Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 10: Ang Aklat ni Mormon; 1 Nephi–Moroni


“I-assess ang Iyong Pagkatuto 10: Ang Aklat ni Mormon; 1 Nephi–Moroni,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“I-assess ang Iyong Pagkatuto 10,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

I-assess ang Iyong Pagkatuto 10

Ang Aklat ni Mormon; 1 Nephi–Moroni

isang taong nagbabasa ng Aklat ni Mormon

Ang pagninilay at pag-assess ng iyong espirituwal na natutuhan ay makatutulong sa iyo na mas mapalapit sa Tagapagligtas at mapalakas ang iyong pagbabalik-loob. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang suriin ang progreso at pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Aklat ni Mormon ngayong taon.

Sabihin sa mga estudyante na isulat ang mga nadarama at impresyon nila. Ipaalala sa mga estudyante na makapagtuturo sa kanila ang Espiritu Santo ng mga bagay sa oras ng klase na hindi sinasambit nang malakas. Kapag isinusulat ng mga estudyante ang mga espirituwal na impresyong ito, nadaragdagan nila ang kanilang kakayahang makilala ang Espiritu at matuto sa pamamagitan Niya. Dahil dito, patuloy na magagabayan ng Panginoon ang kanilang buhay.

Paghahanda ng estudyante: Maaaring pagnilayan ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral ng Aklat ni Mormon at maghandang ibahagi ang isang ideya o katotohanan na natutuhan nila na nagpaibayo ng kanilang pagmamahal kay Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Sa lesson na ito, magkakaroon ang mga estudyante ng mga pagkakataong pagnilayan kung paano nakatulong sa kanila ang Aklat ni Mormon na magkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo at mas magbalik-loob sa Kanya. Kung makatutulong na pagtuunan ng pansin ang mga partikular na mga katotohanan na napag-aralan ng mga estudyante sa Aklat ni Mormon, maaari mong iakma ang mga aktibidad para maisama ang mga katotohanang iyon. Maaaring kumpletuhin ng mga estudyante ang mga aktibidad sa anumang pagkakasunud-sunod.

Ano ang nadarama mo tungkol sa Aklat ni Mormon?

Ang bahaging ito ng lesson ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na pag-isipan kung paano nakaimpluwensya ang pag-aaral nila ng Aklat ni Mormon ngayong taong ito sa kanilang nadarama at patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na tanong para makapagsimula ng talakayan sa iyong mga estudyante.

Inanyayahan tayo ni Pangulong Russell M. Nelson na pag-isipan ang tatlong tanong na may kaugnayan sa Aklat ni Mormon:

Maaari mong idispley sa pisara ang tatlong tanong sa sumusunod na pahayag.

Una, ano kaya ang magiging buhay ninyo kung wala ang Aklat ni Mormon? Pangalawa, ano ang hindi ninyo malalaman? At pangatlo, ano ang hindi mapapasainyo? (Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?,” Liahona, Nob. 2017, 61)

Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang tatlong tanong sa pahayag ni Pangulong Nelson. Depende sa iyong mga estudyante, maaari mo silang bigyan ng oras na talakayin ang mga ito sa maliliit na grupo bago talakayin ito ng buong klase. Habang sumasagot ang mga estudyante, makinig nang mabuti, at magbigay ng mga follow-up na tanong para matulungan sila na maipahayag nang mas malinaw at malalim ang kanilang mga naisip.

Ano ang nauunawaan mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Ang sumusunod na bahagi ay makatutulong sa mga estudyante na maipaliwanag ang iba’t ibang turo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Inilarawan ni Pangulong Russell M. Nelson ang isa sa mahahalagang ginagampanan ng Aklat ni Mormon:

May makapangyarihang nangyayari kapag hangad ng isang anak ng Diyos na malaman pa ang tungkol sa Kanya at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak. Walang ibang lugar na itinuro ito nang mas malinaw at makapangyarihan kaysa sa Aklat ni Mormon. (Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?,” Liahona, Nob. 2017, 61)

Pag-isipan sandali ang natutuhan mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo nang pag-aralan mo ang Aklat ni Mormon sa taong ito. Maaari mong rebyuhin ang iyong mga banal na kasulatan at study journal para sa mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na minarkahan o isinulat mo sa buong taon. Maglista ng tatlo o apat na katotohanan sa iyong study journal na pinakamakabuluhan sa iyo.

Pagkatapos rebyuhin ng mga estudyante ang kanilang study journal o banal na kasulatan, maaari nilang ilista ang mga makabuluhang katotohanan sa pisara. Maaari ding magsama ang mga estudyante ng mga ideya mula sa kanilang paghahanda sa klase.

Para mahikayat ang mga estudyante na makaalala o matulungan ang mga estudyante na nahihirapang magbasa, maaari mong ipanood ang isa sa mga video ng Aklat ni Mormon na kasama sa “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral.”

Maghanap ng kahit isang scripture passage na sumusuporta sa bawat katotohanang inilista mo sa iyong study journal. Isulat ang scripture reference sa tabi ng bawat katotohanan, at ipaliwanag kung paano mo magagamit ang scripture passage para ituro ang katotohanang iyon.

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa paghahanap ng mga passage sa Aklat ni Mormon na nagtuturo ng mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, maaari mong ibahagi sa kanila ang ilan sa mga sumusunod. Maging alerto at handa sa pagtulong sa mga estudyante na maaaring nangangailangan ng karagdagang tulong.

Maglaan ng oras para maibahagi ng mga estudyante sa klase ang mga turo sa Aklat ni Mormon na pinili nila. Maaaring magbahagi ang mga estudyante sa buong klase, o maaari silang hatiin sa mas maliliit na grupo.

Paano nakaimpluwensya ang Aklat ni Mormon sa iyong paraan ng pamumuhay?

Ang sumusunod na bahagi ay makatutulong sa mga estudyante na pag-isipan at ipahayag kung paano nila pinagsisikapang ipamuhay ang doktrina at mga turo ng Aklat ni Mormon.

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Propetang Joseph Smith (1805–44), at alamin ang itinuro niya tungkol sa kapangyarihan ng Aklat ni Mormon:

Paalala: Maaaring hanapin at basahin ng mga estudyante ang sumusunod na pahayag sa ikaanim na talata ng pambungad sa Aklat ni Mormon.

ang Propetang Joseph Smith

© 1998 David Lindsley

Sinabi ko sa mga kapatid na ang Aklat ni Mormon ang pinakatumpak sa anumang aklat sa mundo, at ang saligang bato ng ating relihiyon, at ang isang tao ay malalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin nito, nang higit kaysa sa pamamagitan ng alin mang aklat. (Pambungad sa Aklat ni Mormon; tingnan din sa History of the Church, 4:461)

Ang ibig sabihin ng “pagsunod sa mga tuntunin nito” ay ipamuhay ang mga alituntunin at turo na nakapaloob sa Aklat ni Mormon. Pagnilayan sandali kung paano naimpluwensyahan ang iyong mga iniisip, ugali, o kilos dahil sa natutuhan mo mula sa Aklat ni Mormon.

Bigyan ng oras ang mga estudyante na sagutin ang isa sa mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal. Hikayatin silang mag-isip nang mabuti at anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan sila na makita kung paano nakaapekto ang mga turo ng Aklat ni Mormon sa kanilang buhay.

  • Paano nakatulong ang pag-aaral mo ng Aklat ni Mormon para mas mapalapit ka sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

  • Ano ang ilang partikular na turo na naipamuhay mo mula sa iyong pag-aaral ng Aklat ni Mormon?

  • Anong mga pagpapala ang naranasan mo habang regular mong pinag-aaralan ang Aklat ni Mormon?

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga tugon. Kung may oras pa, ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon at ang mga makabuluhang turo na nakaimpluwensya sa iyong buhay.