Seminary
Doctrinal Mastery: Pagrerebyu ng Assessment 2: Alma 7:11–13 hanggang Moroni 10:4–5


“Doctrinal Mastery: Pagrerebyu ng Assessment 2: Alma 7:11–13 hanggang Moroni 10:4–5,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: Pagrerebyu ng Assessment 2,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Pagrerebyu ng Assessment 2

Alma 7:11–13 hanggang Moroni 10:4–5

Ginawa ang pagrerebyu para sa doctrinal mastery assessment na ito bilang karanasan sa pagkatuto upang tulungan ang mga estudyante na marebyu ang 12 doctrinal mastery passage mula Alma hanggang Moroni. Bibigyan sila nito ng pagkakataon na ipakita ang pagkaunawa at aplikasyon nila sa mga katotohanan na nasa mga passage na ito. Ginawa rin ito upang tulungang maghanda ang mga estudyante para sa darating na assessment (“Doctrinal Mastery: Assessment 2”)

Ang karanasang ito sa pagkatuto ay mas makatutulong sa mga estudyante kung magtutulungan sila sa oras ng klase. Kung ikaw ay isang home-study o online teacher, tiyaking gawin ito sa isa sa iyong mga lingguhang klase.

Gamitin ang pagrerebyu na ito at ibigay ang doctrinal mastery assessment anumang oras kapag naituro mo na ang lahat ng doctrinal mastery passage mula sa Alma 7:11–13 hanggang Moroni 10:4–5. Maglaan ng sapat na oras sa pagitan ng pagrerebyung ito at ng assessment para mapag-aralan ng mga estudyante ang mga passage na hindi nila gaanong alam. Maaaring kailanganing ituro ang ilan sa mga doctrinal mastery lesson bago lumabas ang mga ito sa pagkakasunud-sunod ng lesson para maibigay ang assessment bago matapos ang taon.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Isipin ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante at piliin ang mga bahagi ng pagrerebyu na ito na pinakamakatutulong sa kanila na maghanda para sa “Doctrinal Mastery: Assessment 2.” Sa buong pagrerebyu na ito, sabihin sa mga estudyante na isulat ang mga passage na hindi nila gaanong alam at magplano para pag-aralan at rebyuhin ang mga passage na iyon bilang paghahanda para sa assessment.

Ang mga quiz sa mga aktibidad sa pagrerebyu 1 at 2 ay mga mungkahi para matulungan ang mga estudyante na marebyu ang mga reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na napag-aralan nila sa kalahating ito ng kurso. Maaaring gumamit ng iba’t ibang aktibidad upang maisagawa ito ayon sa mga pangangailangan ng mga estudyante. Makikita ang mga karagdagang ideya sa naunang mga doctrinal mastery review lesson o sa Doctrinal Mastery mobile app.

Aktibidad sa Pagrerebyu 1: Pagtugmain ang mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Maaari mong gamitin ang sumusunod na quiz upang matulungan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na napag-aralan nila sa kalahating ito ng kurso.

Mga sagot: 1-c, 2-e, 3-a, 4-i, 5-f, 6-b, 7-j, 8-h, 9-k, 10-l, 11-g, 12-d

Bilang alternatibo sa quiz, maaari mong i-print ang bawat isa sa 12 scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa magkakahiwalay na papel. Bigyan ng papel ang bawat estudyante at sabihin sa kanila na hanapin at tabihan ang taong may hawak ng papel na may katugmang reference o mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Pagkatapos, maaari mong paghalu-haluin ang mga papel at ulitin ang aktibidad nang ilang beses.

Itugma ang sumusunod na mahahalagang parirala sa kaliwang column sa tamang doctrinal mastery passage reference sa kanang column.

Mahahalagang Parirala

Mga Scripture Reference

  1. “Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

  1. Alma 7:11–13

  1. “Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

  1. Alma 34:9–10

  1. “At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

  1. Alma 39:9

  1. “Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

  1. Alma 41:10

  1. “Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

  1. Helaman 5:12

  1. “Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

  1. 3 Nephi 11:10–11

  1. “Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

  1. 3 Nephi 12:48

  1. “Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

  1. 3 Nephi 27:20

  1. “Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

  1. Eter 12:6

  1. “[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo. … At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

  1. Eter 12:27

  1. “Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

  1. Moroni 7:45–48

  1. “Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

  1. Moroni 10:4–5

Aktibidad sa Pagrerebyu 2: Alamin ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Maaaring gamitin ang sumusunod na aktibidad na punan ang patlang o fill-in-the-blank upang matulungan ang mga estudyante na marebyu ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Mga sagot: 1. matapat; layunin; malalaman 2. pagbabayad-salang; walang katapusan; walang hanggang 3. bato; Manunubos; saligan 4. patunay; pagsubok; pananampalataya 5. kalooban; Ama; simula

Ang isa pang paraan para matulungan ang mga estudyante na marebyu ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ay ang ipaayos sa kanila ang pagkakasunud-sunod ng mga salita sa mga parirala. I-print ang bawat parirala, at gupit-gupitin ang mga ito nang tig-iisang salita para isang salita lang ang nasa bawat piraso ng papel. Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo at bigyan ang bawat grupo ng isang set ng mga papel na bubuo ng isang kumpletong mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Sabihin sa mga grupo na ayusin ang pagkakasunud-sunod ng mga salita upang mabuo ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa tamang pagkakasunud-sunod. Kapag tapos na ang mga grupo, maaari silang magpalitan ng mga papel at ulitin ang aktibidad.

Punan ang mga patlang ng mga nawawalang salita mula sa mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.

  1. “[Magtatanong] nang may na puso, na may tunay na , na may pananampalataya kay Cristo. … At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.” (Moroni 10:4–5)

  2. “Kinakailangan na may isang gawin, … isang at hain.” (Alma 34:9–10)

  3. “Sa na ating … ninyo kailangang itayo ang inyong .” (Helaman 5:12)

  4. “Wala kayong matatanggap na hangga’t hindi natatapos ang sa inyong .” (Eter 12:6)

  5. “Aking binata ang ng sa lahat ng bagay magbuhat pa sa .” (3 Nephi 11:10–11)

Aktibidad sa Pagrerebyu 3: Ipamuhay ang doktrina

Tulungan ang mga estudyante na magsanay na gamitin ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery passage sa mga tunay na sitwasyon sa buhay. Ang isang paraan para magawa ito ay ipakita ang mga sumusunod na sitwasyon. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na magpasiya kung aling (mga) doctrinal mastery passage ang makatutulong sa tao sa bawat sitwasyon. Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag kung paano makatutulong ang doktrinang itinuro sa (mga) passage na pinili nila.

Maaaring gawin ang aktibidad na ito nang mag-isa, nang magkakagrupo, o bilang isang klase, o nang kumbinasyon ng tatlong ito.

  1. Gustong malaman ng isang dalagitang nag-aaral ng tungkol sa Simbahan kung ano ang dapat niyang gawin para sundin si Jesucristo.

  2. Isang grupo ng mga teenager ang nagsimulang maging masama sa marami sa kanilang mga kaklase sa paaralan.

  3. Hindi nauunawaan ng kaibigan mo ang kahalagahan ni Jesucristo at tinatanong ka niya kung ano ang nagawa Niya para sa atin.

  4. Gustong malaman ng isang binatilyo kung paano niya matatanggap ang tulong at lakas ng Diyos para maprotektahan siya mula sa mga tukso ni Satanas.

Aktibidad sa Pagrerebyu 4: Gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Tulungan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at bigyan sila ng pagkakataong sanaying gamitin ang mga ito sa mga sitwasyon sa tunay na buhay. Ang sumusunod ay isang paraan upang magawa ito.

Isipin ang sumusunod na sitwasyon:

Kung minsan, pakiramdam ng isang dalagita na masyadong mahigpit ang mga kautusan ng Diyos. Iniisip niya kung magiging mas masaya ba siya kung mamumuhay na lang siya sa anumang paraan na sa tingin niya ay pinakamaganda.

Pag-isipan kung paano mo magagamit ang mga sumusunod na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para tulungan ang teenager na ito na hanapin ang Ama sa Langit at si Jesucristo para makatanggap ng tulong sa kanyang mga alalahanin.

  • Kumilos nang may pananampalataya.

  • Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.

  • Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.

  • Paano mo magagamit ang bawat isa sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang makatulong sa sitwasyong ito?

  • Aling mga doctrinal mastery passage mula sa kalahati ng kursong ito ang maaaring makatulong? Paano?

  • Ano ang mga naging karanasan mo sa paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang lutasin ang sarili mong mga alalahanin?

Aktibidad sa Pagrerebyu 5: Mga passage na may espesyal na kahulugan sa iyong buhay

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung aling doctrinal mastery passage ang pinakanakaimpluwensya sa kanila. Halimbawa, maaari nilang piliin ang nakatulong sa kanila na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo o ang nakatulong sa kanila na mas maunawaan si Jesucristo at ang Kanyang Pagbabayad-sala.

  • Anong doctrinal mastery passage ang naging makabuluhan o kapaki-pakinabang sa iyo? Paano ito naging makabuluhan o kapaki-pakinabang?

Magkakaroon ka ng pagkakataong ibahagi ang mga ideya at karanasang ito bilang bahagi ng assessment.

icon ng handout Maaari mong ipamahagi ang sumusunod na handout sa mga estudyante upang matulungan silang maghanda para sa “Doctrinal Mastery: Assessment 2.”

Doctrinal Mastery: Assessment 2—Gabay sa Pag-aaral

Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)—“Doctrinal Mastery: Pagrerebyu ng Assessment 2: Alma 7:11–13 hanggang Moroni 10:4–5“

Isaulo ang mga reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Maging pamilyar sa mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Maaari mong i-download at gamitin ang Doctrinal Mastery mobile app upang matulungan kang magrebyu.

Doctrinal Mastery sa Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Gamitin ang doktrina sa mga sitwasyon sa tunay na buhay

Gumamit ng kahit isang doctrinal mastery scripture passage para:

  • Ipaliwanag kung ano ang ipinagagawa sa atin ng Diyos para maging marapat sa buhay na walang hanggan.

  • Tulungan ang isang tao na gustong malaman kung paano niya mapalalakas ang kanyang patotoo.

  • Ipaliwanag ang kahalagahan ng misyon ni Jesucristo bilang ating Tagapagligtas at Manunubos.

  • Ipaliwanag kung ano ang magagawa ng Tagapagligtas para matulungan tayo sa ating mga hamon o tukso.

Maging handang ibahagi kung alin sa mga doctrinal mastery passage ang lubos na nakaimpluwensya sa iyo at bakit.

Mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Rebyuhin ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023). Pag-isipan kung paano mo magagamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para tulungan ang isang tao na madaig ang isang hamon o alalahanin na kinakaharap niya.