Seminary
Doctrinal Mastery: Moroni 7:45–48—“Ang Pag-ibig sa Kapwa-tao ay Dalisay na Pag-ibig ni Cristo”


“Doctrinal Mastery: Moroni 7:45–48—‘Ang Pag-ibig sa Kapwa-tao ay Dalisay na Pag-ibig ni Cristo,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: Moroni 7:45–48,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Moroni 7:45–48

“Ang Pag-ibig sa Kapwa-tao ay Dalisay na Pag-ibig ni Cristo”

dalawang babaeng magkayakap

Sa iyong pag-aaral ng Moroni 7:44–48, natutuhan mo kung paano sikaping magkaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao, ang dalisay na pag-ibig ni Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Moroni 7:45–48, maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Hikayatin ang madalas na pag-uulit ng doctrinal mastery. Hikayatin ang mga estudyante na patuloy na magpakahusay sa mga doctrinal mastery scripture passage at gamitin ang mga ito. Ipaalala sa kanila na ang pagsasabuhay ng walang-hanggang doktrinang natutuhan nila mula sa mga passage na ito ay magbibigay ng espirituwal na direksyon at patnubay sa buong buhay nila.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga sitwasyon na naranasan o nasaksihan nila kung saan maipapakita nila ang pag-ibig sa kapwa-tao.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ginawa upang maituro pagkatapos ng lesson na “Moroni 7:44–48,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na Moroni 7:45–48. Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggong iyon.

Ipaliwanag at isaulo

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na gumawa nang may ka-partner para kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad. Sabihin sa ilang magkakapartner na estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga sagot.

Isipin na habang tinatalakay ninyo ng iyong pamilya ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, habang pinag-uusapan ang kahulugan ng pag-ibig sa kapwa-tao, sinabi ng nakababata mong kapatid na lalaki na, “Hindi ba’t ang pag-ibig sa kapwa-tao ay paggawa lamang ng mabubuting bagay para sa mga tao?” Sinabi mo sa kapatid mo na ang pagiging mabait ay bahagi ng pag-ibig sa kapwa-tao ngunit marami ka pang natutuhan sa seminary tungkol dito.

  • Anong iba pang mga detalye tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao ang sasabihin mo sa iyong kapatid?

Tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang scripture reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Moroni 7:45–48. Maaari mong kopyahin ang sumusunod na larawan sa pisara at anyayahan ang isang estudyante na ayusin ang pagkakasunud-sunod ng scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa pamamagitan ng pagsulat ng mga ito nang tama sa loob ng puso. Burahin ang loob ng puso, at sabihin sa isa pang estudyante na kumpletuhin ang aktibidad. Hikayatin ang bawat estudyante na magdrowing ng puso sa kanilang study journal at isulat nang tama sa loob nito ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Sabihin sa buong klase na sabay-sabay na bigkasin ang mga ito nang malakas.

drowing na puso na pinapalibutan ng scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Moroni 7:45–48 na hindi nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod nito

Pagsasanay ng pagsasabuhay

Upang matulungan ang iyong mga estudyante na marebyu ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, maaari mong paghalu-haluin ang mga salita ng lahat ng tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, tulad ng makikita sa ibaba. Isulat sa pisara ang mga pinaghalu-halong bersiyon at sabihin sa mga estudyante na itama ang bawat alituntunin nang mag-isa nang walang kopya. Kung kinakailangan, maaaring rebyuhin ng mga estudyante ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023). Pagkatapos ng sapat na oras, papuntahin ang tatlong estudyante sa pisara at ipasulat nang tama ang bawat isa sa mga alituntunin.

  1. Sumuri nang may pananampalataya.

  2. Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.

  3. Pag-aralan ang mga konsepto at tanong gamit ang mga sources na itinalaga ng Diyos.

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga sitwasyong nasaksihan o naranasan nila kung saan makapagpapakita ng pag-ibig sa kapwa-tao ang mga kabataan, o gamitin ang ilan sa mga sumusunod na sitwasyon.

  • Madaling mainis si Oscar sa kanyang mga nakababatang kapatid. Madalas nilang kulitin si Oscar na makipaglaro sa kanila o tulungan sila sa kanilang homework. Gusto lang ni Oscar na iwan siyang mag-isa ng kanyang mga kapatid para magawa niya ang gusto niya.

  • Nalaman ni Hae-Won na isang babae sa klase niya sa Young Women ang na nagpapakalat ng hindi maganda tungkol sa kanya. Nalilito at nasasaktan si Hae-Won dahil dito at hindi niya alam kung paano tutugon.

  • Gusto ni Kapo na maging sikat sa paaralan at tila walang takot sa harap ng kanyang mga kaibigan. Madalas niyang minamaliit ang iba nilang kaklase at kinukuha niya ang mga gamit ng mga ito nang hindi nagpapaalam.

Maaaring talakayin sa klase ang isa sa mga sitwasyong ito, o maaaring hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo at bigyan sila ng sitwasyon na tatalakayin. Hikayatin silang magpasiya kung alin sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ang pinakamakatutulong sa kanilang sitwasyon at bakit. Anyayahan ang bawat grupo na ibahagi sa buong klase ang tinalakay nila. Maaaring magabayan ang mga estudyante sa talakayang ito ng ilan sa mga sumusunod na tanong.

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Ano ang maaari mong ibahagi mula sa Moroni 7:45–48 na makahihikayat sa taong ito na tumugon nang may higit na pag-ibig sa kapwa-tao sa kanyang sitwasyon?

  • Ano ang ilang iba pang mga banal na kasulatan o pahayag ng mga lider ng Simbahan na maaaring makatulong?

Kumilos nang may pananampalataya

  • Anong mga hamon ang maaaring maranasan ng taong ito sa pagsisikap niyang ipamuhay ang ibinahagi mo sa kanya?

  • Paano siya makakakilos nang may pananampalataya sa kabila ng mga hamong ito?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Paano makatutulong sa kanya ang pagtingin sa sitwasyon nang may walang-hanggang pananaw para makadama siya ng higit na pag-ibig sa kapwa-tao?

  • Paano makatutulong sa taong ito ang pagsuri sa paraan ng pagturing ni Jesucristo sa iba para mas maipakita niya ang pag-ibig sa kapwa-tao?

Pagkatapos ng talakayan sa klase o grupo, maaari mong itanong sa mga estudyante kung may iba pang mga aspeto ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na maaari ding makatulong sa mga sitwasyon.

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Sa isang lesson sa hinaharap, magdrowing ng isang malaking puso sa pisara at sabihin sa mga estudyante na alalahanin kung aling doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan ang nauugnay sa drowing. Hikayatin ang bawat estudyante na isulat sa kanilang study journal ang reference (Moroni 7:45–48) at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan (“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo”) nang ilang beses nang walang kopya.