Seminary
Moroni 8: “Ang Maliliit na Bata ay Buhay kay Cristo”


“Moroni 8: ‘Ang Maliliit na Bata ay Buhay kay Cristo,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Moroni 8,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Moroni 8

“Ang Maliliit na Bata ay Buhay kay Cristo”

maliit na batang lalaki na pinaglalaruan ang isang relo

Sa kanyang mga isinulat, ibinahagi ni propetang Moroni ang isang liham na isinulat sa kanya ng kanyang amang si Mormon tungkol sa pagbibinyag sa maliliit na bata. Ang mga isinulat ni Mormon tungkol sa paksa ay nagmula sa paghahayag na natanggap niya mula kay Jesucristo. Ang paghahayag ay nagpapakita ng kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas at kung paano ito nakakaapekto sa maliliit na bata. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang mas maunawaan kung bakit hindi kailangang binyagan ang maliliit na bata at kung ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong talakayin ang mga katotohanan ng ebanghelyo. Maglaan ng oras para masabi ng mga estudyante ang natututuhan nila tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo. Makatutulong ito sa mga estudyante na maisapuso at maalala ang mga katotohanang ito at maipahayag ang mga ito nang malinaw. Ang gawaing ito ay makapagpapataas din sa kumpiyansa ng mga estudyante na maibabahagi nila ang mga katotohanan sa iba pang mga sitwasyon.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong ibahagi ang kuwento mula sa simula ng lesson o ang isang bagay na katulad nito at sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano sila tutugon sa sitwasyon.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Paano ka tutugon?

Maaari mong ipanood ang sumusunod na video o ibahagi ang kuwento sa sarili mong mga salita.

Basahin ang sumusunod na kuwento na ibinahagi ni Pangulong Boyd K. Packer (1924–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol sa kanyang mensaheng “Papatnubayan Sila ng Munting Bata” sa ChurchofJesusChrist.org. Kunwari ay isa ka sa mga missionary na nasa sitwasyon.

16:55

May dalawang misyonerong naglingkod sa kabundukan ng katimugang Estados Unidos. Isang araw, mula sa tuktok ng isang burol, nakakita sila ng mga taong nagtitipon sa kapatagan sa ibaba. Madalang magkaroon ng maraming matuturuan ang mga misyonero, kaya’t bumaba sila sa kapatagan.

Nalunod ang isang batang lalaki, at idaraos ang libing. Ipinasundo ng kanyang mga magulang ang ministro upang “basbasan” ang kanilang anak. Nanatili sa likuran ang mga misyonero samantalang hinaharap ng palakad-lakad na ministro ang nagdadalamhating ama at ina at sinimulan ang kanyang sermon. Kung umasa ang mga magulang na makatanggap ng pag-alo mula sa lalaking ito na nakaabito, masisiphayo sila.

Pinagalitan niya ang mga magulang sa hindi pagpapabinyag sa bata. Ipinagpaliban nila ito sa kung anong dahilan, at ngayon ay huli na ang lahat. Tuwiran niyang sinabi sa kanila na ang kanilang anak ay napunta sa impiyerno. Sila ang may kasalanan. Sila ang sisisihin sa kanyang walang katapusang kaparusahan.

Nang matapos ang sermon at natabunan na ang puntod, nilapitan ng mga elder ang nagdadalamhating mga magulang. “Kami po ay mga lingkod ng Panginoon,” ang sabi nila sa ina, “at naparito kami para maghatid ng mensahe sa inyo.” (Boyd K. Packer, “Papatnubayan Sila ng Munting Bata,” Liahona, Mayo 2012, 7)

I-rate ang sagot mo sa sumusunod na tanong sa scale na 1 hanggang 4, gamit ang (1) wala talagang kumpiyansa, (2) medyo may kumpiyansa, (3) may kumpiyansa, at (4) talagang may kumpiyansa.

  • Gaano ka kakumpiyansa kapag tinuruan at inalo mo ang mga nagdadalamhating magulang na ito at tinulungan mo sila na madama ang pagmamahal ng Panginoon?

Magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataon kalaunan sa lesson na ibahagi kung paano sila tutugon sa sitwasyon.

Habang pinag-aaralan mo ang Moroni 8, isipin kung paano mo matutulungan ang mga magulang na ito na mas maunawaan ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo kaugnay ng maliliit na bata. Pag-isipan din kung paano makatutulong sa iyo ang mga katotohanan mula sa Moroni 8 na mas maunawaan ang kabutihan at awa ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Ang maliliit na bata ay buo

Hindi nagtagal, matapos tawagin sa ministeryo ni Jesucristo, nakatanggap si Moroni ng liham mula sa kanyang amang si Mormon. Sumulat si Mormon sa kanyang “minamahal na anak” (Moroni 8:2) na “lagi [niya itong] naaalala sa [kanyang] mga panalangin” (Moroni 8:3). Pinayuhan niya si Moroni tungkol sa mga pagtatala ng mga Nephita tungkol sa pagbibinyag sa maliliit na bata. Kalaunan sa kanyang buhay, idinagdag ni Moroni ang liham na ito sa kanyang isinulat sa mga laminang ginto.

Basahin ang Moroni 8:4–8, at alamin ang reaksyon ni Mormon nang marinig niya ang tungkol sa pagtatalo.

Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng anumang natutuhan nila mula sa mga talatang ito.

Maaari mong iguhit sa pisara ang sumusunod na chart at ilagay ang mga sagot ng mga estudyante sa mga naaangkop na column. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung bakit mahalaga o makabuluhan ang mga natutuhan nila.

Kopyahin ang sumusunod na chart sa iyong study journal, at isulat ang natutuhan mo mula sa mga talatang ito. Magdaragdag ka sa chart na ito kalaunan sa lesson.

Bakit hindi kailangang binyagan ang maliliit na bata

Ang natutuhan natin tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo

Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa mga talatang ito ay na ang maliliit na bata ay buo sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Ang paggamit ng mga talababa o footnote ay isang kapaki-pakinabang na tool sa pag-aaral ng banal na kasulatan. Pansinin ang footnote c sa tabi ng salitang “buo” sa talata 8.

Basahin ang kahit isa sa mga sumusunod na talata mula sa footnote, at alamin kung bakit ang maliliit na bata ay buo:

  • Ano ang ibig sabihin sa Moroni 8:8 na “ang maliliit na bata ay buo”?

Hindi kailangang binyagan ang maliliit na bata

Maaari mong pagpartner-partnerin ang mga estudyante at anyayahan ang bawat magkapartner na basahin ang isa sa mga sumusunod na grupo ng mga talata.

Nagbigay si Mormon ng mga karagdagang kaalaman na makatutulong sa atin na malaman pa ang tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo mula sa doktrinang ito tungkol sa mga bata. Basahin ang mga sumusunod na talata, at maghanap ng mahahalagang bagay na maidaragdag mo sa dalawang column ng iyong chart.

Sabihin sa mga estudyante na magdagdag sa chart. Kung makatutulong, maaari mong itanong kung anong mga maling ideya ng mga tao ang itinatama ng mga talatang ito.

Tingnan sandali ang mga katotohanang isinulat mo sa pangalawang column ng chart. Pag-isipan ang sumusunod na tanong:

  • Paano makatutulong sa ating buhay ngayon ang pag-unawa sa mga katotohanang ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Anyayahan ang ilang estudyante na sagutin ang tanong sa itaas. Kung makatutulong, maaari mong sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga sitwasyon na maaaring maranasan nila kung saan makatutulong ang kaalaman nila sa mga katotohanang ito. Maaaring kabilang dito ang kapag natutukso sila o ang iba na maniwala na ilang tao lang ang tinutulutan ng Diyos na maligtas. Sundin ang mga pahiwatig ng Espiritu, at maghanap ng mga pagkakataon na matulungan ang mga estudyante na madama ang pagmamahal ng Panginoon.

Isiping muli ang kuwento tungkol sa dalawang missionary sa simula ng lesson.

  • Batay sa natutuhan mo ngayong araw, ano ang sasabihin mo sa mga magulang ng batang ito para matulungan silang magkaroon ng kapayapaan kay Jesucristo?

Sabihin sa mga estudyante na sumulat ng sagot sa tanong na ito gamit ang dalawang talata o mahigit pa na napag-aralan nila sa lesson na ito. Ang isa pang opsiyon ay sabihin ng mga estudyante ang kanilang sagot sa isang dula-dulaan sa halip na isulat lamang ito. Tiyakin na nauunawaan ng mga estudyante na ang layunin ng gawaing ito ay tulungan ang mga tao na makadama ng pag-asa at kapayapaan sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo; hindi upang batikusin ang mga kaugaliang panrelihiyon ng iba.