“Mormon 1–6: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Mormon 1–6,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Mormon 1–6
Buod
Habang minamasdan ni Mormon ang kasamaan ng kanyang mga tao, itinuro niya kung sino ang hahatol sa atin at kung paano tayo hahatulan sa Huling Paghuhukom. Nangusap tungkol sa mga tao sa kanyang paligid, sinabi niya, “sila ay pinamunuan ko … at minahal sila … nang buong puso ko” (Mormon 3:12). Subalit nag-alala at nagdalamhati siya para sa kanyang mga tao habang papatungo sila sa pagkawasak dahil ayaw nilang humingi ng tulong sa Diyos. Sa huli, ang bansa ng mga Nephita ay nalipol ng mga Lamanita.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Mormon 1–2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan mula sa halimbawa ni Mormon kung paano sundin si Cristo anuman ang piliing gawin ng iba.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga karanasan kung kailan pinili nilang maging iba upang masunod si Jesucristo at kung bakit sulit ito.
-
Mga larawang ipapakita: Isang larawan ng isang bagay na malinaw na naiiba sa mga bagay sa paligid nito; isang larawan ni Mormon na nagsusulat sa mga laminang ginto
-
Mga Handout: “Pagiging Mahinahon” at “Mabilis Magmasid”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kung hihilingin mo sa mga estudyante na maghanda ng isang social media profile para sa propetang si Mormon sa buong lesson, ilagay sila sa mga breakout room para mabigyang-daan silang ilahad ang inihanda nila sa ilan pang estudyante.
Mormon 3
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong na maihanda ang mga estudyante na tumindig nang may tiwala at kagalakan sa harap ni Jesucristo sa Huling Paghuhukom.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga tanong nila tungkol sa Huling Paghuhukom. Maaari kang gumamit ng anonymous poll para maipadala ng mga estudyante ang kanilang mga tanong bago magklase. Magagabayan ka ng kanilang mga tanong sa paghahanda ng lesson para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
-
Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin na tila nagpapahiwatig na magkakaroon ng huling pagsusulit o assessment sa lesson na ito; ang chart ng mga tanong at mga sagot tungkol sa Huling Paghuhukom
-
Mga Video: “Ang Dakilang Plano” (16:03; panoorin mula sa time code na 14:06 hanggang 14:50); “Banal na Pagmamahal sa Plano ng Ama” (14:46; panoorin mula sa time code na 1:44 hanggang 3:31); “Nalinis sa Pamamagitan ng Pagsisisi” (15:27; panoorin mula sa time code na 8:09 hanggang 12:03)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room nang ilang minuto para ilista ang mga tanong nila tungkol sa Huling Paghuhukom. Pagsamahin silang muli, at gamitin ang whiteboard feature para maisulat o mai-type nila ang kanilang mga tanong. Sabihin sa mga estudyante na i-screenshot ang lahat ng tanong, at pagkatapos ay i-display ang listahan ng resources kung saan nila mahahanap ang mga sagot. Bigyan sila ng oras na makahanap ng mga sagot gamit ang resources na ibinigay o anupamang sources na ibinigay ng Diyos na alam nila.
Mormon 3–6
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pagbaling sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na alalahanin ang isang pagkakataon na tinulungan sila ng Diyos na malampasan ang isang paghihirap dahil humingi sila ng tulong sa Kanya.
-
Larawang ipapakita: Isang larawan nina Mormon at Moroni na nakatingin sa pagkalipol ng mga Nephita
-
Video: “Prophets Warning” (1:24; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 0:58)
I-assess ang Iyong Pagkatuto 8
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral kamakailan ng 3 Nephi 8 hanggang Mormon 6.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang ibahagi ang natutuhan nila o ang mga paraan na umunlad sila sa espirituwal nitong nakaraang ilang linggo. Maaaring makatulong na pabalikan sa mga estudyante ang kanilang study journal o mga tala sa kanilang mga banal na kasulatan.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 22
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataon na maipamuhay ang mga doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti at pumasok sa klase na handang ibahagi kung aling mga katotohanan o turo mula sa mga doctrinal mastery passage ang ipinamuhay nila.
-
Nilalamang ipapakita: Isang sitwasyon na punan ang blangko; ang pahayag ni Elder Craig C. Christensen; ang chart ng mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula kay Alma hanggang Moroni
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Isang papel para sa bawat estudyante
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga grupong may tig-aapat na miyembro sa mga breakout room para makumpleto ang aktibidad sa ilalim ng heading na “Pagsasabuhay ng mga banal na kasulatan.” Gamitin ang messaging feature para maibigay ang mga tagubilin sa bawat grupo.