Seminary
Doctrinal Mastery: Pagrerebyu ng Assessment 1: 1 Nephi 3:7 hanggang Mosias 18:8–10


“Doctrinal Mastery: Pagrerebyu ng Assessment 1: 1 Nephi 3:7 hanggang Mosias 18:8–10,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: Pagrerebyu ng Assessment 1,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Pagrerebyu ng Assessment 1

1 Nephi 3:7 hanggang Mosias 18:8–10

Ang pagrerebyung ito ng doctrinal mastery assessment ay ginawa bilang karanasan sa pagkatuto upang tulungan ang mga estudyante na rebyuhin ang 12 doctrinal mastery passage na matatagpuan sa 1 Nephi hanggang Mosias. Bibigyan sila nito ng pagkakataon na ipakita ang pagkaunawa at paggamit nila ng mga katotohanan na nasa mga passage na ito. Ginawa rin ito upang tulungang maghanda ang mga estudyante para sa darating na assessment (“Doctrinal Mastery: Assessment 1”).

Ang lesson sa pagrerebyu na ito ay nilayong gawing virtual o personal na karanasan sa pagkatuto.

Gamitin ang pagrerebyung ito at ibigay ang doctrinal mastery assessment anumang oras kapag naituro mo na ang lahat ng doctrinal mastery passage mula sa 1 Nephi hanggang Mosias. Maglaan ng sapat na oras sa pagitan ng pagrerebyung ito at ng assessment para mapag-aralan ng mga estudyante ang mga passage na hindi nila gaanong alam. Maaaring kailanganing i-adjust ang iskedyul ng pagtuturo para makumpleto ito upang maipasagot ang assessment bago matapos ang unang kalahati ng kurso.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga estudyante at piliin ang mga bahagi ng pagrerebyung ito na pinakamakatutulong sa kanila na maghanda para sa “Doctrinal Mastery: Assessment 1.” Sa buong pagrerebyu na ito, sabihin sa mga estudyante na isulat ang mga passage na hindi nila gaanong alam at magplano para pag-aralan at rebyuhin ang mga passage na iyon bilang paghahanda para sa assessment.

Ang mga sumusunod na quiz sa mga aktibidad sa pagrerebyu 1 at 2 ay ginawa upang matulungan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Maaaring gumamit ng iba’t ibang aktibidad para mahikayat ang mga estudyante sa proseso ng pagrerebyu. May ilang ideya na matatagpuan sa Doctrinal Mastery mobile app.

Aktibidad sa Pagrerebyu 1: Alamin ang mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Tulungan ang mga estudyante na magrebyu at maging handa na itugma ang mga sumusunod na scripture reference sa mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Hikayatin ang mga estudyante na isulat ang mga passage na hindi pa nila alam para patuloy nilang mapag-aralan ang mga ito bago kumuha ng assessment.

Ang isang paraan para mahikayat ang mga estudyante sa pagrerebyu na ito ay isulat ang bawat isa sa 12 scripture reference sa magkakahiwalay na piraso ng papel at isulat ang bawat isa sa 12 mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa magkakahiwalay na piraso ng papel. Pagkatapos ay idikit nang nakataob ang lahat ng 24 na piraso ng papel sa dingding sa iba’t ibang panig ng silid para hindi makita ng mga estudyante ang nakasulat sa mga papel.

Sabihin sa isang estudyante na pumili ng kahit alin sa mga piraso ng papel, buksan ito, at basahin ito. Sabihin sa lahat ng estudyante na isulat kung ano sa palagay nila ang katugma nitong reference o mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Pagkatapos ay sabihin sa estudyante ring iyon na itihaya ang isa pang papel para malaman kung magkatugma ang mga papel. Kung magkatugma ang mga ito, alisin na ang mga ito sa dingding. Kung hindi magkatugma ang mga ito, sabihin sa estudyante na idikit ulit ito sa pader para hindi ito mabasa ng mga estudyante. Pagkatapos ay tumawag ng isa pang estudyante para pumili ng susunod na dalawang papel. Ipagpatuloy ang prosesong ito hanggang sa makita na ang lahat ng magkakatugma at maalis na ang mga ito sa pader.

Mga sagot: 1-j, 2-c, 3-g, 4-a, 5-l, 6-f, 7-h, 8-i, 9-b, 10-e, 11-k, 12-d

Mahahalagang Parirala

Mga Scripture Reference

Mahahalagang Parirala

  1. “Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Mga Scripture Reference

  1. 1 Nephi 3:7

Mahahalagang Parirala

  1. “Sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Mga Scripture Reference

  1. 2 Nephi 2:25

Mahahalagang Parirala

  1. “Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Mga Scripture Reference

  1. 2 Nephi 2:27

Mahahalagang Parirala

  1. “Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Mga Scripture Reference

  1. 2 Nephi 26:33

Mahahalagang Parirala

  1. “[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.

Mga Scripture Reference

  1. 2 Nephi 28:30

Mahahalagang Parirala

  1. “Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Mga Scripture Reference

  1. 2 Nephi 32:3

Mahahalagang Parirala

  1. “Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Mga Scripture Reference

  1. 2 Nephi 32:8–9

Mahahalagang Parirala

  1. “[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Mga Scripture Reference

  1. Mosias 2:17

Mahahalagang Parirala

  1. “Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Mga Scripture Reference

  1. Mosias 2:41

Mahahalagang Parirala

  1. “Magbibigay [ang Diyos] sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Mga Scripture Reference

  1. Mosias 3:19

Mahahalagang Parirala

  1. “Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Mga Scripture Reference

  1. Mosias 4:9

Mahahalagang Parirala

  1. “Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Mga Scripture Reference

  1. Mosias 18:8–10

Aktibidad sa Pagrerebyu 2: Alamin ang mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Tulungan ang mga estudyante na rebyuhin ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa nakahihikayat na paraan. Hikayatin sila na isulat ang mga hindi pa nila alam para patuloy nilang mapag-aralan ang mga ito bago kumuha ng assessment.

Ang isang paraan para magawa ito ay mag-assign ng iba’t ibang mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa iba’t ibang estudyante. Sabihin sa bawat estudyante na pumili ng tatlong salita mula sa kanilang mahalagang parirala ng banal na kasulatan na gusto nilang tanggalin. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na magsalitan sa pagtayo at pagbabasa ng kanilang parirala na may mga patlang para sa mga salitang pinili nila na tanggalin habang sinusulat ng klase ang mga salitang iyon na angkop sa mga patlang.

Maaari mong piliing rebyuhin ang lahat ng 12 mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa ganitong paraan sa halip na sa mga sumusunod na iminungkahing passage lang.

Mga sagot: (1) makakapili; buhay; pagkabihag; (2) paglilingkod; kapwa-tao; Diyos; (3) likas; banal; pagbabayad-sala; (4) Diyos; maniwala; karunungan; (5) magpabinyag; saksi; nakikipagtipan

Punan ang patlang ng nawawalang salita o mga salita mula sa mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.

  1. ”Sila ay malayang ng kalayaan at na walang hanggan … o … ng at kamatayan” (2 Nephi 2:27).

  2. “Kung kayo ay nasa ng inyong , kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong ” (Mosias 2:17).

  3. ”Hubarin ang na tao at maging sa pamamagitan ng ni Cristo, ang Panginoon” (Mosias 3:19).

  4. “Maniwala sa ; … na taglay niya ang lahat ng ” (Mosias 4:9).

  5. sa pangalan ng Panginoon, bilang … na kayo ay sa kanya” (Mosias 18:8–10).

Aktibidad sa Pagrerebyu 3: Ipamuhay ang doktrina

Ang sumusunod na aktibidad ay tutulong sa mga estudyante na ipakita ang kanilang pag-unawa sa mga katotohanan sa mga doctrinal mastery passage sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na ipaliwanag kung paano maipamumuhay ang mga passage sa mga sitwasyon sa tunay na buhay. Maaaring gamitin ng mga estudyante ang kanilang mga banal na kasulatan upang matulungan silang pumili ng isa o mahigit pang doctrinal mastery passage na sa palagay nila ay makatutulong sa taong inilarawan sa bawat sitwasyon. Sabihin sa kanila na ipaliwanag kung paano makatutulong sa taong iyon ang (mga) passage na pinili nila. Maaaring gumamit ng maraming doctrinal mastery passage sa bawat sitwasyon.

  1. Isang binatilyo ang kinakailangang gumawa ng isang mahalagang desisyon na maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kanyang hinaharap. Kinakabahan siya at hindi siya sigurado sa pipiliin niya.

  2. Hindi sinusuportahan ng mga magulang ng isang dalagita ang kanyang desisyon na sundin ang mga kautusan ng Diyos. Gusto niyang maging masunurin, ngunit tila napakahirap nito sa kanyang sitwasyon.

  3. Isa sa mga kaibigan mo ang kinukutya ng kanyang mga kaklase dahil sa pamumuhay niya ng ebanghelyo ni Jesucristo. Gusto mong tiyakin sa kanya na sulit na manatiling tapat sa kanyang mga tipan.

Matapos talakayin ng mga estudyante ang tatlong naunang sitwasyon, maaari mo silang anyayahang makipagtulungan sa isang kapartner para gumawa ng mga karagdagang sitwasyon. Maaaring pumili ang bawat estudyante ng isang doctrinal mastery passage para sa kanilang kapartner. Pagkatapos, gamit ang passage na pinili ng kapartner nila para sa kanila, maaaring mag-isip at magbahagi ang mga estudyante ng isang sitwasyon kung saan makatutulong sa isang tao ang scripture passage na iyon.

Aktibidad sa Pagrerebyu 4: Gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Maaari mong gamitin ang sumusunod na sitwasyon upang matulungan ang mga estudyante na marebyu ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaaring makatulong sa mga estudyante na isadula ang aktibidad na ito sa mga grupo na may tigtatatlong miyembro, kung saan magpapaliwanag ang bawat estudyante ng magkakaibang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

May kaibigan ka na nagtatanong kung bakit ang ilang bagay na itinuro sa kanya kamakailan sa paaralan ay tila salungat sa itinuro ng Diyos sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan at ng mga makabagong propeta.

Ituro sa iyong kaibigan ang sumusunod na tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at kung paano niya magagamit ang mga ito upang humingi ng tulong sa Ama sa Langit para sa kanyang mga alalahanin.

  • Kumilos nang may pananampalataya

  • Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na maggrupu-grupo na may tigtatatlong estudyante, kung saan isusulat ng bawat estudyante ang kanyang sagot sa isa sa mga sumusunod na tanong sa isang papel.

Pagkatapos, sabihin sa mga estudyante na magpalitan ng papel at isulat sa papel ng ibang estudyante ang nagustuhan nila sa sagot ng estudyanteng iyon. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na magpalitan ulit ng papel para makatugon sila sa dalawang kagrupo nila. At ang huli, sabihin sa kanila na kunin ang sarili nilang papel at basahin ang mga sagot ng kanilang mga kagrupo.

  • Aling mga doctrinal mastery passage mula sa 1 Nephi hanggang Mosias ang maaaring makatulong sa iyong kaibigan? Paano makatutulong ang mga passage na ito?

  • Paano makatutulong na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman kapag naghahanap tayo ng mga sagot sa ating mga tanong o alalahanin?

  • Paano mo nagamit ang mga alituntuning ito upang matulungan ang iba o upang malutas ang sarili mong mga alalahanin?

Aktibidad sa Pagrerebyu 5: Mga passage na may espesyal na kahulugan sa iyong buhay

Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang isang doctrinal mastery passage na nakaapekto sa kanila habang pinag-aaralan nila ang Aklat ni Mormon. Maaari silang pumili ng isang passage na nakatulong sa kanila na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Ipaliwanag na magkakaroon sila ng pagkakataong ibahagi ang scripture passage na pinili nila bilang bahagi ng assessment.

icon ng handoutMaaari mong ipamahagi ang sumusunod na handout sa mga estudyante upang matulungan silang maghanda para sa assessment (“Doctrinal Mastery: Assessment 1”).

Doctrinal Mastery: Assessment 1—Gabay sa Pag-aaral

Isaulo ang reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan

Maging pamilyar sa mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Maaari mong i-download at gamitin ang Doctrinal Mastery mobile app upang matulungan kang magrebyu.

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Scripture Reference

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Scripture Reference

2 Nephi 28:30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magbibigay [ang Diyos] sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Scripture Reference

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Scripture Reference

Mosias 2:41

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Scripture Reference

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Scripture Reference

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Scripture Reference

Mosias 18:8–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”

Gamitin ang doktrina sa mga sitwasyon sa tunay na buhay

  • Gumamit ng isa o mahigit pang doctrinal mastery scripture passage upang tulungan ang isang taong humihingi ng payo sa paggawa ng mahahalagang desisyon sa kanyang buhay.

  • Pumili ng isa o mahigit pang talata para tulungan ang isang tao na nahihirapang sundin ang mga kautusan ng Diyos dahil sa kanilang sitwasyon.

  • Pumili ng alinman sa mga doctrinal mastery passage at mag-isip ng isang sitwasyon kung saan ang mga katotohanang itinuro sa passage na iyan ay makatutulong sa isang teenager sa kanyang buhay. Kung maaari, mag-isip ng mga tunay na sitwasyon na alam mo o naranasan mo na mismo.

  • Maging handang ibahagi kung alin sa mga doctrinal mastery passage ang lubos na nakaimpluwensya sa iyo. Ano ang itinuturo sa iyo ng scripture passage na ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Rebyuhin ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023). Pag-isipan kung paano mo magagamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para tulungan ang isang tao na madaig ang isang hamon o alalahanin na kinakaharap niya.