Seminary
Mormon 7–9: Buod


“Mormon 7–9: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Mormon 7–9,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Mormon 7–9

Buod

Tinapos ni Mormon ang kanyang mga isinulat sa pamamagitan ng pagtuturo tungkol kay Jesucristo at sa walang hanggang kaligayahan na naghihintay sa mga sumusunod sa Kanya. Pagkamatay niya, natanggap ng kanyang anak na si Moroni ang mga lamina at ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para protektahan ang mga ito. Kalaunan ay ibinaon niya ang mga ito sa lupa, nang nagtitiwala na ang mga ito ay “ikinubli ayon sa Panginoon” (pahina ng pamagat ng Aklat ni Mormon), na ilalabas balang-araw “ng kamay ng Panginoon” (Mormon 8:26). Ipinakita ng Panginoon kay Moroni ang ating panahon, at inilarawan ni Moroni ang mga kasalanan at pag-uugali na magiging laganap sa mga huling araw. Inanyayahan niya tayong “bumaling … sa Panginoon” (Mormon 9:6) at nagbigay siya ng iba pang payo na tutulong sa atin na sundin si Jesucristo.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mormon 7

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na sundin si Jesucristo at maghandang mamuhay sa piling ng Diyos sa walang hanggang kaligayahan.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumasok sa klase na handang ibahagi kung ano ang nagpapasaya sa kanila. Maaari ding kausapin ng mga estudyante ang isang kapamilya tungkol sa kung ano ang nagpapasaya sa kapamilyang iyon.

  • Nilalamang ipapakita: Ang quiz tungkol kay Mormon; ang self-assessment sa katapusan ng lesson

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong i-display ang hindi kumpletong pahayag na “Makapananahanan akong kasama ng Diyos sa walang hanggang kaligayahan kapag ako ay …” at anyayahan ang mga estudyante na tapusin ang pahayag sa chat feature gamit ang nalaman nila sa Mormon 7:8–10.

Mormon 8:1–26

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng Aklat ni Mormon sa kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano ipinapakita ng kanilang mga pagsisikap kamakailan na pag-aralan ang Aklat ni Mormon ang pagpapahalaga nila sa Aklat ni Mormon.

  • Mga Materyal: Mapa ng kayamanan; mga tagubilin para sa mga istasyon upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng Aklat ni Mormon

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag nag-aaral ang mga estudyante para matuklasan ang kahalagahan ng Aklat ni Mormon, anyayahan silang ibahagi ang natututuhan nila. Maaari mong gamitin ang chat feature para mailista nila ang kanilang mga paboritong banal na kasulatan o ang mga talata, turo, o kuwento na napakahalaga sa kanila. Pagkatapos ay sabihin sa ilang estudyante na ipaliwanag ang kanilang mga pinili.

Mormon 8:27–41; 9:1–6, 27–37

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na ang Aklat ni Mormon ay isinulat upang tulungan tayo, sa mga huling araw, na bumaling sa Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng isang banal na kasulatan mula sa Aklat ni Mormon na makatutulong sa atin na bumaling kay Jesucristo.

  • Mga Materyal: Isang kahon o iba pang bagay na kumakatawan sa isang time capsule

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga breakout room para magbahagi ng mga passage mula sa Aklat ni Mormon na nagtuturo sa atin tungkol kay Jesucristo at tumutulong sa atin na maniwala sa Kanya.

Mormon 9:7–27

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano makagagawa ang Diyos ng mga himala sa kanilang buhay kapag may pananampalataya sila sa Kanya.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin o pakinggan ang mensahe ni Elder Ronald A. Rasband na “Masdan! Ako ay Diyos ng mga Himala” at isipin kung ano ang natutuhan nila o mga tanong nila tungkol sa mga himala. Matatagpuan ang mensaheng ito sa ChurchofJesusChrist.org.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Papel, mga panulat, larawan, glue, at gunting para makagawa ang mga estudyante ng mga polyeto

  • Mga Video:Sanctify Yourselves” (4:37); “Sa Banal na Plano” (14:51; panoorin mula sa time code na 7:16 hanggang 8:19)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag tinatalakay ang mga himala ng nakaraan, maaari mong ipanood ang isang video tungkol kay Jesucristo na gumagawa ng mga himala. Kapag tinatalakay ang mga himalang nangyayari ngayon, maaari mong ipanood ang isa sa mga video na iminungkahi sa lesson.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 23

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na magsaulo ng maraming scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, o ng buong doctrinal mastery passage, mula sa pangalawang bahagi ng Aklat ni Mormon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang mahalagang parirala ng doctrinal mastery at reperensya na sasauluhin at pumasok sa klase na handang magbahagi.

  • Larawan: Isang larawan ni Moroni na nagpakita kay Joseph Smith

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Ipaalam sa mga estudyante na hihilingin sa kanila na ibahagi kung anong mga banal na kasulatan ang gusto nilang isaulo. Maaari mo silang bigyan ng oras na ibahagi sa isa’t isa ang ginagawa nila para magsaulo, o maaari kang pumili ng isang paraan ng pagsasaulo para magamit ng lahat ng estudyante.