sa mga estudyante ang kanilang study journal o mga tala sa kanilang mga banal na kasulatan.

  • Mga Larawan: Mga kasangkapang ginagamit upang sukatin ang pisikal na kalusugan o paglaki

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para sa bahaging “Ipaliwanag ang mahahalagang katotohanan tungkol sa plano ng kaligtasan o ang tungkulin ni Jesucristo,” maaari mong hatiin ang mga estudyante sa dalawang grupo at ilagay ang bawat grupo sa isang breakout room. Maaaring atasan ang isang grupo na talakayin ang aktibidad 1, at maaaring talakayin ng isa pa ang aktibidad 2. Pagkatapos ng talakayan, maaaring ibuod ng isang boluntaryo mula sa bawat grupo ang sagot ng kanilang grupo sa buong klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 15

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong na madagdagan ang pang-unawa ng mga estudyante at ang kanilang kakayahang ipaliwanag ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage mula sa Aklat ni Mormon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang bagay na lubos nilang nauunawaan, tulad ng isang libangan, sport, o asignatura sa paaralan. Sabihin sa kanila na isipin kung ano ang nakatulong sa kanila na magkaroon ng malalim na pang-unawa at anyayahan silang ibahagi ang kanilang mga iniisip.

  • Video:Ang Pagiging Karapat-dapat ay Hindi Pagiging Walang Kamalian” (10:52; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 0:27)

  • Nilalamang ipapakita: “Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni”

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Bago simulan ang lesson, maaari mong gamitin ang whiteboard feature para isulat ang salitang maling pagkaunawa at anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang naiisip nila kapag iniisip nila ang salitang ito. Pagkatapos ay ibahagi ang mga pahayag na nasa lesson. Bilang alternatibo, maaari kang magbahagi ng personal na karanasan tungkol sa maling pagkaunawa.