Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 15: Unawain at Ipaliwanag


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 15: Unawain at Ipaliwanag,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 15,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 15

Unawain at Ipaliwanag

mga dalagitang nag-aaral ng mga banal na kasulatan nang magkakasama

Dahil napakahalaga ng ebanghelyo ni Jesucristo, nais ng Ama sa Langit na malaman ng lahat ng Kanyang anak ang mga katotohanan nito. Ang pagkatutong ipaliwanag ang mga katotohanan ng ebanghelyo sa sarili mong mga salita ay makatutulong na linawin ang iyong pag-unawa. Ang lesson na ito ay makatutulong na mapalalim ang iyong pag-unawa at mapahusay ang iyong kakayahang maipaliwanag ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage mula sa Aklat ni Mormon.

Sanaying ipaliwanag ang mga katotohanan ng ebanghelyo. Magbigay ng mga pagkakataon sa mga estudyante na maipaliwanag, maibahagi, at mapatotohanan ang mga katotohanan ng ebanghelyo. Kapag nagbabahagi sila, magkakaroon ang mga estudyante ng mas malalim na patotoo tungkol sa ipinapahayag nila. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, maaari ding magkaroon ng malaking epekto ang mga salita ng mga estudyante sa puso at isipan ng mga nakikinig.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang bagay na lubos nilang nauunawaan, tulad ng isang libangan, sport, o asignatura sa paaralan. Sabihin sa kanila na isipin kung ano ang nakatulong sa kanila na magkaroon ng malalim na pang-unawa at anyayahan silang ibahagi ang kanilang mga iniisip.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing magturo ng doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson kapag may klase sa seminary.

Maling Pagkaunawa

Maaari mong isulat sa pisara ang mga salitang maling pagkaunawa at anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang naiisip nila kapag iniisip nila ang mga salitang ito. Pagkatapos ay ibahagi ang mga pahayag sa ibaba. Bilang alternatibo, maaari kang magbahagi ng naging karanasan mo sa maling pagkaunawa.

Ang mga sumusunod na kuwento nina Elder Joseph B. Wirthlin (1917–2008) ng Korum ng Labindalawang Apostol at Brother Bradley R. Wilcox, Pangalawang Tagapayo sa Young Men General Presidency, ay naglalarawan ng ilang nakakatawang maling pagkaunawa. Habang pinag-aaralan mo ang mga ito, isipin ang iyong mga karanasan sa mga maling pagkaunawa.

2:3

Naaalala ko nang makipag-blind date ang isa sa aming mga anak na babae. Bihis na bihis siya at hinihintay ang pagdating ng ka-date niya nang mag-ring ang doorbell. Pumasok ang isang lalaking tila may katandaan na, ngunit sinikap niyang maging magalang. Ipinakilala niya ito sa aming mag-asawa at sa kanyang mga kapatid; pagkatapos ay isinuot niya ang kanyang pangginaw at lumabas ng pinto. Minasdan namin ang pagsakay niya sa kotse, ngunit hindi umandar ang kotse. Di nagtagal bumaba ng kotse ang aming anak at, pulang-pula ang mukha sa hiya, patakbong bumalik sa bahay. Ang lalaking inakala niyang blind date niya ay naparoon pala para sunduin ang isa pa sa aming mga anak na babae na pumayag na mag-alaga ng bata para sa kanilang mag-asawa. (Joseph B. Wirthlin, “Anuman ang Mangyari, Gustuhin Ito,” Liahona, Nob. 2008, 27)

10:52

Minsan, nagpadala ako ng mensahe sa aking anak na babae at sa manugang kong lalaki gamit ang voice-to-text feature sa aking cell phone. Sabi ko, “Hey you two. Sure love you.” Ang natanggap nila, “Hate you two. Should love you.” Hindi ba’t nakagugulat na ganoon kadali namamali ang isang mensahe na may positibo at mabuting intensyon? (Bradley R. Wilcox, “Ang Pagiging Karapat-dapat ay Hindi Pagiging Walang Kamalian,” Liahona, Nob. 2021, 61)

Bagama’t maaaring nakakatawa ang ilang maling pagkaunawa, ang maling pagkaunawa sa mga katotohanan na tungkol kay Jesucristo, sa Kanyang ebanghelyo, at sa ating walang-hanggang kaligtasan ay maaaring magbunga ng hindi maganda.

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pagsagot sa mga susunod na tanong, maaari kang magpakita ng listahan ng mga katotohanang itinuro sa mga doctrinal mastery passage na ginamit sa lesson na ito, tulad ng tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo o sa mga kautusan.

  • Ano ang ilan sa mga turo o katotohanan ng Tagapagligtas na madaling maging mali ang pagkaunawa sa panahong ito?

  • Paano nakakaimpluwensiya sa ating buhay ngayon at sa hinaharap ang maling pagkaunawa sa mga katotohanan tungkol kay Jesucristo, sa Kanyang plano, o sa Kanyang ebanghelyo?

Mga doctrinal mastery passage

Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay matulungan kang mas maunawaan ang doktrina ng Tagapagligtas at maipaliwanag ang mga ito sa iba. Ang ganitong uri ng kaalaman ay higit pa sa mababaw na impormasyon. Ito ay malalim na pag-unawa at kakayahang ipamuhay ang doktrina at gamitin ito sa mga sitwasyon. Ang pagkaunawang ito ay tutulong sa iyo na maipaliwanag nang malinaw ang doktrina ng Tagapagligtas para hindi mamali ang pagkaunawa rito ng mga tao na pinaliliwanagan mo nito.

Basahin ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng doctrinal mastery sa sumusunod na chart. Pansinin kung aling mga katotohanan ang sa palagay mo ay nauunawaan mong mabuti at kung alin ang gusto mong mas maunawaan.

Ipakita ang sumusunod na chart, o magbigay ng mga kopya nito sa mga estudyante.

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Pagpapalawak ng pag-unawa

Pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage na gusto mong mas maunawaan, at gamitin ito para magawa ang sumusunod na aktibidad. Kung may oras pa, maaari mong ulitin ang aktibidad na ito gamit ang ibang doctrinal mastery passage.

Ipakita o ibigay sa mga estudyante ang mga sumusunod na tagubilin. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na gumawa nang may ka-partner o sa maliliit na grupo.

Kunwari ay hiniling sa iyo na turuan ang isang bagong binyag o isang grupo ng mga batang nasa Primary tungkol sa talatang ito. Maghanda ng tatlo hanggang limang minutong mensahe o lesson para makatulong na mas mapalalim ang pag-unawa sa mga katotohanang itinuro sa talatang ito. Maaaring makatulong na sagutin ang mga sumusunod na tanong para sa iyong sarili bago pag-isipan kung paano mo ituturo ang mga katotohanan sa iba.

  • Tukuyin ang mahahalagang salita at parirala, lalo na yaong maaaring maging mali ang pagkaunawa. Maaari mong hanapin ang mga kahulugan o mga cross-reference sa mga banal na kasulatan na makatutulong na linawin ang talata. Bakit napakaimportante ng mahahalagang salita o pariralang ito?

  • Paano nauugnay ang scripture passage na ito sa Tagapagligtas? Ano ang natututuhan mo mula sa o tungkol sa Kanya? Sa paanong mga paraan Siya naging halimbawa ng mga katotohanan sa talatang ito?

  • Anong mga bagay ang maaari mong gamitin o ipakita para makatulong na ipaliwanag ang mensahe ng banal na kasulatang ito?

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ituro ang kanilang mga lesson sa isa’t isa nang magkaka-partner o sa maliliit na grupo. Maaari mo ring anyayahan ang isa o dalawang estudyante na magbahagi sa buong klase. Bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na talakayin ang natutuhan at nadama nila mula sa karanasang ito. Patotohanan ang kahalagahan ng pag-unawa sa mga katotohanan sa mga doctrinal mastery passage.