Seminary
Eter 1–5: Buod


“Eter 1–5: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Eter 1–5,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Eter 1–5

Buod

Nang tangkain ng masasamang tao na magtayo ng isang tore upang makarating sa langit, ginulo ng Panginoon ang kanilang wika (tingnan sa Genesis 11:1–9). Ang kapatid ni Jared ay nagsumamo sa Panginoon, nagsumamo na iligtas Niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa kalituhang ito (tingnan sa Eter 1:34–37), at tumugon ang Panginoon nang may habag. Nang gumawa ng mga gabara ang kapatid ni Jared at ang kanyang mga tao para makatawid sa karagatan, nagkaroon sila ng ilang malaking problema. Nanalangin ang kapatid ni Jared sa Panginoon nang may plano upang lutasin ang kanyang mga problema at mapagpakumbabang nagsumano nang may “labis na pananampalataya” (Eter 3:9) kaya nakita at nakausap niya ang Panginoon. Iniutos ng Panginoon kay Moroni na mahigpit na isara ang isinulat na pangitain ng kapatid ni Jared at ipinaliwanag na ang mga nakasulat na ito ay ihahayag kapag nagkaroon ng pananampalataya ang mga tao na kasinglakas ng pananampalataya ng kapatid ni Jared.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Eter 1

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong bigyang-inspirasyon ang mga estudyante na manalangin nang mas taimtim at palagian.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Eter 1:34–37 at markahan ang pariralang “magsumamo sa Panginoon.” Sabihin sa kanila na pumasok sa klase na handang ibahagi kung ano ang kahulugan ng pariralang ito para sa kanila at kung paano ito maaaring naiiba sa mga paraan ng ating pagdarasal kung minsan.

  • Mga Video:The Tower of Babel” (0:58); “Mga Sagot sa Panalangin” (12:39; manood mula sa time code na 2:16 hanggang 4:31)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag inanyayahan ang mga estudyante na isipin kunwari na hiniling sa kanila na maging bahagi ng panel tungkol sa pagpapataimtim ng kanilang mga panalangin, maaari mong sabihin sa kanila na pag-isipan ang mga tanong sa loob ng isa o dalawang minuto bago magbahagi. Upang makatulong na mas madama na ang aktibidad ay isang panel, maaari mong anyayahan ang mga magulang o iba pang mga kabataan na dumalo sa huling bahaging ito ng klase.

Eter 2

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na malaman kung paano hihingi ng tulong sa Panginoon sa paglutas ng kanilang mga problema.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga karanasan kung saan natanggap nila o ng kakilala nila ang tulong ng Panginoon sa paglutas ng mga problema.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong i-email sa mga estudyante ang chart para sa pag-aaral ng Eter 2. Bago ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room, maaari mong atasan ang isang estudyante sa bawat grupo na maging tagasulat at i-share ang kanilang screen upang magkakasamang mapunan ng kanilang grupo ang chart. Kapag tapos na ang mga grupo, anyayahan ang isa o dalawang grupo na i-share ang kanilang screen sa klase at ipakita ang nakumpleto nilang chart.

Eter 3

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na mapagpakumbabang manampalataya kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng tatlong taong hinahangaan nila sa kasaysayan ng Simbahan o sa mga banal na kasulatan at kung paano nagpakita ng pananampalataya kay Jesucristo ang mga taong ito.

  • Handout:Ang Pananampalataya ng Kapatid ni Jared

  • Mga Video:Faith and the Goal” (4:40); “Rebuilding My Faith When I Felt Lost” (6:26)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong hatiin ang klase sa mga breakout room na may tig-aapat na estudyante upang gawin ang aktibidad A, B, C, at D. Hilingin sa isang miyembro ng bawat grupo na maging lider at pagpasiyahan kung anong assignment ang ibibigay sa bawat kagrupo at ang pagkakasunud-sunod ng pagbabahagi nila. Kung kulang ang mga estudyante para sa eksaktong grupo na may tig-aapat na miyembro, maaari mong gawing tigtatatlong miyembro ang ilang grupo. Hindi kailangang ipakumpleto sa bawat grupo ang lahat ng apat na aktibidad.

Eter 4–5

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung ano ang magagawa nila para magkaroon ng karagdagang paghahayag.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Eter 4 bilang bahagi ng kanilang araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan, at maghanap ng mga katotohanan na makatutulong sa kanila na makatanggap ng karagdagang paghahayag mula sa Panginoon.

  • Item: Isang bagay na mahalaga sa iyo o sa iyong pamilya

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari kang magpadala ng mensahe bago magklase na nagsasabi sa ilang estudyante na magpakita ng isang bagay na mahalaga sa kanila o sa kanilang pamilya sa oras ng lesson.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 24

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong palalimin ang kanilang pag-unawa at maipaliwanag ang mga katotohanan na matatagpuan sa iba’t ibang doctrinal mastery passage mula sa Aklat ni Mormon.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na mapanalanging pumili ng isang doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon na gusto nilang mas maunawaan pa. Sabihin sa kanila na talakayin ang passage sa isang kapamilya, malapit na kaibigan, o lider ng Simbahan at pumasok sa klase na handang ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa passage mula sa kanilang talakayan.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong atasan ang bawat estudyante na magpadala ng mga tanong tungkol sa isang doctrinal mastery passage sa ibang estudyante. Maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng pag-assign sa bawat estudyante ng isang numero at paghiling sa kanila na ipadala ang kanilang mga tanong sa taong may numerong mas mataas ng isa sa numero nila (ang estudyanteng may pinakamataas na numero ay magpapadala ng mga tanong sa estudyanteng may numero isa). Pagkatapos ay sisikapin ng mga estudyante na sagutin ang mga tanong at ibabalik ang mga ito sa katapusan ng lesson.