Seminary
Moroni 10: Buod


“Moroni 10: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Moroni 10,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Moroni 10

Buod

Sa ilan sa kanyang mga huling isinulat, binigyang-diin ni Moroni na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng katotohanan. Itinuro niya na kung magtatanong tayo sa Diyos nang may matapat na puso, tunay na layunin, at may pananampalataya kay Cristo, malalaman natin na ang Aklat ni Mormon ay totoo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Pinatotohanan niya ang tungkol sa mga kaloob na ibinibigay ng Diyos sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ng Espiritu para sa kapakinabangan nila. Sa mga huling talata ng Aklat ni Mormon, inanyayahan ni Moroni ang lahat na sundin ang Tagapagligtas at maging ganap sa kanya.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Moroni 10:1–7

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na malaman sa kanilang sarili na totoo ang Aklat ni Mormon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Moroni 10:1–7, at hanapin ang anumang salita o parirala na tutulong sa kanila na maunawaan kung ano ang kailangan para malaman ang katotohanan tungkol sa Aklat ni Mormon.

  • Mga Video:Inaanyayahan ni Moroni ang Lahat ng Tao na Lumapit kay Cristo” (8:37; panoorin mula sa time code na 4:39 hanggang 5:32); “Isang Buhay na Patotoo” (20:29; panoorin mula sa time code na 13:51 hanggang 14:31)

  • Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa aktibidad na inorganisa ayon sa tatlong parirala ng payo ni Moroni

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga breakout group para talakayin ang tatlong parirala ng payo ni Moroni gamit ang nilalaman na kasama sa lesson. Tiyaking kopyahin ang nilalaman para sa bawat grupo at ibahagi ito sa kanila sa chat o sa pamamagitan ng email para magabayan ang kanilang talakayan.

Doctrinal Mastery: Moroni 10:4–5

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Moroni 10:4–5, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isaulo ang scripture reference at mahalagang scripture passage para sa Moroni 10:4–5: “[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo. … At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Matapos ang oras na nakapaghanda ang mga estudyante ng kanilang sagot sa post na “Mga Tanong at mga Sagot”, bigyan sila ng oras para magbahagi. Maaari itong gawin nang magkakapartner, sa maliliit na grupo sa breakout room, o sa buong klase.

Moroni 10:8–25

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na sikaping matamo ang mga kaloob ng Espiritu.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na alamin ang tungkol sa mga kaloob ng Espiritu. Maaari nilang gamitin ang mga tulong sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan tulad ng entry sa Mga Paksa ng Ebanghelyo na “Mga Espirituwal na Kaloob” (topics.ChurchofJesusChrist.org).

  • Video:Maglingkod nang May Espiritu” (19:12; panoorin mula sa time code na 5:33 hanggang 5:48)

Moroni 10:26–34

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na “lumapit kay Cristo, at maging ganap sa kanya” (Moroni 10:32).

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang ibahagi kung ano sa palagay nila ang ibig sabihin ng pariralang “lumapit kay Cristo.” Maaaring hanapin ng mga estudyante ang parirala sa Gospel Library app kung kailangan nila ng tulong.

  • Mga bagay: Ilang item (o mga larawan ng mga item) na may mga partikular na paggamit

  • Nilalamang ipapakita: Ang chart kung saan nakalista ang mga paanyaya ni Moroni at ang mga pangako ng Ama sa Langit

  • Video:Come unto Christ: 2014 Theme Song” (4:48)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaaring gamitin ng mga estudyante ang chat feature para ibahagi ang kahulugan ng mga paanyaya at pangako ni Moroni sa sarili nilang salita (tingnan sa Moroni 10:30–34).

I-assess ang Iyong Pagkatuto 10

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na suriin ang progreso at pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Aklat ni Mormon ngayong taon.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaaring pagnilayan ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral ng Aklat ni Mormon at maghandang ibahagi ang isang ideya o katotohanan na natutuhan nila na nagpaibayo ng kanilang pagmamahal kay Jesucristo.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para sa bahaging “Ano ang nauunawaan mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?” maaari mong ipagamit sa mga estudyante ang whiteboard o chat function upang ibahagi ang mga katotohanang natutuhan nila mula sa Aklat ni Mormon tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.