Seminary
Mormon 8:1–26: Isang Talaan na Malaki ang Kahalagahan


“Mormon 8:1–26: Isang Talaan na Malaki ang Kahalagahan,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Mormon 8:1–26,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Mormon 8:1–26

Isang Talaan na Malaki ang Kahalagahan

Larawan
mga kopya ng Aklat ni Mormon sa maraming iba’t ibang wika

Ano ang gagawin mo kung ipinagkatiwala sa iyo ang isang bagay na kasinghalaga ng mga laminang ginto? Nang matanggap ni Moroni ang mga lamina, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para protektahan ang mga ito. Kalaunan ay ibinaon niya ang mga ito sa lupa, nang nagtitiwala na ang mga ito ay “ikinubli ayon sa Panginoon” (pahina ng pamagat ng Aklat ni Mormon), na ilalabas balang-araw “ng kamay ng Panginoon” (Mormon 8:26). Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madama ang kahalagahan ng Aklat ni Mormon sa iyong buhay.

Magkaroon ng aktibong pakikilahok sa klase. Maaari kang gumamit ng mga learning station o istasyon sa pag-aaral bilang mabisang paraan upang hatiin ang malalaking bahagi ng nilalaman at hayaang maging responsable ang mga estudyante sa kanilang pagkatuto. Habang pumipili at umiikot sila sa mga learning station, magmasid kung may mga estudyante na maaaring mangailangan ng tulong.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano ipinapakita ng kanilang mga pagsisikap kamakailan na pag-aralan ang Aklat ni Mormon ang pagpapahalaga nila sa Aklat ni Mormon.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Isang mahalagang regalo

Ipagpalagay na may nagbigay sa iyo ng isang supot na puno ng mga diyamante at rubi bilang regalo.

  • Paano ka tutugon? Paano mapagpapala ng regalong ito ang iyong buhay?

Nagbigay si Pangulong Russell M. Nelson ng kopya ng Aklat ni Mormon sa isang hari ng tribo sa Africa at ipinaliwanag niya kung paanong ito ay isa pang tipan ni Jesucristo. Sumagot ang hari:

“Maaari mo akong bigyan ng mga diyamante o rubi, ngunit wala nang mas mahalaga sa akin kaysa sa dagdag na kaalamang ito tungkol sa Panginoong Jesucristo.” (Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?,” Liahona, Nob. 2017, 60–61)

  • Ano ang ilang dahilan kung bakit ganito ang nadama ng hari?

Bigyan ng oras ang mga estudyante na masuri ang nadarama nila tungkol sa Aklat ni Mormon. Maaari mong i-display ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Nelson para matulungan silang mag-isip.

Isipin kung paano mo sasagutin ang mga sumusunod na tanong ni Pangulong Nelson:

Mahal kong mga kapatid, gaano kahalaga sa inyo ang Aklat ni Mormon? Kung aalukin kayo ng mga diyamante o mga rubi o ng Aklat ni Mormon, alin ang pipiliin ninyo? Ang totoo, alin ang mas mahalaga sa inyo? (Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?,” Liahona, Nob. 2017, 61)

Habang pinag-aaralan mo ang Mormon 8, pag-isipan ang iyong personal na patotoo sa Aklat ni Mormon. Alamin ang mga dahilan kung bakit pinakamahalaga ang patotoo tungkol kay Jesucristo sa Aklat ni Mormon at kung paano nito mapagpapala ang iyong buhay.

Pagtuklas sa kahalagahan ng Aklat ni Mormon

Ang sumusunod na aktibidad ay naglalaman ng apat na bahagi upang matulungan ang mga estudyante na matuklasan o mapagtibay muli ang kahalagahan ng Aklat ni Mormon. Maaari kang magtakda ng isang learning station para sa bawat bahagi, at maaaring umikot ang mga estudyante sa mga learning station nang mag-isa o sa maliliit na grupo.

Larawan
mapa ng kayamanan

Sa iyong study journal, gumawa ng outline ng isang mapa ng kayamanan. Ang bawat tuldok sa mapa ay isang lugar para isulat ang natutuhan mo sa iyong pag-aaral ng Mormon 8. Isama ang mga natuklasan tungkol sa kahalagahan ng Aklat ni Mormon mula sa bawat isa sa mga sumusunod na bahagi. Ang bawat bagay na natutuhan mo ay magpapalapit sa iyo sa X sa mapa ng kayamanan. Ang X ay kung saan mo maisusulat ang kahulugan sa iyo ng Aklat ni Mormon.

Bahagi 1. Isang nakatagong kayamanan

Matapos mamatay si Mormon sa digmaan (tingnan sa Mormon 8:3), iningatan at sinulatan pa ni Moroni ang talaang ginawa ng kanyang ama sa mga laminang ginto.

Basahin ang Mormon 8:1–5 at ang pahina ng pamagat ng Aklat ni Mormon, at alamin kung bakit isinulat at iningatan ang Aklat ni Mormon.

  • Ano ang matututuhan natin tungkol sa layunin ng Aklat ni Mormon?

Isulat ang iyong sagot sa tabi ng isa sa mga tuldok sa mapa.

Ang isang katotohanan na matututuhan natin ay iningatan ang Aklat ni Mormon para sa ating panahon upang hikayatin tayo na si Jesus ang Cristo.

  • Paano naimpluwensyahan ng Aklat ni Mormon ang iyong hangaring sundin si Jesucristo?

Bahagi 2. Ang kahalagahan ng talaan

Larawan
mga laminang ginto

Upang matulungan ang mga estudyante na mailarawan sa isipan at mapag-isipan ang tungkol sa mga laminang ginto, maaari mong gamitin ang impormasyon mula sa Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan, “Mga Laminang Ginto,” history.ChurchofJesusChrist.org.

Isipin ang nalalaman mo tungkol sa mga laminang ginto at kung ano sa palagay mo ang kahalagahan ng mga ito. Basahin ang naranasan ni Joseph Smith nang una niyang matanggap ang mga laminang ginto mula kay Moroni.

Matapos maiuwi ni Joseph ang mga gintong lamina, ilang linggong pinagtangkaang nakawin ng mga naghahanap ng kayamanan ang mga ito. Upang manatiling ligtas ang talaan, kailangan niyang ilipat-lipat ito ng lugar, itinatago ang mga lamina sa ilalim ng dapugan, sa ilalim ng sahig ng gawaan ng kanyang ama, at sa mga ilalim ng bungkos ng butil. Hindi siya dapat maging kampante. (Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, 1815–1846 [2018], 49)

  • Ano ang pinakamahalaga para sa iyo mula sa salaysay na ito?

Basahin ang Mormon 8:14, at alamin ang sinabi ni Moroni tungkol sa mga lamina.

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ni Moroni nang sabihin niya na ang mga lamina ay “walang halaga” ngunit “ang nakatala roon ay malaki ang kahalagahan”? Ano ang matututuhan natin mula rito?

Isulat ang iyong sagot sa tabi ng isa sa mga tuldok sa mapa.

Ang isang katotohanan na matututuhan natin ay ang talaan ng Aklat ni Mormon ay malaki ang kahalagahan.

Maglista ng ilang talata, turo, o kuwento mula sa Aklat ni Mormon na sa palagay mo ay malaki ang kahalagahan. Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang mga ito sa iyo o sa iba.

Bahagi 3. Isang kaloob mula sa Diyos

Larawan
Si Joseph Smith na kinukuha ang mga laminang ginto mula sa Burol ng Cumorah

Pag-isipan ang nalalaman mo tungkol kay Joseph Smith noong siya ay binatilyo. May naiisip ka bang mga dahilan kung bakit kaya pinili ng Diyos si Joseph Smith para isalin ang Aklat ni Mormon?

Basahin ang Mormon 8:15–16, 26, at alamin ang itinuro ni Moroni tungkol kay Joseph Smith at sa Aklat ni Mormon.

  • Anong mga katotohanan ang matututuhan natin tungkol sa kung paano lumabas ang Aklat ni Mormon?

Isulat ang iyong sagot sa tabi ng isa sa mga tuldok sa mapa.

Ang isang katotohanan na matututuhan natin ay ibinigay ng Diyos kay Joseph Smith ang kapangyarihang ilabas ang Aklat ni Mormon.

Sumulat ng isa o dalawang bagay na alam mo tungkol sa pagsasalin ni Joseph Smith ng Aklat ni Mormon. (Tingnan sa Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan, “Pagsasalin ng Aklat ni Mormon,” history.ChurchofJesusChrist.org o Gospel Topics, “Book of Mormon Translation,” history.ChurchofJesusChrist.org.)

Bahagi 4. Ang pinahahalagahan ko tungkol sa Aklat ni Mormon

Batay sa pag-aaral mo ng Aklat ni Mormon sa tahanan, sa simbahan, at sa seminary, isulat kung ano ang pinakamahalaga sa iyo tungkol sa Aklat ni Mormon. Maaaring makatulong ang mga sumusunod na tanong.

Isulat ang sagot sa kahit isa sa mga sumusunod na tanong sa tabi ng X sa iyong mapa:

  • Bakit ka nagpapasalamat na naingatan ang Aklat ni Mormon?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa mga propetang tinawag ng Panginoon na ihatid sa atin ang Aklat ni Mormon?

  • Ano ang gagawin mo para maipakita sa Panginoon kung gaano mo pinahahalagahan ang Aklat ni Mormon?

Matapos isulat ng mga estudyante ang kanilang mga sagot, maaari mo silang anyayahang mag-isip ng isang tao na maaari nilang bigyan ng kopya ng Aklat ni Mormon o isang link para i-download ito. Maaari mo silang hikayatin na isama ang kanilang patotoo kapag ibinahagi nila ang aklat. Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon.

Print