Seminary
Moroni 7–9: Buod


“Moroni 7–9: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Moroni 7–9,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Moroni 7–9

Buod

Si Moroni, na mag-isang nagpagala-gala sa loob ng maraming taon matapos malipol ang kanyang mga tao, ay isinulat ang mga salita ng kanyang ama tungkol sa pag-asang may darating na magagandang bagay sa atin sa pamamagitan ni Cristo. Hinikayat niya tayo na gamitin ang Liwanag ni Cristo upang malaman ang tama sa mali. Itinuro niya kung paano “makakapanangan sa bawat mabuting bagay” (Moroni 7:20, 25), lalo sa pag-ibig sa kapwa-tao, ang “dalisay na pag-ibig ni Cristo” (Moroni 7:47). Nagbahagi rin siya ng isang liham mula sa kanyang ama na nagtuturo na ang maliliit na bata ay nailigtas sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Cristo at hindi nangangailangan ng binyag.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Moroni 7:1–19

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magtiwala kay Jesucristo para humatol sa pagitan ng mabuti at masama.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang ibahagi kung paano naiimpluwensyahan ng kanilang paniniwala kay Jesucristo ang mga desisyong ginagawa nila.

  • Larawang ipapakita: Ang larawan na may dalawang parisukat na mukhang magkaiba ng shade ng gray

  • Bagay: Isang flashlight para sa iminungkahing object lesson

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para magawa ang object lesson gamit ang flashlight, tiyaking madilim sa paligid mo. Maaari mong isara ang mga blinds, puwede kang lumipat sa isang silid nang walang maraming bintana, o magtalukbong ng kumot kasama ang iyong computer. (Maaari mong subukan ito gamit ang iyong computer camera bago magklase para matiyak na madilim ang lugar.) Sabihin sa mga estudyante na basahin ang banal na kasulatan o ang card na itatapat mo sa camera habang madilim. Pagkatapos, ilawan ng flashlight ang card o banal na kasulatan at sabihin sa mga estudyante na subukan ulit. Maaaring epektibo ring anyayahan nang maaga ang isang estudyante na ibigay ang object lesson na ito sa klase.

Moroni 7:20–43

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng higit pang pag-asa sa pamamagitan ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na basahin ang 1 Pedro 3:15 at pag-isipan kung paano sila binibigyan ni Jesucristo ng pag-asa.

  • Mga bagay: Isang mesa na may iba’t ibang bagay, kasama ang mga meryenda na maaaring sa tingin ng mga estudyante ay mabuti o masama sa kalusugan

  • Mga video:Nagpatotoo si Alma sa Kanyang Anak na si Helaman” (7:09; panoorin mula sa time code na 1:30 hanggang 2:32); “Finding Hope through the Resurrection of Christ” (4:41); “Ang Dalubhasang Manggagamot” (13:00; panoorin mula sa time code na 8:49 hanggang 11:53)

  • Handout:Pagkakaroon ng Pag-asa kay Jesucristo

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari mong gamitin ang iyong camera para ipakita ang table na inihanda para sa object lesson at itanong sa mga estudyante kung aling mga bagay ang sa tingin nila ay mabuti at masama sa kalusugan.

Moroni 7:44–48

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang pag-ibig sa kapwa-tao at sikaping matamo ito sa kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga halimbawa kung kailan nagpakita ng pagmamahal ang Tagapagligtas, pati ng mga halimbawa ng pagmamahal na tulad ng kay Cristo ngayon.

  • Mga Video:The Coat” (2:07); “Gordon Hinckley: Lessons I Learned as a Boy” (4:04); “Charity: An Example of the Believers” (4:50); “Ang Pag-ibig sa Kapwa-Tao Kailanman ay Hindi Nagkukulang” (19:48; panoorin mula sa time code na 15:05 hanggang 17:22)

  • Larawang ipapakita: Larawan ng Tagapagligtas

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang chat upang ibahagi ang mga tanong nila tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao. Sa pamamagitan nito, mababasa ng kanilang mga kaklase ang kanilang mga tanong sa susunod na bahagi ng lesson. Pagkatapos ay ipakita ang mga aktibidad na maaaring gawin ng mga estudyante para makita ang mga sagot sa kanilang mga tanong.

Doctrinal Mastery: Moroni 7:45–48

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Moroni 7:45–48, maipaliwanag ang doktrinang itinuturo sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga sitwasyong naranasan o nasaksihan nila kung saan maipapakita nila ang pag-ibig sa kapwa-tao

  • Ipapakitang nilalaman: Isang drowing na puso sa pisara na may scripture reference at mga salita ng mahalagang parirala ng banal na kasulatan na nakasulat sa palibot ng puso nang hindi sunud-sunod

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Upang matulungan ang iyong mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, maaari mong paghalu-haluin ang mga salita sa bawat isa sa tatlong alituntunin. I-type ang mga pinaghalu-halong alituntunin nang paisa-isa sa chat at sabihin sa mga estudyante na mabilis na isagot ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita.

Moroni 8

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung bakit hindi kailangang binyagan ang maliliit na bata at kung ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong ibahagi ang kuwento mula sa simula ng lesson o ang isang bagay na katulad nito at sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano sila tutugon sa sitwasyon.

  • Video:And a Little Child Shall Lead Them” (16:55; panoorin mula sa time code na 4:40 hanggang 5:59)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong digital na i-create muli ang chart at ibahagi ang iyong screen sa mga estudyante. Habang ibinabahagi nila ang nalaman nila sa kanilang pag-aaral, maaari mong i-type ang kanilang mga nalaman sa naaangkop na column.