Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 22: Ipamuhay


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 22: Ipamuhay,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 22,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 22

Ipamuhay

dalagitang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong ipamuhay ang mga doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Hikayating pumili ang mga estudyante. Ang pagbibigay sa mga estudyante ng opsiyon kung ano ang pag-aaralan nila o paano sila mag-aaral sa oras ng lesson ay nagtutulot sa kanila na gamitin ang kanilang kalayaang pumili at umunlad sa espirituwal. Ang pag-unlad na ito ay makapagpapalakas ng pananampalataya ng mga estudyante sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan at pumasok sa klase na handang ibahagi kung aling mga katotohanan o turo mula sa mga doctrinal mastery passage ang ipinamuhay nila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailangang magturo ng doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Isang sitwasyon sa tunay na buhay

Maaari mong i-display o ibigay sa mga estudyante ang sumusunod na sitwasyon. Ang layunin ng pag-anyaya sa mga estudyante na kumpletuhin ang sitwasyon ay tulungan silang ipamuhay ang mga katotohanan sa mga banal na kasulatan. Sabihin sa mga estudyante na punan ang mga patlang sa isang papel nang mag-isa nang hindi gumagamit ng mga pangalan ng mga tao na maaaring kilala ng ibang mga estudyante sa klase.

Isipin ang mga kabataang kilala mo. Pag-isipan ang ilan sa mga sitwasyon ng kanilang pamilya, ang tinatamasa nila, at ang ilan sa mga hamong kinakaharap nila. Isipin ang impormasyong ito sa paggawa mo ng isang kunwa-kunwarian ngunit makatotohanang sitwasyon na gagamitin sa buong lesson na ito sa pamamagitan ng paglagay ng mga sagot sa mga sumusunod na patlang:

  • Si (isingit ang pangalan) ay taong gulang at may (na) katao sa kanyang pamilya. Siya ay mahilig sa , , at . Ang ilan sa mga hamon na kinakaharap niya ay , , at . Nadarama niya na ang kanyang patotoo tungkol kay Jesucristo ay .

Ang isang paraan na ginagabayan tayo ng Panginoon sa ating mga pagsubok ay sa pamamagitan ng Kanyang mga turo sa mga banal na kasulatan. Kapag pinag-aralan at ipinamuhay natin ang mga turo sa mga banal na kasulatan, makahahanap tayo ng mga sagot na tutulong sa atin sa ating buhay.

Ipaalala sa mga estudyante ang kanilang paghahanda para sa klase habang sinasagot nila ang mga sumusunod na tanong.

  • Ano ang kahalagahan ng pag-unawa sa mga banal na kasulatan at pagsasabuhay ng mga ito?

  • Ano ang mga paraan na matagumpay mong naipamuhay ang mga turo sa banal na kasulatan?

Ipinaliwanag ni Elder Craig C. Christensen ng Pitumpu kung paano gumamit si Joseph Smith ng huwaran para matagumpay na maipamuhay ang mga turo sa mga banal na kasulatan:

Tinulutan ni Joseph na tumimo sa kanyang puso ang mga banal na kasulatan. Pinag-isipan niya itong mabuti at iniangkop ito sa sarili niyang sitwasyon. Pagkatapos ay kumilos siya ayon sa nalaman niya. (Craig C. Christensen, “Alam Ko ang mga Bagay na Ito sa Aking Sarili,” Liahona, Nob. 2014, 51)

  • Ano ang mahalaga para sa iyo mula sa pahayag ni Elder Christensen?

Maaaring nakita mo ang sumusunod na huwaran sa halimbawa ni Joseph:

  1. Pag-aralan ang mga banal na kasulatan nang taos-puso.

  2. Pag-isipan ang mga ito nang malalim.

  3. Ipamuhay ang mga turo sa sitwasyon.

  4. Kumilos ayon sa natutuhan.

Paggamit ng huwaran

Kung makatutulong, maaari mong i-display ang sumusunod na chart ng mga doctrinal mastery passage o bigyan ang mga estudyante ng kopya nito para sa sumusunod na aktibidad.

Pag-isipan ang sitwasyong ginawa mo kanina. Rebyuhin ang sumusunod na mga doctrinal mastery passage at isulat sa papel sa ilalim ng iyong sitwasyon ang reperensya ng isa sa mga passage na ito na sa palagay mo ay makatutulong na ipamuhay ng tao sa iyong sitwasyon. Sundin ang unang tatlong hakbang ng huwaran sa itaas. Pag-aralan ang passage nang taos-puso. Pag-isipan ang passage nang malalim. Pagkatapos ay isulat kung bakit sa palagay mo ay makatutulong na ipamuhay ng taong iyon ang passage.

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Pagsasabuhay ng mga banal na kasulatan

Upang patuloy na masunod ang huwaran sa itaas, sikaping gamitin ang banal na kasulatan na pinili mo sa tao sa iyong sitwasyon sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanya na kumilos ayon sa itinuro. Ang sumusunod na mga hakbang ay maaaring makatulong sa paggawa nito:

Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga grupo na may tig-aapat na miyembro at i-display ang mga sumusunod na tagubilin.

Maaaring magsimula ang isang estudyante sa pamamagitan ng pagpapasa ng papel kasama ang kanyang sitwasyon at piniling scripture reference sa ibang tao sa grupo. Pagkatapos ay maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang sitwasyon at passage sa papel at kumpletuhin ang hakbang “a” sa papel na iyon.

Pagkatapos ay maaaring ipasa ang papel sa ibang estudyante na kukumpletuhin ang hakbang “b” at ipasa muli sa ibang estudyante na kukumpletuhin ang hakbang “c.”

  1. Magsulat ng isa o dalawang paraan na maaaring kumilos nang may pananampalataya ang taong ito batay sa mga katotohanan sa doctrinal mastery passage. Halimbawa, ang isang taong nagsusumikap na ipamuhay ang mga turo sa Eter 12:27 ay maaaring maghanap ng mga paraan para magkaroon ng katangiang mapagkumbaba na katulad ng kay Cristo o kumilos para lumapit kay Cristo, tulad ng pagtanggap ng sakramento bawat linggo nang may sadyang pagtutuon sa Tagapagligtas.

  2. Isulat kung ano ang sasabihin mo para hikayatin at himukin ang taong ito na kumilos ayon sa natutuhan niya. Isama kung paano makaiimpluwensya ang pagsasabuhay ng mensahe sa ugnayan ng tao sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at sa kanyang hangarin at kakayahang maging katulad Nila.

  3. Isulat ang iyong patotoo sa katotohanang itinuro sa passage o isang karanasan na may kaugnayan dito.

Ang bawat papel ay maaari na ngayong ipasa pabalik sa orihinal na may-akda upang marebyu niya ito at matuto siya mula sa isinulat ng iba pang mga estudyante.

Pagsasabuhay ng mga passage sa iyong buhay

Hikayatin ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga sagot sa mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.

  • Paano naaangkop ang mga katotohanang pinag-aralan at pinagnilayan mo sa iyong mga sitwasyon sa buhay?

  • Anong mga bagay ang inspirado kang gawin? (Halimbawa, maaari kang tumukoy ng mga paraan para maiakma ang personal mong pag-aaral ng banal na kasulatan para mas makatuon sa pagsasabuhay ng mga katotohanang nakita mo. Isipin kung paano mo magagamit ang huwarang ginamit mo sa lesson na ito para magawa ito.)

  • Paano makakaapekto ang mga ginagawa mo sa ugnayan mo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?