Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 23: Isaulo


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 23: Isaulo,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 23,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 23

Isaulo

dalagitang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ang pagsasaulo sa mga scripture reference at sa itinuturo ng mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang isaulo ang maraming scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, o ang buong doctrinal mastery passage, mula sa pangalawang bahagi ng Aklat ni Mormon.

Hikayatin ang pagsasaulo. Mag-ingat na huwag pahinain ang loob ng mga estudyante na maaaring nahihirapan sa pagsasaulo. Tulungan ang mga estudyante na maaaring may kapansanan o kahinaan sa pag-aaral na makahanap ng mga paraan ng pagsasaulo na maaaring mas akma sa kanilang mga pangangailangan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang mahalagang parirala ng doctrinal mastery at reperensya na sasauluhin at pumasok sa klase na handang magbahagi.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailangang magturo ng doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Ang kahalagahan ng pag-uulit

Tulungan ang mga estudyante na makita ang kahalagahan ng pag-uulit, ngunit huwag mag-ukol ng maraming oras dito. Tiyakin na magkakaroon ang mga estudyante ng sapat na oras upang maisaulo ang mga parirala o talata ng doctrinal mastery kalaunan sa lesson.

May magagandang pakinabang sa pag-uulit ng isang bagay na gusto nating matutuhan o matandaan. Ilista ang ilang aktibidad na kadalasang nangangailangan ng patuloy na pag-uulit.

  • Ano ang ilang paraan na nakinabang kayo sa pag-uulit ng isang bagay nang maraming beses?

Kung makatutulong, maaari mong talakayin sandali ang katotohanan na nalilimutan ng karamihan sa mga tao ang mga bagong napag-aralan nila pagkaraan ng ilang linggo, ngunit maaalala nito ito kapag muli nilang pinag-aralan ang materyal. Gayundin, sa halip na isaulo ang lahat nang sabay-sabay, magiging mas epektibo kung hahatiin ang materyal sa mas maliliit na bahagi.

nagpakita si Moroni kay Joseph Smith

Magpakita ng larawan ng pagdalaw ni Moroni kay Joseph Smith.

Nang ang propetang si Moroni ng Aklat ni Mormon, na ngayon ay isa nang sugo mula sa langit, ay dumalaw kay Joseph Smith, gumamit siya ng pag-uulit upang tulungan ang 17 taong gulang na si Joseph na maalala ang isang mahalagang mensahe.

  • Ano ang naaalala mo tungkol sa mga pagdalaw na ito? (Tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:33–49.)

  • Ano ang sinasabi nito tungkol sa Diyos sa pagsusugo Niya kay Moroni nang apat na beses upang ihatid ang kaparehong mensahe?

Nagsalita si Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa paulit-ulit na pagdalaw ni Moroni kay Joseph Smith at pagkatapos ay itinuro niya:

Ang pag-uulit ay isang paraan kung saan mabibigyang-liwanag ng Espiritu Santo ang ating isipan, maiimpluwensyahan ang ating puso, at mapalalawak ang ating pang-unawa. (David A. Bednar, “Repeat Over Again … the Same Things as Before” [Brigham Young University–Idaho devotional, Ene. 26, 2016], byui.edu)

  • Ano ang ipinauunawa nito sa iyo tungkol sa mga pakinabang ng paulit-ulit na pag-aaral ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan?

  • Ano ang maaaring sabihin nito tungkol sa mga partikular na banal na kasulatan na pinili para sa iyo na ulitin at pagtuunan ng pansin?

Pakitaan o bigyan ang mga estudyante ng kopya ng sumusunod na chart o sabihin sa kanila na hanapin ang listahan ng mga doctrinal mastery passage sa Doctrinal Mastery Core Document (2022).

Sabihin sa kanila na rebyuhin ang mga reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na naisaulo na nila noon at pagkatapos ay papiliin sila kung alin sa mga passage ang gusto nilang pagtuunang isaulo ngayon.

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Maaaring gamitin ng mga estudyante ang sumusunod o iba pang pagsasanay upang maisaulo ang reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan o ang buong scripture passage. Kapag natapos na, maaaring ipakita ng mga estudyante ang mga visual na nilikha nila sa opsiyon 2 at ipaliwanag kung paano makatutulong sa kanila ang ginawa nila para matandaan ang isinaulo nila. Kung may oras pa, maaaring ulitin ng mga estudyante ang mga pagsasanay na ito para sa iba pang mga doctrinal mastery scripture.

Simulan ang pagsasaulo

Mag-isip ng isa o dalawang paraan na maaari mong anyayahan ang Espiritu Santo na bigyang-liwanag ang iyong isipan habang gumagamit ka ng pag-uulit upang matulungan kang magsaulo. Maaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod na halimbawa:

  1. Hatiin ang gusto mong isaulo sa mas maliliit na segment at ulitin ang mga ito nang magkakahiwalay.

  2. Gumawa ng isang visual na naglalaman ng lahat o ilan sa mga salitang gusto mong isaulo.

  3. Basahin ang bahagi ng passage na gusto mong isaulo hanggang sa mabigkas mo ito nang hindi tumitingin. Maaaring makatulong din ang paggamit ng mga unang titik ng mga salita.

Planuhin ang pag-uulit

Sabihin sa mga estudyante na patuloy na magsaulo sa labas ng klase para humusay pa ang kanilang memorya. Tulungan ang mga estudyante na magtagumpay sa pamamagitan ng pagpapagawa sa kanila ng detalyadong plano at pag-follow up sa kanilang progreso sa susunod na mga araw at linggo.

Mag-isip ng mga paraan na maaari mong ipagpatuloy ang pagsasaulo sa loob ng ilang araw o linggo. Ang mga sumusunod na ideya ay maaaring makatulong sa iyo na magpasiya:

  1. Manalangin sa Ama sa Langit na tulungan kang maalala ang isinasaulo mo.

  2. Pumili ng isang partikular na oras ng araw para bigkasin ang lahat ng kaya mong maalala. Maaari kang mag-set ng alarm na magpapaalala sa iyo sa kaparehong oras sa bawat araw.

  3. Anyayahan ang isang tao na tingnan ang iyong progreso at natandaan sa pamamagitan ng pagsabi sa kanya na tingnan ang mga salita habang binibigkas mo ang mga ito sa kanya.