Seminary
Doctrinal Mastery: Assessment 1: 1 Nephi 3:7 hanggang Mosias 18:8–10


“Doctrinal Mastery: Assessment 1: 1 Nephi 3:7 hanggang Mosias 18:8–10,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: Assessment 1,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Assessment 1

1 Nephi 3:7 hanggang Mosias 18:8–10

Sa unang kalahati ng kursong ito, pinag-aralan ng mga estudyante ang 12 doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon mula sa 1 Nephi hanggang Mosias. Ang assessment na ito ay ginawa para ma-assess ang kakayahan ng mga estudyante na maalala ang mga reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa mga passage na ito gayundin ang kakayahan nilang gamitin ang mga ito sa mga sitwasyon sa tunay na buhay. Ia-assess din nito ang pag-unawa ng mga estudyante sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Ang assessment na ito ay dapat ibigay bago matapos ang unang kalahati ng kurso. Upang matulungan ang mga estudyante na makapaghanda, ituro ang “Doctrinal Mastery: Pagrerebyu ng Assessment 1” o bigyan ang mga estudyante ng gabay sa pag-aaral na makikita sa katapusan ng lesson na iyon. Bukod pa rito, ituro ang lahat ng doctrinal mastery passage mula sa 1 Nephi hanggang Mosias bago ibigay ang assessment na ito. Maaaring kailanganing baguhin ang iskedyul ng pagtuturo upang magawa ito.

Kung maaari, ibigay ang assessment na ito nang personal at iwasto kaagad ito sa klase kapag nakumpleto na ito ng mga estudyante o sa susunod na sesyon ng klase.

Bukod pa sa pag-assess sa kasalukuyang kaalaman ng mga estudyante, ang karanasan sa pagsagot at pagwawasto ng assessment ay nilayong maging isang karanasang makabuluhan at nagpapatibay ng patotoo para sa mga estudyante. Habang iwinawasto ang mga tanong 7–12, anyayahan ang mga estudyante na sabihin kung bakit pinili nila ang mga isinagot nila at ipaliwanag kung paano makatutulong ang mga passage na pinili nila sa mga sitwasyong inilarawan. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang anumang tanong na maaaring nasagot nila nang mali. Maglaan ng oras para sagutin ang anumang karagdagang tanong ng mga estudyante.

Doctrinal Mastery sa Aklat ni Mormon: Assessment 1

Mga doctrinal mastery reference

Para sa mga tanong 1–3, isulat ang letra ng katumbas na reference sa patlang sa tabi ng bawat parirala. Mangyaring huwag gamitin ang iyong mga banal na kasulatan sa bahaging ito ng assessment.

Mahahalagang Parirala

Mga Scripture Reference

Mahahalagang Parirala

  1. “[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Mga Scripture Reference

  1. 1 Nephi 3:7

Mahahalagang Parirala

  1. “Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Mga Scripture Reference

  1. 2 Nephi 2:25

Mahahalagang Parirala

  1. “Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Mga Scripture Reference

  1. 2 Nephi 2:27

Mga Scripture Reference

  1. Mosias 2:41

Mga Scripture Reference

  1. Mosias 3:19

Mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Para sa mga tanong 4–6, punan ang mga nawawalang salita sa mahahalagang parirala ng doctrinal mastery. Mangyaring huwag gamitin ang iyong mga banal na kasulatan sa bahaging ito ng assessment.

  1. “Kung kayo ay nasa ng inyong , kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong ” (Mosias 2:17).

  2. “Hubarin ang na tao at maging sa pamamagitan ng ni Cristo, ang Panginoon” (Mosias 3:19).

  3. sa pangalan ng Panginoon, bilang … na kayo ay sa kanya” (Mosias 18:8–10).

Aplikasyon sa mga sitwasyon sa tunay na buhay

Maaari mong gamitin ang iyong mga banal na kasulatan para sa natitirang bahagi ng assessment.

Para sa mga tanong 7–8, tumukoy ng isa o mahigit pang doctrinal mastery passage na makatutulong sa isang tao na nasa mga sumusunod na sitwasyon at ipaliwanag kung paano makatutulong ang (mga) katotohanan na nasa (mga) passage. Pagkatapos ay sundin ang mga tagubilin para sa tanong 9.

  1. Isang binatilyo ang kinakailangang gumawa ng isang mahalagang desisyon na maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kanyang hinaharap. Kinakabahan siya at hindi siya sigurado sa pipiliin niya.

  2. Isang dalagita ang namumuhay sa isang sitwasyon kung saan pakiramdam niya ay nahihirapan siyang sundin ang mga kautusan ng Diyos. Gusto niyang maging masunurin, ngunit tila napakahirap nito sa kanyang sitwasyon.

  3. Pumili ng alinman sa 12 doctrinal mastery passage mula sa 1 Nephi hanggang Mosias, at magbahagi ng isang sitwasyon kung saan ang mga katotohanang itinuro sa passage na iyan ay makatutulong sa isang teenager sa kanyang buhay.

Mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Para sa mga tanong 10–11, ipakita ang iyong kaalaman at kakayahan sa paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  1. Ipaliwanag nang maikli ang mga sumusunod na tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman gamit ang sarili mong mga salita.

    1. Kumilos nang may pananampalataya.

    2. Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.

    3. Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.

  2. Nagtatanong ang isang kaibigan kung bakit ang ilang bagay na itinuro sa kanya kamakailan sa paaralan ay tila salungat sa itinuro ng Diyos sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan at ng mga makabagong propeta. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

    1. Anong mga partikular na bagay ang magagawa niya para kumilos nang may pananampalataya?

    2. Paano makatutulong sa kanya ang pagtingin sa sitwasyong ito nang may walang-hanggang pananaw?

    3. Ang mga doctrinal mastery passage ay mga halimbawa ng sources na itinalaga ng Diyos. Anong (mga) doctrinal mastery passage mula sa 1 Nephi hanggang Mosias ang maaaring makatulong sa iyong kaibigan? Paano?

Epekto sa iyong buhay

  1. Anong doctrinal mastery passage na napag-aralan mo sa semestreng ito ang nakaimpluwensya sa iyo? Paano ito nakaimpluwensya sa iyo? Ano ang itinuturo sa iyo ng passage na ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras para makumpleto ang assessment. Kapag tapos na ang mga estudyante, rebyuhin ito bilang isang klase. Magpasiya kung mas mainam kung iwawasto ng mga estudyante ang kanilang sariling sagot o kung ipapasa nila ito sa isang kaklase na siyang magwawasto nito.

Mga sagot

  1. d. Mosias 2:41

  2. a. 1 Nephi 3:7

  3. b. 2 Nephi 2:25

  4. paglilingkod; kapwa-tao; Diyos

  5. likas; banal; pagbabayad-sala

  6. magpabinyag; saksi; nakikipagtipan

  7. Kabilang sa mga posibleng sagot ang 2 Nephi 32:3 at 2 Nephi 32:8–9, ngunit maaaring makatanggap ng puntos ang mga estudyante sa paggamit ng anumang doctrinal mastery passage kung maipapaliwanag nila kung paano naaangkop ang katotohanan na nasa passage.

  8. Kabilang sa mga posibleng sagot ang 1 Nephi 3:7 at Mosias 2:41, ngunit maaaring makatanggap ng puntos ang mga estudyante sa paggamit ng anumang doctrinal mastery passage kung maipapaliwanag nila kung paano naaangkop ang katotohanan na nasa passage.

  9. Basta’t nasasagot nang matapat at kumpleto ng mga estudyante ang tanong na ito na humihingi ng paliwanag, dapat silang bigyan ng puntos.

  10. Dapat makapagbigay ang mga estudyante ng maikling paliwanag ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaari mong ipahambing sa kanila ang kanilang mga sagot sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).

  11. Dapat maipaliwanag ng mga estudyante ang mga aksiyon na may kaugnayan sa pagkilos nang may pananampalataya at ang mga pagpapala ng pagsusuri ng mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw. Dapat din silang tumukoy ng isang doctrinal mastery passage na makatutulong sa isang taong nagtatanong kung bakit tila salungat ang ilang turo sa mundo sa itinuro ng Panginoon. Kabilang sa ilang passage na maaaring gamitin ng mga estudyante ang Mosias 4:9 at 2 Nephi 28:30.

  12. Basta’t nasasagot nang matapat at kumpleto ng mga estudyante ang tanong na ito na humihingi ng paliwanag, dapat silang bigyan ng puntos. Sabihin sa kanila na talakayin ang doctrinal mastery passage na pinili nila at kung bakit nila pinili ito. Hangga’t may oras pa, bigyan ng pagkakataon na magbahagi ang maraming estudyante. Sabihin sa kanilang ibahagi kung ano ang itinuturo sa kanila ng passage na pinili nila tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Tapusin ang assessment sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa kapangyarihang nagmumula sa pag-unawa sa doktrina ni Jesucristo na matatagpuan sa Kanyang mga banal na kasulatan, at pagkakaroon ng kaalaman kung paano ipamuhay ang Kanyang mga turo sa mga totoong sitwasyon sa buhay.