Seminary
Doctrinal Mastery: Moroni 10:4–5—“At sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo, Malalaman Ninyo ang Katotohanan ng Lahat ng Bagay”


“Doctrinal Mastery: Moroni 10:4–5—‘At sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo, Malalaman Ninyo ang Katotohanan ng Lahat ng Bagay,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: Moroni 10:4–5,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Moroni 10:4–5

“Sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo, Malalaman Ninyo ang Katotohanan ng Lahat ng Bagay”

binatilyong nagdarasal

Sa iyong pag-aaral ng Moroni 10:1–7, nalaman mo na kung magtatanong tayo sa Diyos nang may matapat na puso, tunay na layunin, at pananampalataya kay Cristo, malalaman natin na ang Aklat ni Mormon ay totoo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Moroni 10:4–5, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa totoong buhay.

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay isang banal na huwaran. Sa mga banal na kasulatan, palaging inaanyayahan ng Panginoon ang Kanyang mga anak na humingi, humanap, at tumuktok (para sa mga halimbawa, tingnan sa Mateo 7:7–8; 1 Nephi 15:11; Doktrina at mga Tipan 18:18, 42:61). Habang nagsasanay ang mga estudyante sa paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, ipaalala sa kanila na maging tapat at matiyaga sa paghahanap ng mga sagot. Patotohanan na makakaasa tayo sa Ama sa Langit na ihahayag Niya ang katotohanan sa ating puso at isipan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isaulo ang scripture reference at mahalagang scripture passage para sa Moroni 10:4–5: “[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo. … At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ginawa upang maituro pagkatapos ng lesson na “Moroni 10:1–7,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na Moroni 10:4–5. Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggong iyon.

Isaulo at ipaliwanag

Maaari kang magsimula sa pag-anyaya sa mga nakakumpleto na ng aktibidad sa paghahanda ng estudyante na bigkasin nang walang kopya ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Moroni 10:4–5.

Maaaring gamitin ang sumusunod na aktibidad para matulungan ang mga estudyante kung hindi nila ito ginawa bago magklase. Maaaring magsalitan ang mga estudyante sa pag-uulit ng bawat isa sa sumusunod na mga segment nang may kapartner hanggang sa mabigkas nila ang scripture reference at ang buong mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang mag-isa.

  • Moroni 10:4–5

  • “[Magtanong] nang may matapat na puso,

  • Na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo. …

  • At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo

  • Malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Pakinggang mabuti ang mga sagot ng mga estudyante sa sumusunod na tanong upang matulungan kang malaman kung gaano nila nauunawaan ang itinuro ni Moroni sa passage na ito.

  • Ano ang maaaring gawin ng isang tao upang magkaroon ng patotoo na ang Aklat ni Mormon ay totoo?

Pagsasanay ng pagsasabuhay

Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong rebyuhin ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Ang isang paraan para gawin ito ay sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ipaliwanag kung paano ito naging makabuluhan sa kanila.

Maaari mong gamitin ang sumusunod na sitwasyon o isang sitwasyong mas nauugnay sa iyong mga estudyante para matulungan silang magsanay na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

May iba pang mungkahing makikita sa bahaging “Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” sa katapusan ng lesson na ito.

Isiping naka-post ang sumusunod na sitwasyon sa bahaging “Mga Tanong at mga Sagot” ng magasing Para sa Lakas ng mga Kabataan. Para makakita ng halimbawa, tingnan ang bagong isyu sa ChurchofJesusChrist.org.

  • “Halos buong buhay ko ay miyembro na ako ng Simbahan. Sinisikap kong sundin ang mga kautusan, basahin ang aking mga banal na kasulatan, manalangin, at magsimba. Naririnig kong ibinabahagi ng ibang tao ang kanilang mga karanasan tungkol sa pagkaalam nila na totoo ang Aklat ni Mormon. Bakit hindi ako binibigyan ng Diyos ng gayon ding karanasan?”

Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo. Maaari nilang talakayin kung paano makatutulong ang paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang tao na may alalahanin na katulad ng nasa sitwasyon sa itaas.

  • Aling alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ang una mong imumungkahing pag-isipan ng taong ito? Bakit?

  • Paano makatutulong ang doktrinang itinuro sa Moroni 10:4–5 para magamit mo ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa sitwasyong ito?

Sa pagbabahagi ng mga estudyante, tiyaking alam nila na walang tama o maling sagot. Bilang bahagi ng talakayan, kung mapapansin mo na hindi nabanggit ng klase ang lahat ng tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, maaari kang magtanong tungkol sa mga alituntuning hindi nila nabanggit. Maaari mong itanong ang ilan sa mga sumusunod bilang bahagi ng talakayang ito.

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Aling mga salita o parirala sa Moroni 10:4–5 ang imumungkahi mong pag-aralan at unawain nang mas mabuti ng taong ito? Bakit?

  • Ano ang ilang sources na ibinigay ng Diyos na makatutulong sa taong ito na magkaroon ng personal na patotoo sa katotohanan ng Aklat ni Mormon?

Kumilos nang may pananampalataya

  • Paano kaya maipapamuhay ang ilan sa mga paanyaya ni Moroni mula sa Moroni 10:4–5 sa sitwasyong ito? Paano nauugnay ang mga ito sa pagkilos nang may pananampalataya?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Anong mga katotohanan tungkol sa Diyos, sa paraan ng pakikipag-ugnayan Niya sa Kanyang mga anak, at sa Kanyang pananaw ang makatutulong sa isang tao sa sitwasyong ito?

  • Paano mo magagamit ang doktrinang itinuro sa Moroni 10:4–5 para makatulong sa iba pang mga tanong na hindi nauugnay sa Aklat ni Mormon?

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Ang aktibidad sa pagrerebyu na gaya ng sa sumusunod ay dapat gamitin sa lesson na ituturo kaagad pagkatapos nito.

Ipaalala sa mga estudyante ang aktibidad na ginawa nila para maisaulo ang scripture passage at mahalagang parirala ng banal na kasulatan na “Moroni 10:4–5: [Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo. … At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.” Anyayahan ang sinumang estudyante na kabisado pa rin ito na bigkasin ito para sa klase. Kung kailangan ng iba ng tulong, maaari mong idispley sa pisara ang reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Pailan-ilang magbura ng mga salita at ipabigkas sa mga estudyante ang parirala hanggang sa maalala nila ito.