“Alma 53–63: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Alma 53–63,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Alma 53–63
Buod
Binigyan tayo ng mga tao ni Ammon ng matinding halimbawa ng pagtupad sa mga tipan kahit nahaharap tayo sa mahihirap na sitwasyon. Noong panahon ng matinding digmaan, ang kanilang mga anak na lalaki ay pinamunuan ni Helaman sa pagtatagumpay na nagligtas ng maraming buhay. Sinunod ng mga batang kawal na ito “ang bawat salita ng pag-uutos nang may kahustuhan,” na “patuloy nilang ibinibigay ang kanilang tiwala sa Diyos” (Alma 57:21, 27). Kalaunan, si Pahoran, ang punong hukom ng mga Nephita, ay maling pinaratangan ng pagpapabaya sa mga hukbo sa digmaan at kinailangan niyang pumili kung paano tutugon.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Alma 53
Layunin ng lesson: Ang layunin ng lesson na ito ay tulungan ang mga estudyante na mapatibay ang kanilang determinasyong tuparin ang kanilang mga tipan sa Diyos.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang salitang tipan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan at maghandang ibahagi kung bakit mahalagang tuparin ang ating mga tipan sa Diyos.
-
Mga larawang ipapakita: Isang graphic na naglalarawan sa landas ng tipan; isang larawan ng mga tao ni Ammon na ibinabaon ang kanilang mga sandata
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Pag-isipang anyayahan ang isang matapat na miyembro ng isang lokal na ward o branch na dumalo sa klase o mag-record ng video na maikling nagbabahagi kung paano siya pinagpala ng Panginoon dahil sa pagtupad ng kanyang mga tipan sa Kanya. Tiyaking tumanggap ng pahintulot mula sa iyong coordinator o program administrator at mga lokal na lider ng priesthood bago ibigay ang paanyaya.
Alma 56
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maunawaan na kapag buong tapang silang nanampalataya kay Jesucristo, pagpapalain sila ng Panginoon ng Kanyang kapangyarihan.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng isang kabataan o grupo ng mga kabataan na nagpakita ng matinding pananampalataya sa Panginoon sa kabila ng mahihirap na hamon.
-
Handout: “Ang Sitwasyong Kinaharap ng 2,000 Kabataang Mandirigma”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong ipakita ang matching activity para sa klase. Kapag alam ng isang estudyante ang tamang sagot, sabihin sa kanya na gamitin ang drawing feature para iugnay ang tamang reperensya sa buod o isulat ang kanilang mga sagot gamit ang chat feature.
Alma 57
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na sikaping sundin nang may katumpakan ang mga utos ng Diyos.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa iyong mga estudyante na mag-isip ng mga halimbawa ng pagsunod ng Tagapagligtas sa Ama sa Langit at pagnilayan ang natutuhan nila mula sa mga halimbawang iyon.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Bigyan ng oras ang mga estudyante na kumpletuhin ang dalawa sa tatlong aktibidad na may label na A, B, at C. Ilagay sila sa maliliit na grupo sa mga breakout room, at anyayahan ang bawat estudyante na magbahagi sa kanilang grupo ng isang ideya mula sa isa sa mga aktibidad na pinili nila. Pagkatapos ay paghalu-haluin ang nasa mga breakout room, at anyayahan ang bawat estudyante na ibahagi sa kanilang bagong grupo ang isang ideya mula sa isa pang aktibidad na pinili nila. Muling tipunin ang klase, at anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng isang bagay na makabuluhan na natutuhan nila mula sa isa pang miyembro ng klase.
Alma 59–61
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makahihikayat sa mga estudyante na maging higit na katulad ni Jesucristo sa pagtugon nila sa mga pagkakamali ng iba nang may ibayong pagmamahal at pagtitiyaga.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang ibahagi kung bakit mahirap ipamuhay ang mga turo ng Tagapagligtas na matatagpuan sa 3 Nephi 11:29–30 ngunit bakit sulit na ipamuhay ang mga turong iyon.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para simulan ang lesson, maaari mong ipakita ang pahayag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na gamitin ang chat feature para magsulat ng mga karagdagang dahilan kung bakit maaaring makadama tayo ng paghihinanakit.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 16
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maipamuhay ang mga katotohanan mula sa mga doctrinal mastery passage sa pangalawang bahagi ng Aklat ni Mormon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng anumang pagpapala o pakinabang na napansin nila sa pagsisikap na ipamuhay ang mga banal na kasulatan.
-
Nilalamang ipapakita: “Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras na magawa ang mga hakbang A, B, at C para magamit ang mga doctrinal mastery passage sa sitwasyong pinili nila. Sabihin sa mga estudyante na gumamit ng thumbs-up icon o i-type ang “handa na” sa chat kapag handa na silang ibahagi sa klase ang kanilang mga ideya. Mas may kumpiyansang magbahagi ang mga estudyante kung bibigyan sila ng sapat na oras na maghanda.